Chapter 26

30 0 0
                                    

"Freya! Sira ulo ka, bakit dito ka natulog!"

I'm in the middle of my dark dream when someone ruined it. Nang buksan ko ang mata para tignan kung nasaan ako, nasa sementeryo pa rin ako ngayon. At nakatulog ako sa tabi ng magulang ko.

Bakit hindi pa ako tinuluyan?

Una kong napansin si Roni na kinukuha ang mga gamit ko. Si Juno ang gumising sa akin at inalalayan ako na maupo. Sumakit ang leeg ko dahil bukod sa wala akong unan, ginamit ko ang lapida as a substitute.

"Buti walang nangyari sa'yo! What made you think to sleep here?!" Sigaw niya uli. Pero parang wala akong marinig. Parang bingi na ako. Nakikisama ang sarili ko dahil baka mamaya.. marinig ko uli ang balita tungkol kay Rajih.

"Hayaan niyo na ako," bumalik ako sa pagkakahiga pero hinila nanaman niya ako. "Juno.. Pagod ako.. Pagod na pagod.."

"Well, kami rin! Alam mo ba kung gaano kami sobrang panic kakahanap sa'yo kagabi?! Nireport ka na namin sa pulis dahil walang nakakaalam kung nasaan ka! Almost twenty four hours ka nang nawawala!"

So? Wala naman na akong pakialam kung may naghahanap pa sa akin. Ang gusto ko lang ay si Rajih. Pero nasaan siya ngayon? Iniwan niya na ako. Iniwan niya ako at nakahanap ng babaeng hindi kasing possessive ko.

Hindi ko inakala na makakatulog ako sa dami ng iniisip. Sa kakaisip kung anong nakita ni Rajih doon sa bago niya. Inantok ako sa kakaisip na baka.. mas maganda iyon sa akin.. na baka hindi siya toxic kagaya ko.

Siguro iyon nga, masaya naman ako. Pero masakit pa rin talaga.

"Tara na. Tara na sa bahay niyo," tinulungan nila akong dalawa na makatayo. Nakatulog nga ako pero pagod na pagod pa rin ang isipan ko. Dagdag ko pa ang katawan na sumasakit. Dahil natulog ako sa damuha.

Hindi na ako magugulat kung may kagat o pasa ako mamaya o kinabukasan.

Doon nila ako sa likod pinaupo, pero humiga lang ako tutal nasa harapan lang naman sila. Yakap-yakap ko ang bag ko at ramdam ang pagtagas ng luha sa aking mga mata.

Akala ko okay na ako.. Akala ko puwede na.. Ngunit masakit pa rin talaga.. na may pinalit na siya sa akin nang ganun ganun lang.

Nahuli ako. Nahuli akong habulin siya. Nakita ko nga siya, may kasama naman nang iba.

Nakatingin lang sila sa akin, hindi inhumpisahan ang kotse. Nakatulala lang ako sa hangin habang tinatawag ang pangalan ni Rajih. Umaasa na sana.. na sana sa pagbulong ko sa hangin ay marinig niya at bumalik siya.

Wala namang masama mangarap, hindi ba?

"Hindi ko alam kung paano ka hinayaan ng guards na matulog doon. Dapat ginising ka nila tutal it's not okay to sleep in the middle of the deads." Rinig kong banggit ni Juno.

Tumango si Roni na nagmamaneho. "Hindi ba may nakita tayo noon na ganon? Last last year? Pinagalitan siya dahil nakita siyang tulog sa likod ng mausoleum. But you? You spent the whole night pero hindi ka man lang ginising."

I don't know, too. Aware ako sa sinasabi nilang dalawa. Na bawal matulog sa sementeryo lalo na kung hindi ka supulturero. Alam ko rin ang sinasabi nila na pinagalitan, gulo man ang isipan, napaisip din ako doon.

Bakit hindi ako ginising? For sure naman ay naglilibot ang mga guards sa area to check, imposibleng hindi nila ako nakita pero.. bakit hindi ako nagising? O ginising?

"I asked the guard why, he said that someone was there for you, Frey." Tumingin siya sa akin. "Multo ata nagbabantay sa'yo?"

"Eh? May nagbantay sa kaniya? Sino? Guard?"

(Magnus Haven #2) Bad Life, Bad Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now