Tuesday ngayon at mamayang ala siete ay pupuntahan ako ni rosh dito sa bahay dahil mag aalasiete na ay inayos ko na ang aking sarili. Ewan ko kung ano ang magiging pakulo niya para bihagin muli ang puso.
Habang magiging busy ang dalawa upang bihagin ang puso ko ay gumawa ako ng malaking hakbang upang malaman kung sino ba ang tunay na nagmamahal saakin. Dito ko makikita kung sino ang kayang rumespeto at kung sino ang gusto lumaban para sa pagmamahal.
Sa planong ito dito ko malalaman kung sino ang dapat piliin upang maging kasintahan ko. Kung sino man sa kanila ang hindi ko mapili ay mananatiling kaibigan ko.
Mahal ko silang pareho ngunit hindi maaari na pareho ko silang piliin. Bakit pa kasi na pareho ko silang gusto? Bakit ba kasi na pareho nila akong gusto. Masakit para saakin na ang isa ay masasaktan ng dahil lang saakin. Ngunit wala ako ibang magagawa dahil kasama ito sa pinasok namin na pagmamahal.
Pumatak na ang oras upang sunduin ako dito sa bahay. Lumabas na ako upang hintayin si rosh. Agad na dumating ang kanyang sasakyan. Agad siyang bumaba upang pagbuksan ako ng pinto ng kanyang sasakyan bago siya pumasok sa sasakyan niya. Umandar na ang sasakyan ngunit hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Huminto na ang sasakyan sa isang park kung saan kami pumunta noon. Dito yung lugar na masayang masaya kami nag uusap. Dito din yung lugar kung saan kami ang huling saya na nadama namin sa isat isa.
Bumaba kami ng kotse kaming dalawa lang ang tao dito. Maaga pa kasi kaya wala pang tao. Naupo kami sa may duyan. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay bumabalik yung mga masasayang alaala kung paano kami naging masaya. Naging saksi ang lugar na ito kung gaano ko minahal si rosh.
"Renz gusto ko huminge ng sorry sa lahat ng kasalanan ko, sorry kong naging taksil ako, sorry kung naging mahina ako, sorry kung nasaktan kita ng husto. Ang tanga ko lang dahil nagawa kong lokohin yung taong binigay niya ang tiwala saakin. Ang tanga ko dahil nagawa kong saktan yung taong minahal ako ng husto pero renz pinagsisihan ko yun. Pinagsisihan ko yung mga mali kong nagawa. Walang araw o gabi na lumipas na hindi ko pinagsisihan ang lahat, araw araw ako umiinom upang mawala ang lungkot pero hindi parin mawala yung mga luha ko. Walang araw na hindi kita iniisip. Renz sana mapatawad ako." Mahabang litanya ni rosh.
Nakakatuwang isipin na pinagsisihan niya na ang lahat ng kasalana niya. Matagal ko na siyang napatawad ngunit yung sakit na dinulot ay ayaw parin lumisan. Bakas parin ang sakit ng sugat ng kahapon.
Nakita ko sa mga mata ni rosh na sincere siya sa mga sinasabi niya. Nakikita ko rin sa mga mata niya na pinagsisihan niya ang maling ginawa niya. Habang akoy nakatitig sa mga mata niya ay may mga luhang unti unting pumatak. Bakas sa mga luha niya kung gaano siya kalungkot. Nadadama ko rin ang aking mga mata na may luha na unti unting pumapatak na rin. Gusto kong bumalik sa mga panahong masaya kami ngunit hindi ko alam kung papaano babalik sa ganung kasayang alaala kung puro sakit yung nararamdaman ko. Matapang at malakas akong tao ngunit pagdating sa pag ibig ay mahina ako.
"Rosh matagal na kitang pinatawad pero yung sakit na nadulot mo nandito parin" sabay turo sa aking dibdib. "Oo pinatawad kita pero masakit parin dahil hanggang ngayon ay bilanggo parin ako ng nakaraan kung paano mo ako nasaktan. Hindi ako nagtanim ng galit sa sayo. Pinipilit kung tanggalin yung sakit na yun pero habang tumatagal lalong bumabaon yung sakit nayun. Hindi ko magamot sa puso ko yung sugat na ginawa. Paulit ulit na umiikot sa isip ko kung bakit ka naging mahina? Kasi kung buo yung pagmamahal mo saakin hindi mo ako magagawang lokohin." Paglalabas ko ng sama ng loob.
"Sorry sa mga sinabi ko" paghinge ko ng paumanhin. Patuloy parin ang pag agos ng luha ko.Nakayuko nalang siya dahil sa mga nilabas kong sama ng loob. Inaamin ko na gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.
"Sige lang renz, okay lang na ilabas mo yung sama ng loob mo para gumaan yung dinadala mong mabigat." Sabi niya na umiiyak parin.
Niyak ko ng mahigpit si rosh. "maraming salamat kahit papaano gumaan na yung pakiramdam ko." sabi ko sa kanya.
Niyakap din ako ng rosh ng mahigpit. Inaamin ko na namiss ko yung mga yakap niya. Siguro ngayong araw ko na gagawin ang malaking hakbang para sa kanya.
"Rosh paano kung naging tayo ulit pero hindi na ako masaya sa tabi mo, ano ang gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. Oo guys ito ang hakbang ko ang magtanong pero hindi pa ito ang pinakamalaking habang na gagawin ko.
"Kung sakaling maging tayo ulit at hindi kana masaya sa tabi ko papalayain kita kahit masakit. Okay lang saakin na makita ka na masaya sa piling ng iba. Ayaw ko maging tayo ulit pero malungkot ka sa tabi ko. Kahit na sobra sobrang sakit papalayain kita, dahil mahal na mahal kita." Sabi niya na patuloy parin sa pagluha.
"Mahal na mahal mo talaga ako."
Sabi ko sa kanya.Ganun naman talaga guys kung mahal mo talaga yung tao ay makakaya mo siyang palayain kung wala na talaga.
Umalis na kami ng park at pumunta kami sa isang restaurant. Konti palang ang tao dito dahil maaga pa lang naman.
Umorder si rosh ng mga paborito kong pagkain. Habang kumakain ay ipinakita niya yung pag aalaga niya saakin. Masaya kaming nagkwentohan na parang walang nangyare mas lalong naging sweet si rosh. Inaamin ko naging masaya ako ulit na kasama siya.
Tuloyang nawala na yung bigat na dinadala ko dahil kay rosh. Kaya ko minahal ang taong ito dahil siya yung taong nagpapagaan kaagad sa sa kalooban ko kung may dinadala akong bigat saaking dibdib.
Minsan mas magagawa nating pagaanin yung bigat na nararamdaman natin kung nailalabas natin. Minsan wag tayong matakot sabihin yung mga kinikimkim natin sa ating dibdib. Sabihin natin yung dinadalang bigat sa taong mapagkakatiwalaan. Kung wala kang mapagsabihan pumunta ka sa isang lugar na walang tao, doon mo isigaw lahat lahat ng dinadala natin sa dibdib. Isigaw natin sa isang lugar kung saan walang makakarinig at walang manghuhusga saatin.
Ngayon guys ano yung masasabi niyo kay rosh ngayon?
BINABASA MO ANG
The Unexpected Loving You(COMPLETED)
RandomAng story na ito ay gawa ng aking imagination at ang ilang bahagi sa story ay totoo na nanyare