Kabanata : 7 Field trip

386 12 1
                                    

Nang matapos kami kumain bigla nalang siya nag salita

"Ahhh mahal may business trip ako bukas papuntang London" ang sambit niya saakin.

"Ahh Oo nga pala mahal sorry nakinig ako sa usapan niyo kanina nabigla lang kase ako na one week ka mawawala parang hindi ko kaya" ang sabi ko sakanya habang malungkot.

"Mahal wag ka na malungkot one week lang yun"

Matapos ang pag uusap namin naisipan naming gumala sa park

THE WONDER PARK
Yan ang bubungad at agad mong makikita na karatula sa park na iyon marami ng mga tao dahil hapon na makikita mo ang ilan na may practice ng sayaw ang iba naglalaro at iba pa pumunta kami ni rosh sa may duyan upang doon maupo

"Ahh mahal ano nga pala gusto mong pasalubong pag uwi ko" ang sabi ni rosh saakin.

"Aahh hindi na kailangan basta makita lang kita ulit ok na ako dun" ang sagot ko sakanya halos dalawang oras kaming nag uusap nag lalambingan sa park hanggang naisipan na namin na umuwi dahil Ihahanda niya pa ang kanyang mga dadalhin sa kanilang business trip.

KINABUKASAN

inihatid ko na sa airport si rosh

"Mahal ingat ka alagaan mo sarili mo ng mabuti" ang pag papaalala ko.

"Wag ka mag alala iingatan ko sarili ko ikaw mahal mag ingat ka din alagaan mo rin sarili mo sige na aalis na ako matulog ka ng maaga dahil may pasok kapa bukas"

Pag kaalis ni rosh hindi ko mapigilang maluha at malungkot dahil mahihiwalay ako sakanya ng matagal maya maya pa ay umuwi na ako. Nakauwi ako ng bahay mga 9:58pm agad na ako pumasok sa kwarto at nag half bath at natulog na ako.

Pag kagising ko 6:12am na pala kaya nag handa na ako pumasok.

"Ok class may field trip tayo bukas mabuti narin yun para hindi naman puro numbers yang nasa utak niyo magkakaroon kayo ng partner para kumuha ng mga pictures para sa presentation niyo"

"Hayys sino naman kaya ang makakapartner ko?" Bulong ko sa isip, dahil 50 kami dito sa klase ay 25 persons lang ang pinabunot ng papel.

"Uyy De Leon partner tayo" sabay pakita saakin ng papel ni Lance na tuwang tuwa hindi kami close ni lance dahil kadalasan nasa library ako tuwing vacant ko ok lang naman saakin na siya yung partner ko.

"Ahhh ma'am Flores saan po pala gaganapin yung field" trip sigaw ng isa kong classmate.

"Nice question ms. Lopez gaganapin ang ating field trip sa Paradiso Isla"

"Hayys saan kaya yun hindi ko pa napupuntahan yung Isla na yun pero sa pangalan palang maganda na paradiso isla means Paradise Island kung tawagin sa English" bulong ko sa isip.

"Ahhm class pwede na kayo umuwi para maghanda, kinausap ko na ang prof. Niyo sa ibang subject na papauwiin muna kayo para maghanda and class don't forget your cameras tomorrow at wag kayo malelate 6:00am ang alis ng bus kaya dapat agahan niyo pumunta dito sige ok na class pwede na kayo umuwi" sabi ni maam.

Umuwi na ako kaagad inihanda ko na ang malaki kong bag inilagay ko na ang mga damit at shorts ko at iba pang mga mahahalagang bagay syempre hindi pwedeng kalimutan ang camera maya maya pa ay tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito kaagad may natanggap akong message pero di ko kilala kung sino dahil unknown number pero binuksan ko.

Unknown number

Ahhh renz sabay na tayo bukas papuntang school si lance florido ito tol

The Unexpected Loving You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon