Chapter 28

33 0 0
                                    

Things will never be the same.. again.

But I am okay with watching him from a far. Siguro hanggang doon nalang. Siguro iyon nalang ang kayang ibigay sa akin ni Lord para sa aming dalawa ni Raj. If He wanted me to be happy for Rajih, as long as I'll be happy too, I don't mind.

Yes, the pain is still here. The pain won't go away. I know that. I just need to use that pain to be more better person than ever. Natutunan ko kasi na sobrang bilis naming dalawa ni Rajih, I should've healed myself first before entering his life.

The news of him going out with that supermodel is now… gone. Hindi ko alam kung bakit. Juno was the one who told me about that. Na wala na raw silang dalawa. Na hindi na sila magkasama.

All I know is they are still together, tapos hindi na pala.

"Dapat pala hindi ko na sinabi sa'yo, hopia ka nanaman." Natawa si Roni sa sinabi niya pero inikot ko lang ang mata.

"Sino naman nagsabi 'non?" Pagmamaang-maangan ko. Well, oo, nabuhayan ako uli ng pag-asa ngunit.. pakiramdam ko ay hindi na puwede. Kasi kung kami talaga, he should've text me after their split-up.

Sinabi lang sa akin ni Juno iyon two weeks after their break up. Kung kami talaga, sana nakatanggap ako ng text mula sa kaniya na.. sana ako pa. Na sana kami uli.

But I received nothing.

Siguro masasanay na rin ako sa ganito.

Minsan, naiisip ko na lumayo na lang.. Pero saan ako pupunta? Wala naman akong pera pa ngayon dahil delikado na ang pera ko, ilang buwan akong hindi nakapasok, muntikan na nga akong mawalan ng trabaho. Uli.

If it wasn't for Evan, again, baka wala na talaga ako dito. Speaking of him, minsan sinasabi niya sa akin na hindi na siya kinakausap ni Rajih kapag umuuwi siya sa kanila. He also told me that after noong hindi na ako pumupunta sa kanila, umuuwi na si Rajih.

See? Ako talaga ang iniiwasan niya. Para akong may sakit. Na ayaw na niyang mahawaan pa uli.

I feel sorry for Evan. Nasasabi niya dati na maayos ang pakikitungo nila sa isa't-isa tapos biglang.. poof! nawala. Dahil lang sa akin.

"It's okay. Baka hindi pa 'non kaya. Hayaan nalang natin." That's what he said when I feel sorry for their closeness from before. Kahit na hindi naman ganoon ka-close kagaya kina Rey, sa mga kabanda niya, but still, it's friendship.

Sila Ian at Sander naman, okay pa rin naman kaming tatlo. Naalala ko na puro sorry ako kay Ian noong bago kami umalis sa hospital. Nagsosorry ako kasi sobrang namaga iyong mukha niya, to think na isa iyon sa asset niya sa work.

Sobrang natatakot ako, kahit hindi na ako ang girlfriend niya kasi kailangan iyon sa work niya, para makabenta ng marami tapos sinira pa ni Rajih.

Tapos tinatawanan lang ako! Bwisit talaga! "This will fade in some days. You look like a freak."

Buti nalang talaga ay hindi na siya na IV dahil talagang isasagad ko iyon hanggang sa buto niya! Nagsosorry na nga iyong tao, e! Tapos tinawanan lang ako at parang wala lang sa kaniya iyon.

"It's not okay! Naalala mo ba na kapag nag-aaway tayo dati, sinasalo mo iyong sampal ko sa'yo?" Damn  naaalala ko pa rin lahat. Kaysa maramdaman iyong sakit, tinatawanan nalang naming lahat.

"Sabi mo pa na subukan ko lang sirain iyang mukha mo, lagot ako sa iyo? Kaya hindi ko na binalak, e! Tapos, you let Rajih punched your face!" Buti nalang kapag wala lang si Sander kami nag-uusap.

He's curious, mas lalo lang siyang magtatanong sa tagalog naming dalawa. Ian laughed again. Shit lang. I really missed this guy in me.

If he weren't like that before, siguro kami pa. Kung hindi siya ganoon, kung hindi ko siya kinunsinti, baka nagplaplano na kami sa kasal namin. Kung hindi ako nagising one morning, na walang nararamdaman sa kaniya, siguro Mrs. Freya Brooke Vasquez na ako.

(Magnus Haven #2) Bad Life, Bad Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now