Chapter 12

25 0 0
                                    

Rajih Emmanuel: Free ka? Dito uli kami Cergio!

Napangiti ako nang matagal sa nabasa. Tinignan ko ang oras at nakitang ten minutes nalang ay matatapos na ang work hours namin.

Dahil tapos na ako sa mga gawain, inayos ko na ang mga gamit na nasa aking harapan. Alam kong labi ang pagtataka ng mga kasama ko, lalo na ng dalawang katabi ko pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Dinadama ko lang ang pakiramdam na malaya ako sa mga gawin ko. Magdadalawang buwan na simula nang maghiwalay kaming dalawa ni Ian. At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay hindi naging madali sa akin.

Nandoon pa rin ang panggugulo sa akin ni Ian. At nandoon iyong sakit at kaunting pagsisisi sa ginawa ko pero majority, naramdaman ko uli maging malaya matapos ang dalawang taon. Naramdaman ko uli iyong pakiramdam noong meron pa iyong pamilya ko.

The trek was never easy to climb with, but as I slowly feeling the freedom I've been praying for, it's gonna be worth it.

Pilit ko nalang iniisip na isang araw ay mapapagod din si Ian sa pangugulo sa akin. Mapapagod din siyang habulin ang nakaraan niya dahil hinahabol ko naman ang future ko.

Kahit na hirap ako kay Ian, nandiyan naman si Rajih para sa akin. Naging daan iyong pag-aaya niya sa akin manood ng gig nila para mapalapit ako lalo sa kaniya. Masama mang sabihin, naging daan ang hiwalayan namin ni Ian para maging close kaming dalawa.

Ngunit hindi niya pa alam ang tunay na nangyayari. Hindi ko alam kung bakit ayokong sabihin. Pero sasabihin ko din naman. Kahit nga siguro hindi niya na ako tanungin, mukhang alam niya na rin. Baka tinanong niya si Evan kung may boyfriend pa ba ako o wala na.

Basta ngayon, nalalasap ko na ang matagal ko nang gustong mangyari. Hindi man naging madali mag-adjust.. Lalo na sa araw-araw na buhay ko noon ay nandiyan si Ian sa akin.. Sanayan nalang siguro.. Masasanay din ako, hindi man agad, pero soon.

Kinakausap ako ni Juno habang pababa kaming lahat. Nang nasa labasan na kami, nagpaalam na ako sa kanila dahil nandoon na ang mga sundo nila. Roni kissed me and before going inside the car, she asked me kung saan ako pupunta.

"Hi Tito!" Bati ko sa papa ni Roni. Kumaway naman siya pabalik. "Hindi ka sasabay? Sabay ka na hija.."

Mabilis akong umiling sa offer niya at ngumiti. "Hindi na po! May pupuntahan pa po ako bago umuwi kaya salamat nalang po!"

Tinapik ako ni Roni. "Saan nga?"

"Inaaya ako ni Rajih manood uli. Gusto ko manood," may ngiti sa labi kong sabi iyon.

Makahulugan ang tingin na ipinukol niya sa akin. Nagtaas lang ako ng kilay sa kaniya at bumungisngis. Tinulak ko na siya papasok at kumaway. "You want me to indulge myself to new people, hindi ba? So let me!"

Pinanood ko silang makaalis bago naghanap ng masasakyan. Traffic na at malakas ang kutob ko na baka nagtutugtog na sila kapag makakarating ako roon.

Bumaba ang tingin ko saglit dahil wala pa akong natatawag. Pag-angat ko ng tingin, may puting kotseng nakatigil sa harapan ko. Ngingiti sana ako dahil may taxi na ako pero nang makilala ko ang kotse, napaatras ako.

Biglang may lumabas mula sa kabilang side at laking gulat ko nang makita na si Ian iyon. Napaatras ako at mabilis na umalis sa puwesto ko. Wala rin kuwenta iyon dahil sinundan niya pa rin ako.

"Freya.." Tawag niya pero hindi ako lumingon. "Can we talk?"

I looked at him with my bored eyes. "Ano pa ba pag-uusapan natin? We don't have anything to talk about us, Ian. Kasi wala ng tayo."

"You left me not only with pain in my heart but questions, Frey! Mababaliw na ako kakaisip kung anong sagot sa mga tanong na iniwan mo!" Kahit kalmado, bahid na bahid ang galit sa boses niya.

(Magnus Haven #2) Bad Life, Bad Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now