Kabanata : 16 Pagkakataon

280 19 2
                                    

RENZ

Lumipas ang mga araw ay sa tingin ko ay unting unti na akong nahuhulog kay lance pero kailangan pigilan dahil ang alam ko ay mas tinitibok nito ay ang taong bumihag nito at walang iba kundi si rosh.

Alam kong pareho na silang sigaw ng puso ngunit bulong lagi ng isip ko ay si rosh lang ang taong dapat kong mahalin dahil siya ang unang bumihag sa puso ko.

Nag ring bigla ang phone ko at tiningnan ko si sir martin tumawag saakin kaya agad ko itong sinagot.

"Hello po" sabi ko

"Renz mag handa ka bukas alam ko na day off mo pero special event bukas dahil mothers day bukas kaya mag handa ka ng kanta para sa mga nanay" sabi ni sir martin sa kabilang linya.

"Sige po, ano po bang oras?" Sabi ko

"Mga alasais magsisimula" sabi niya sa kabilang linya.

Sumang ayon nalang ako kay sir martin. Bakasyon ngayon kaya makakasama ko si lance bukas.


"Renz wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong ni lance.


"Wala naman, bakit?" Sagot ko sa kanya.


"Date tayo" mabilisang sabi ni lance.

"D date?" Ang tanging lumabas sa aking bunganga syempre nakakashock na may halong excitement. Haha siguro may gusto talaga to saakin.


"Oo date" pag uulit niya "bakit ayaw mo ba" dagdag niya.


"Sabi ko na nga ba ehhh may gusto ka saakin" pang aasar ko sa kanya.

"Paano kung Oo" sabi niya kaya natigilan ako.

"Kalokohan mo nanaman umaandar" ang nasabi ko nalang.


"Ikaw kasi ehhh masyado kang assuming" sabi niya "ano namang iniisip mo ehh friendly date lang naman yun" dugtong niya.


Friendly date lang naman pala. Hahaha oo nga no masyado lang akong assuming.

"Tara na nga saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dito.


"Secret walang clue basta malalaman mo rin mamaya" tanging sabi niya. Hindi na rin ako nangulit dahil hindi niya talaga saakin sasabihin.


LANCE POV

I think mamaya na ang tamang oras para sabihin ang totoong nararamdaman ko. Tatanggapin ko kong mareject ako o hindi basta hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakukuha.


Gusto ko iparamdam sa kanya yung tunay na nararamdaman ko. Gusto ko malaman niya na siya yung buhay ko, siya ang lahat para saakin.


Minsan lang sa buhay ko na may taong mag papasaya saakin ng tunay. Siya lang yung taong nais kong makasama habang buhay. Siya lang ang nais kong mahalin habang buhay.

Nais kong malaman niya na seryoso ako sa nararamdaman ko. Kaya nag handa ako ng isang romantic date para sa kanya. First time ko lang itong gagawin kaya gusto ko na maging sobrang saya ng araw na ito para saaming dalawa.


The Unexpected Loving You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon