Kabanata :10 Usapang Love

385 12 1
                                    

Pag kagising ko ng umaga grabe sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover kaya nag timpla ako ng kape at nag shower, matapos mag shower ay inubos ko na ang kape at nag bihis para pumasok sa school alasais palang ng umaga ngayon at alasiyete ang pasok ko kaya may isang oras pa ako.

Nandito ako ngayon sa room mag isa lang ako nandito dahil masyado pang maaga, nag soundtrip muna ako pinakinggan ko ang kanta na "Pinilit Kong Limutin Ka" by Nina at grabe damang dama ko ang kanta saktong sakto sa nararamdaman ko.

Habang nakikinig ng music ay pumapasok sa aking isipan kung bakit niya nagawa yun , atsaka hindi sapat na dahilan ang oras para ipag palit ako masyado pang masakit ang puso ko sa mga nangyare.

Oo tanga na kung tanga kung bakit ako nakipaghiwalay kasi alam kong talo ako bestfriend niya yun, masakit masyadong isipin na lolokohin niya na ako dahil mas inuuna ko ang mga studies ko syempre kailangan ko pag laanan ng panahon ang pag aaral kasalanan ko ba na sa tuwing uwi ko marami akong assignments na dapat taposin ang sakit pa sa ulo dahil puro numbers at analization ang kailangan.

Ako nga hindi nagawang manloko o magka gusto sa iba dahil loyal ako sakanya speaking of loyal hindi na siya bahagi dun dahil manloloko siya.

Oo mahal ko siya kaya nagawa ko siyang palayain dahil nakikita ko na mahal niya si riza ehh ako hindi ko naman siya kayang bigyan ng anak pero si riza maibibigay niya yun kaya pinalaya ko siya dahil sa usapang anak palang talo na ako.

Ito ang una kong beses na pumasok sa isang relationship pero parang feeling ko hindi ako naging worth it na partner, alam ko hindi masyadong sweet pero seryoso ako pag nagmamahal.

Mahal ko siya hindi lang mahal kundi sobrang mahal na mahal, sabi nga sa kanta Palayain ang isat isa... Kung tayoy tayo talaga
Diba tama ,kasi  kahit gaano man kayo ipag layo ng tadhana at kahit milya milya man ang maging layo niya sa isat isa kung kayo magiging kayo talaga, masyado lang magpaglaro ang tadhana na susubukin yung pasensya mo kung hanggang saan talaga.

I think tama yung ginawa ko na palayain siya dahil kailangan muna namin na makapag isip at marealize yung mga bagay bagay na hindi masyadong napapansin.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay may kamay na pumunas sa making mga luha na hindi ko napapansin na tumatagas  na pala , tiningnan ko kung kaninong kamay at nakita ko na si lance pala ang pumunas ng mga luha ko, agad ko tinanggal ang earphones sa tenga ko.

"Huwag ka na malungkot malalampasan mo rin yan kahit ano mang problema ang dinadanas mo" payo saakin ni lance.

Ngumite lang ako

Tumingin ako sa paligid at nandito na pala lahat ng classmate ko maya maya pa ay dumating na ang prof namin.

Ito ako ngayon halos hindi na nakikinig dahil usapang love ang nagiging topic ngayon.

Bigla nalang tuloy pumasok yung mga alaala na kasama ko pang masaya si rosh kung paano niya ako pakiligin at kung paano kami nangako sa isat isa pero siya ang sumira sa mga pangako niya.

"Mr. De Leon nakikinig kaba Im asking you , masarap ba ang love?" singgit ng prof ko.

Bigla akong bumalik saaking katinoon at agad na tumayo.

"Ahhhmmm.... Yes masarap po ang love dahil ang love yung isang bagay na mag bibigay sayo ng kasiyahan even though na kahit minsan masakit din yung love pero ipaparealize sayo ng love na kung gaano kasarap at ka worth it mag mahal."

Agad nag palakpakan ang lahat..

"Ano yung one thing na pina - realize sayo ng love?" Tanong ulit ni prof.

"One thing na pinarealize saakin ng love is kung paano ka dapat matuto mag palaya kahit gaano mo ka mahal ang isang tao, masaya makita na masaya yung taong mahal mo kahit hindi na ikaw yung dahilan kahit masakit, dahil ok lang saakin na masaktan basta nakikita ko yung taong mahal ko na masaya, kasi ganun ang pag ibig at isa pa  i don't want to be selfish para ipag kait yung kasiyahan niya" ang mahaba kong sagot kay prof.

Natahimik ang lahat, nakikita ko ang iba naiyak at ang iba ay naiiyak palang.

"Parang malalim yung pinanghuhugotan mo pero hindi ko na itatanong kong bakit dahil buhay mo yan" sabi saakin ni prof.

Matapos ang klase ay nandito ako ngayon sa canteen kasama si lance kumakain.

"Bakit ang lungkot mo ngayon at parang ang lalim ng pinag huhugotan mo ngayon?" Tanong saakin ni Lance na mukhang nag aalala.

Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanya yung tungkol sa relasyon naming dalawa ni rosh.

"Ahh wala" sabi ko at ngumite ng pilit.

"Weeh.... Mag kwento ka na pls , promise mapag kakatiwalaan mo ako" pamimilit saakin ni Lance.

"Wala nga siguro pagod lang ako" sagot ko sa kanya.

"Alam ko may problema ka, nakikita ko diyan sa mata" mo sabi saakin ni lance.

Hayys ganun na ba kahalata yung lungkot ko , grabe naman

"Kailan kaya itutuloy yung presentation natin" pag iiba ko ng topic.

"Renz wag mo na ibahin yung topic mag kwento kana" pamimilit ulit saakin ni lance.

"Ok fine magkekwento na ako" sagot ko kay lance.

Kaya nag kwento ako sa kanya simula umpisa hanggang sa magkahiwalay kami ni rosh.

"Don't worry hindi kita huhusgahan kahit ano pa man yang kasarian mo at grabe naman yang rosh na yan nako pag nakita ko talaga yun pipilayan ko talaga siya" litanya ni lance.

"Grabe ka naman lance masyado kang over acting di bagay ang OA hahaha" pag bibiro ko kay lance.

Nagtawanan nalang kami, kahit papaano at nabawasan yung sakit at lungkot na nararamdaman ko.

Naka uwi na ako ngayon ng bahay at balik sa dating gawi iiyak ng iiyak , masyado ng nakakasawa na umiyak kaya move on na ako.

Sa kalagitnaan ng pag iyak ko ay nag text saakin si jenny.

From: Jenny

Renz pwede ba  na tayo mag kita mamayang 5pm sa coffee shop malapit sa university mo ngayon.

Received: 3:05 pm

Bakit kaya siya makikipag kita matapos ang mahabang panahon?

To: Jenny

Ok

Sent:3:06 pm

Maikli kong sagot sa kanya.

Naligo muna ako at mga mahigit isang oras din yun dahil napasarap ang babad sa tubig.

Pag katapos maligo agad na nag bihis at umalis para pumunta sa café na sinasabi saakin ni jenny.

Ano kayang dahilan niya para makipag kita saakin?

Itutuloy.........

The Unexpected Loving You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon