Chapter 11

24 0 0
                                    

Hindi naging madali sa akin ang mga sumunod na araw.. linggo at buwan simula nang mangyari iyon. Napunit ko na ang plane reservation ko, naayos ko na sa dati ang mga damit na aking dinala pero iyong sakit? Nandito pa rin?

Umuwi rin ako pagkatapos ng usapan namin ni Rajih. Alam ko na hindi naging maganda ang pag-iwan ko sa kaniya na nagtataka... kung bakit ako lang ang umuwi ngunit matalino si Rajih. Baka alam niya rin kung anong dahilan.

Takot pa akong umuwi, baka mangyari uli iyong ginawa ni Ian noon na natulog siya sa loob ng kotse. Hindi maganda iyon. May sakit siya. At bawalnsa kaniya makulong sa lugar na walang hangin. Hihikain siya.

Kaya sa bawat labas ko sa bahay namin, dala ko ang takot na baka nandoon siya sa gate ko. Pero isang linggo noong nauna akong umuwi, walang nagparamdam. Akala ko okay na.. Akala ko baka okay lang sa kaniya.. Kasi imposible na hindi pa siya nakauwi..

Pero puro akala ko lang pala.

"Hija, nagwawala na iyong may-ari ng kotse sa tapat mo. Labasin mo na kaya?" Patuloy ang pagbuhos ng luha ko habang nakikinig sa sinabi ng kapitbahay namin. Alam ko iyon. Nakikita ko siya mula dito sa bintana ko. Umiiyak. Nagwawala. Nagmamakaawa. Sumisigaw. Tinatawag ako.

Pero anong ginagawa ko? Nandito ako sa sulok, sa tabi ng bintana at pinipigilan na mapaluhod dahil sa bigat na nararamdaman. Kung hindi lang nakakaabala ang ginagawa niya sa labas namin, hindi ako bababa.

I don't want to make the fire bigger. Pero sa puntong ito, baka ako nalang talaga ang pag-asa para matupok ang apoy.

Humingi ako ng sorry sa tumawag sa akin at bumaba. Inayos ko ang sarili, pinunasan ang mukha dahil sa nagkalat na mga luha. Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pintuan ng bahay.

Nakatingin siya sa bintana kung nasaan ako kanina, pero nang makita niya ako ay sa akin na nalock ang tingin niya. Sumilay ang ngiti sa labi niya at kahit papaano.. tumahan siya sa pagsisisigaw.

"F-freya.." Hirap na hirap niyang banggit sa pangalan ko. Na para bang pagsabi lang sa pangalan ko sa panahon na 'to ay sobrang sakit na sa kaniya.

Kinagat ko ang labi at lumapit siya sa gate namin. Sinubukan niya akong abutin, pero malayo ako kaunti sa gate kaya hindi niya iyon magagawa. His tattooed arm were shining due to the sun above us. I don't know why.

"Usap naman tayo, babe.. H-huwag namang ganito..." Pakiusap niya sa akin. Iniiwasan kong tumingin sa mata niya, kahinaan ko iyon, kaya nga hindi ko na siya nilingon noong tumakbo ako, kasi isang sulyap lang, babalik ako.

Hindi ako nagsalita. Pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Sobrang itim na ng ilalim ng mata niya, parang hindi siya nakatulog. Parang hindi na siya natulog simula noong iniwan ko siya.

"Tapos na tayo, 'di ba? Ano pa bang pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kaniya.

Bumagsak lalo ang luha at mukha niya sa narinig ko. "Pagod na ako, Ian. Pagod ka na rin. Kaya tinap--"

"Tang ina, sinong nagsabi sa'yo na pagod na ako sa relasyon natin?! Fuck it, Frey! Mahal na mahal kita bakit ako mapapagod sa ating dalawa?!"

No matter how I try to keep my tears inside my body, his words triggered my mind to let it out. "Okay lang tayo noong isang gabi tapos putangina, nakipaghiwalay ka nang hindi mo sinasabi! Iniwan mo akong parang tanga roon!"

I know it's a lie. Nandoon si Sander para puntahan siya. Alam ko iyon. Imposibleng hindi. "Did I scare you, Frey? Mali ba na nagpropose ako?" Lumambing ang boses niya.

I took a step back. "It's not a wrong, Ian. Hindi mal-"

"E fuck lang, bakit mo ako iniwan kung hindi naman pala mali?! Gaguhan lang?! Freya, ano?! Ginagago mo lang ako?!" Sigaw niya na nagpatalon sa akin.

(Magnus Haven #2) Bad Life, Bad Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now