Chapter 16

34 0 0
                                    

"Mapunit naman iyang hawak mo," Roni said when she passed by in front of me. I blinked and I feel okay again. Tinignan ko lang siya sabay bagsak ng tingin. She's right, the paper I'm holding is close to be ripped off.

"Kung tulungan mo kami tutal gamit mo naman 'to, kaysa nakatulala ka diyan?" Juno rolled her eyes. I sighed and put down the paper. Tumayo ako at kinalma ang sarili.

Dalawang araw na simula nang mag-usap kami ni Rajih and I'm not talking at him after I went home. Nakakainis lang kasi. Akala ko ba mahal niya ako at hahayaan niya na gawin ko ang kahit anong gusto ko?

Bakit ayaw niya naman gawin iyon tutal para sa akin iyon? Boys are really hard to understand. If we are just not asked to settle and marry a man, then this wouldn't go now. Nakakainis. Ang sakit sa ulo. Dumagdag pa talaga siya sa mga problema ko.

"Sorry.." Kinuha ko ang maleta at binuklat iyon. Kinuha ko ang inaabot ni Juno sa akin at tinupi lahat. Nandito sila kasi nagpatulong ako na mag-ayos ng mga gamit ko.

Bukas na ang alis namin at hindi ako naeexcite. Parang ayaw ko na pumunta. "What happened ba? Bigla ka nalang tatahimik." bulong niya sa akin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Kay Roni siya nagtanong. Binato niya ako ng damit at umirap lang ang nagawa ko. "Sira ulo iyan e, galit ata dahil hindi sasama si Rajih sa atin."

My heary clenched upon hearing his name. I stopped for a while and continue what I'm doing. They just don't know what I'm feeling. "O naman ngayon? If he didn't want to go with us, bakit mo pa ipipilit."

"He told me that he'll do everything for me. Sinabi ko na sa kaniya iyong sa atin one month ago pa kaya umaasa ako na sasama siya!" Napataas kaunti ang boses ko. "Tapos biglang malalaman ko, hindi siya sasama? Nakakabwisit kaya!"

Nagkatinginan sila habang ako ay galit na sinuksok ang mga underwear ko sa loob ng maleta. Kung puwede lang ay may usok na ngayong lumalabas sa tenga ko at ilong.

Rajih kept texting and calling me. Pero hindi ko iyon sinasagot. I spent my Friday night watching series on Netflix and I spent my Saturday fixing our party. Kahit na nadadamay ang work ko roon, at least hindi ko siya napapansin.

Papansinin ko lang siya once papayag siyang sumama sa akin.

"Hindi naman natin siya ka-officemate, Frey. Kaya puwedeng hindi siya sumama."

"But he told me that he'll think about it!" I shot back.

Roni pursed her rosy lips, "Pag-iisipan pa lang naman pala, girl! Sobrang layo sa pumayag siya sa gusto mo."

I eyed them both. "Bestfriends ko ba talaga kayo?"

Nagkatinginan nanaman silang dalawa at suminghap. Tumigil sila sa ginagawa nila at tinignan nila ako. "Oo naman! Pinapangaralan ka lang naman namin kas--"

Hindi natuloy ni Roni ang sasabihin dahil may nagpindot ng doorbell. "Iyong pagkain natin."

Binitawan nilang dalawa ang hawak na damit ko at nagtabi. "I ordered a lot of food, tutulungan nalang ako ni Juno."

Juno nod her head before pushing Roni out of my room. Naiwan akong tahimik sa loob ng kuwarto ko. Ugh. Nakakainis talaga. Paskong-pasko pero ganito ang nararamdaman ko.

He should be making me happy because this is the first time that I'm free with Ian pero shit lang, parang bumabalik lang iyong dati!

Inabot ko ang phone at binuksan iyon. Expected ko nang marami siyang missed calls and unread messages. I closed my eyes and put it back.

Damn it. Akala ko magiging okay na ako sa relasyon na 'to. It still here.. but now with a different guy.

***

(Magnus Haven #2) Bad Life, Bad Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now