Linggo na at ngayon ang uwi ni rosh kaso ayaw niya mag pasundo bukas nalang daw kami mag kita. Ang weird na din ni rosh samantalang dati gusto gusto niya akong kasama.
Alas otso palang ng umaga dahil wala akong ginagawa nag linis muna ako ng aking kwarto masyado kasi magulo. Inayos ang mga damit nag walis linis doon linis dito wala kasi akong ginagawa pagkatapos mag linis nag push up muna ako mga 50x nang mapagod nag pahinga muna kaunti tapos naligo. Halos isang oras ako sa cr ang sarap kasi mag shower matapos mag asikaso ay nag patuyo muna ng buhok at natulog grabe sobrang boring kasi.
Alasais na ng hapon ng magising at bigla kong naalala ang apartment ni rosh pero bigla akong kinabahan ng maisip ang apartment. Ano ba nangyayare saakin grabe ang kabog ng aking dib dib hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Para mapanatag ay pumunta na ako sa apartment na malapit sa work place ni rosh. Habang papalapit ay bumibilis ang tibok ng puso ko.
Binuksan ko ang pinto pinasok ang susi sa susian matapos ay pinihit ang doorknob, dahan dahan ko itong binuksan habang palakas ng palakas ang kabog ng aking dib dib kasabay nun ang kaba at takot, tuloyan ko na nabuksan ang pinto, agad ko nakita ang kagandahan ng silid maayos na maayos at sobrang linis.
Agad akong nabigla dahil dalawa ang kwarto na nakita ko.
Binuksan ko ang pinto ng unang kwarto at mukhang kwarto ito ni rosh dahil nakita ang mga gamit niya.
Pag bukas ko ng pangalawag pinto tila ay nabigla ako sa aking nakita sapagkat kwarto ito ng babae biglang kumabog ng napakalakas ang aking dib dib bakit walang sinabi saakin si rosh, niloloko niya ba ako? Hindi niya na ba ako mahal? Pinag palit niya naba ako? Pumunta ako sa sofa at doon ako naupo nilapag ko ang cellphone sa sofa katabi ko.
Habang naka upo ay bigla ko naalala sila mama at papa gusto nila na sabay sabay kami lagi kumain, nag madali akong lumabas ng apartment dala ang susi at nilock ang pinto.
Nakarating na ako ng bahay at naghahain na sila ng pagkain.
Umakyat muna ako ng kwarto upang mag palit ng damit dahil basa na ng pawis ang damit ko.
Nag simula na kaming kumain, katulad lang ng dati usap usap tungkol sa mga ganap ng business at sa mga ginawa namin sa araw na ito.
Kakatapos ko lang kumain at nandito ako sa kwarto nakatingin sa kisami, iniisip ko si rosh kung kamusta siya dahil sa mga nag daang araw wala siyang mga text messages saakin hindi kami nakakapag usap kung mag usap man ay sobrang saglit lang.
Habang akoy nag iisip ng mga bagay bagay naisipan ko mag text kay rosh para manga musta kaya agad ko kinapa ang cellphone ko saaking bulsa pero wala kaya bumaba ako para tingnan sa lamisa yung cellphone ko kaso wala din doon.
"Ma nakita mo po ba yung cellphone ko?" Tanong ko habang inaalala kung nasaan ko ba nalagay.
"Nako anak hindi ko alam baka naiwan mo sa kung saan, diba umalis ka? Baka sa pinuntahan mo naiwan ang cellphone mo" sagot ni mama.
Bigla kong naalala na nilagay ko nga pala yung cellphone sa sofa ng apartment ni rosh.
"Ma alis muna ako may pupuntahan lang"
"Sige anak" sabi ni mama "ingat ka sa daan"
"Sige po" sagot ko "mag iingat po ako"
Agad na akong umalis ng bahay at sumakay ng taxi para pumunta sa apartment ni rosh.
Binaba na ako nung driver sa lugar na aking pupuntahan.
Habang palapit ng palapit ako sa pinto ng apartment bigla ulit akong kinabahan at kamabog ang dib dib ko sa di ko malamang dahilan. Dahan dahan ko ulit binuksan ang pinto bago ko kunin ang cellphone sa sofa pumunta muna ako sa kusina upang kumuha ng tubig na maiinom dahil nauhaw ako sa byahe.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Loving You(COMPLETED)
RastgeleAng story na ito ay gawa ng aking imagination at ang ilang bahagi sa story ay totoo na nanyare