Chapter 1

34 0 0
                                    

They say that if you ever fall out of love to someone, let it hurt you for a while. Because if it gets tired from breaking, it will eventually be completed again.

There's no wrong if you get hurt, because that's one of the things that love carries when you completely embrace it all.

And maybe… someday… I won't feel this way again.

"You okay?" Hinawakan ni Roni ang kamay ko. Naalis sa labas ang tingin ko at napunta sa kaniya. Ngumiti ako at pinatong ang kaliwang palad sa kaniya.

"Oo naman.." Sinubukan kong ibigay ang ngiti na lagi nilang nakikita pero hindi ko kayang gawin. Bagkus ay binalik ko nalang ang tingin sa labas.

Alas kuwatro na at paalis na kami para pumunta sa birthday ni Evan. Today is Saturday and I don't know what made our boss let us go out at three PM. Unusual kasi laging five o six ang uwian namin.

Gustuhin ko man na tanungin kung bakit, iniisip ko nalang na kinausap siya ni Evan tutal close naman silang dalawa.

"Freya, may nakikita si papa na bakeshop sa kanto niyo, nagbubukas ba iyon?" Pasunod niyang tanong.

Agad naman akong nagtaka. "Anong bakeshop?"

"Iyong lagi nating nadadaanan bago ka namin ibaba? Sa tabi ata ng acacia tree, basta sa kanto niyo!" Her emerald green eyes are more beautiful when the sunrays are hitting on it. Minsan nakakalimutan ko na half-half pala itong kaibigan ko kaya minsan naiinggit ako sa mata niya.

Napaisip naman ako. "Ah.. Iyon? Bakit?"

"Nagbubukas ba? Gusto ni papa mag-uwi kay mama kaso sarado naman lagi.."

Napakagat labi ako. Simula kasi noong araw na nag-away kami ni Ian ay hindi na ako sumasabay sa kaniya. Maski sa umaga. Kung dati ay six thirty ako lumalabas dahil sure na nasa labas na siya pero five palang ay umaalis na ako.

Alam kong maaga pero siguro magandang starting line iyon para sanayin ko ang sarili kapag wala na talaga siya sa tabi ko.

Nandito nanaman iyong thought na nasasaktan si Ian sa ginagawa ko pero doon din naman babagsak lahat, bakit pa ako matatakot na mangyari iyon?

Mabuti nalang ay mabait ang papa ni Roni at pumayag siya na ihatid ako kahit na medyo distant ang bahay namin. Nagulat nga silang dalawa ni Juno sa sinabi ko kasi parang kailan lang ay inaasar nila na sana lahat daw may sundo tapos biglang sasabay ako kay Roni.

Hindi man nila ako tanungin, alam naman nila kung bakit. Kilala na nila ako. Kilala rin nila si Ian. Kilala nila kung ano si Ian.

They made a better decision to not ask me about it.

It really hurts but I really need to endure this lingering pain.

Nag-usap nalang kami para kahit papaano ay hindi kami mabagot sa byahe. Outside the city pa iyong kila Evan, at may condo siya pero doon daw siya sa hometown maghahanda. Sinagot ko rin ang tanong niya about doon sa bakeshop.

Laging bukas iyon, maaga lang nagsasara kaya kapag nadadaanan namin ay sarado. Kasi six na halos kami nakakauwi.

Hindi namin napansin na sa haba ng usapan namin, nandito na kami. Napahinga ako ng malalim. That talk helps me to forget that my boyfriend is mad at me.

Bago ako bumaba ay pinatay ko na ang phone ko. Even if it's in silent mode, I could still feel it vibrating inside my bag. Hindi ko na kailangan tignan kung sino pa iyon, alam na alam ko na kung sino iyon without checking it out.

"Let's go?" There's a big smile on their faces and I can't help but to do it, too. Pinatong ko ang palad sa kamay ni Juno at hinayaang magpatianod sa kaniyang hila.

(Magnus Haven #2) Bad Life, Bad Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now