R E N Z
Sabado ngayon kaya bonding daw muna kami sabi saakin ni lance, sabi niya saakin na miss niya daw ako kaagad kasi isang araw niya daw ako hindi nakita, ang sweet naman niya baka siguro sa sobrang sweet niya ay mahulog ako sa kanya. Pero mas lamang pa rin sa puso ko si rosh sapagkat siya ang lalake na pinaka mamahal ko. Siguro sobrang saya sana namin ngayon. Dapat kasi pag may problema siya ay sinasabi niya dapat dahil natural lang iyon sa magka relasyon. Ang problema lang ay hindi siya nagsasabi, siguro kami pa sana kung sinabi niya saakin renz nawawalan kana saakin ng time please bonding naman tayo, date tayo. Hindi yung maghahanap siya ng iba para sumaya. Pero nangyare na ang dapat hindi nangyare. Ang sakit lang isipan na hindi ako naging sapat sa kanya. Oo alam ko may pag kukulang ako pero hindi yun dahilan para lokohin ako.
May mga bagay talaga na hindi mo makikita pag hindi mo na nakikita yung halaga , tsaka mo lang marereliaze na mahalaga pala iyon sayo pag nawala na. Minsan kailangan mo rin ng time para makita yung halaga ng isang tao pero ang problema wala manhid ka at nag bubulag bulagan ka kaya hindi mo makita.
Minsan sobrang daya ng puso natin kasi kung sino sino yung minamahal pero wala tayong magagawa dahil ang puso ay walang isip para diktahan kung sino ang mamahalin, dahil ang puso walang pinipili kung sino ang dapat mong mahalin.
May mga tao kang nakikitang sobrang saya tapos sobrang sweet nila halos hindi na mapag hiwalay at tapos mapapa sabi ka ng sana all.
Nandito ako ngayon sa kama nakahiga kasama si lance na nakahiga, katabi ko siya. Nag tatampo daw siya saakin kasi hindi daw ako nag sabi na maghahanap daw ako ng trabaho. Kaya ito nag papalambing ang loko, kaya gusto niya makipag bonding. Haha ang kulit talaga ni lance kasi yakap niya ako ngayon. Feel ko nga parang may gusto siya saakin o baka assuming lang talaga ako. Sa loob ng isang buwan na kasama ko siya lagi siya yung nag aasikaso saakin, sabi niya gusto niya daw akong pagsilbihan, tumatanggi ako ng maraming beses pero wala akong magawa kundi ang sumang ayon dahil ayaw niya akong pansinin pag hindi ako pumayag. Tapos bago mo siya maka usap ay dapat lalambingin ko pa siya. Haha Oo alam ko para kaming mag jowa sa ganung lagay pero bestfriend ko lang siya.
"Ano gagawin natin sa bonding time natin?" Tanong ko sa kanya.
"Inuman nalang tayo sakto may dalawang case diyan ng beer sa refrigerator tapos nood nalang din tayo ng movie nakakatamad kasi lumabas ng bahay" mahabang sagot niya.
"Sige ako na magluluto ng pulotan para...." Pinutol niya ang sasabihin ko.
Diba ako ang mag aasikaso sayo at sa mga kakainin natin? Nakalimutan mo na ba? Ayaw ko na napapagod ka" sabi nito na para bang nagtatampo.
"Hindi! Ako ang magluluto ngayon. Kung ayaw mo na magluto ako edi bahala ka mag inom mag isa" sabi ko sa kanya na nag galit galitan. Paano ba kasi siya nalang lagi nag luluto parang lumalabas na siya pa yung katulong. Ayaw ko na ng ganun hindi na fair para sa kanya. Alam ko na siya ang may gusto pero hindi na tama kailangan pantay dapat.
"Ok ikaw na ang magluluto" walang ganang sagot nito sabay talikod para pumunta sa kwarto nito.
Hays ito nanaman siya nag papalambing tampururot talaga itong si lance.
Niyakap ko siya ( back hug) "Wag ka na mag tampo, ayaw ko kasi na laging ikaw nalang yung kumikilos. Hindi na kasi fair, alam ko na gusto mo ikaw mag asikaso saakin pero hindi naman tama na halos ayaw mo na ako gumawa ng gawaing bahay" paliwanag ko sa kanya.
"Gusto ko kasi na ako yung nag aalaga sayo" sabi niya sincerely.
Takte ano bang sinasabi ni lance parang kinilig tuloy ako. Humarap saakin si lance ng naka simangot.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Loving You(COMPLETED)
RandomAng story na ito ay gawa ng aking imagination at ang ilang bahagi sa story ay totoo na nanyare