ROSH POV
"Mahal na mahal kita kaya please lumaban ka....." Ang sabi ko kay renz.
Maya maya lang ay dumating na ang ambulance at agad na nilagay sa stretcher si lance at renz.
Sumakay na ako sa ambulance kung saan sinakay si renz. Hawak hawak ko ang kamay niya, kitang kita na umaagos na ang dugo niya.
Agad na kami nakapunta sa hospital at dinala na sa emergency room si lance at renz.
Sobrang kabadong kabado ako sa nagaganap ngayon. Natatakot ako na mawala ang taong mahal ko. Siya lang yung taong nagbigay saakin ng sobrang saya na pakiramdam. Kaya hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa buhay ko.
May lumapit saaking nurse. "Sir kaano ano niyo po ang pasyente?" Tanong niya saakin.
"Boyfriend niya ako" sabi ko. Nagulat naman ang nurse pero wala akong pakialam. Hindi hindi ako mahihiya dahil mahal ko si renz.
Maya maya ay nakita ko si tita at Tito(mga magulang ni renz) na tumatakbo papunta sa akin hingal na hingal, natataranta, nangangamba sa mga pangyayare.
"Hijo anong nangyare?" Tarantang tanong saakin ni tita.
"Nakidnap po siya kanina at sinalo niya po yung bala na dapat saakin po tatama" sabi ko kay na nalulungkot. Sana hindi nalang niya sinalo yung bala. Sana ako nalang ang nasa kalagayan niya.
Lumabas na ang doktor at agad na lumapit saamin. "Mrs. and Mr.
De Leon tatapatin ko na kayo 10% nalang posibilidad na mabuhay ang anak niyo. Kailangan niya kaagad masalinan ng dugo in 20minutes kung hindi ay mamatay na siya." Sabi ng doktor."Doc ano po ba ang blood type ng dugo ni renz?" Tanong ko.
"AB negative, kailangan natin makahanap ngayon agad agad dahil masyadong rare ang ganung type ng dugo.
"Ako AB negative ako doc." Sabi ni Tito.
"Ako rin po doc, AB negative din po ako." Sabi ko. Salamat sa diyos dahil hindi na ako mahihirapan maghanap ng dugo.
"Kulang parin ang maibibigay niyo na dugo kailangan pa ng isa para mapunan ang napakaraming dugo na nawala." Sabi ni doc.
"Don't worry po tita ang pagkakaalam ko po ay isa sa magulang ko po ay AB negative" sabi ko.
Agad na kinunan kami ni tito at ni mama ng dugo. Yes si mama ang may ganung dugo rin. Bawat isa saamin ay kinunan ng 1,000cc na dugo. Pagkatapos ako kunan ng dugo ay agad na akong bumangon. Halos hindi naman ako nahilo katulad ng iba. Malakas parin ako.
Agad na naisalin ang dugo kay renz. Kinakabahan parin ako, sana ay mabuhay pa si renz.
"Mr. De Leon tapos na po operahan at salinan nang dugo ang anak niyo. Pero kailangan parin bantayan ng husto ang anak niyo dahil hindi masyadong stable ang lagay niya." Sabi ni doktor.
Umalis na muna ako para pumunta sa chapel ng hospital, gusto ko lang ipag dasal yung taong mahal ko. Mga ilang lakad lang ay nandito na ako kaagad sa chapel at agad na akong lumuhod.
"Lord alam ko po na bawal po ang pagmamahalan namin pero sana po ay mapatawad mo po kami dahil nagmamahal lang po kami. Lord sana bigyan niyo pa po ng lakas si renz dahil mahal na mahal ko po siya. Hindi ko po kaya na mawala siya saakin. Sana po ay bigyan niyo pa po siya ng pangalawang buhay." Ang mataimtim kong dasal. "Alam ko po na makasalanan po ako, sana mapatawad niyo po ako. Huwag niyo pong kunin saakin yung taong naging buhay ko na po. Pinapangako ko po na aalagaan ko po siya at mamahalin ng husto."
Matapos kong magdasal ay pumunta na ako sa kwarto ni renz. Pag punta ko roon ay nakita ko si tita at Tito na humahagulgol. Maraming mga nurse at doktor ang pumasok sa emergency room kung nasaan si renz.
"Tita ano pong nangyayare?" Tanong na naluluha narin.
Biglang bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas na ang napakaraming nurse. Lumapit saamin ang doktor.
"Sorry to tell Mr.&Mrs. De Leon ginawa na po namin ang lahat ng aming makakaya pero patay na po ang anak niyo." Sabi ng doktor. Pagkarinig na pagkarinig ko ay bumuhos ng tuloy tuloy ang aking mga luha. Halos nanghihina na ang aking katawan sa aking narinig.
Agad akong pumasok sa emergency room at niyugyog ang katawan ni renz.
"Renz gising gumising ka huwag mo akong iwan!!!!"
Pinump ko yung dibdib niya ng paulit ulit at minouth to mouth ko siya para bigyan ng hangin. Maraming pumigil saakin pero wala silang magawa saakin.
"Renz si rosh please gumising ka, mahal na mahal kita please gumising ka."
May na kita ako na ginagamit pang electric shock agad ko iyong kinuha at nilagay ko sa dib dib ni renz ng paulit ulit pero hindi parin siya gumigising.
"Renz naman ang daya mo please huwag mo akong iwan. Please renz gumising ka!!" Sabi ko habang niyuyugyog ang katawan niya.
Niyakap ko nalang siya at patuloy parin ako sa pag iyak.
"Renz hindi ko kakayanin pag nawala ka kaya please lang ohh mabuhay ka. Mahal na mahal kita renz kaya please gumising ka. Huwag akong iwan, diba marami pa tayong pangarap. Pagpapakasal pa tayo diba. Kaya please lang renz nagmamakaawa ako gumising ka." Bulong ko kay renz. "Lord please po buhayin niyo po si renz nagmamakaawa po ako, please po lord mahal na mahal ko po si renz" bulong ko.
Naupo nalang ako sa gilid hawak hawak ang kamay niya. Hinahaplos ko ito at hinahalikan. Nandito parin yung singsing na binigay ko sa kanya. Grabe ang sakit pala ng ganito.
Sa pag patak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip isip ko...
Kanta ko na umiiyak humahagugol at hindi na matuloy ang pag kanta. Ang sakit, ang sakit sakit na bakit siya pa yung nawala. Ang sakit lang isipin na wala ng buhay yung mahal ko.
"Renz please gumising ka, please. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, hindi ko kaya na mawala ka kasi sobrang mahal kita ehhh kaya nag mamakaawa ako sayo renz please gumising ako." Ang bulong ko.
Tut... Tut.... Tut..... Tut.... Tut.....
May narinig akong kung anong ingay, may nakita akong isang monitor na kanina ay naka flat line ngayon ay gumagalaw na pataas baba. Biglang bumuhos ng grabe ang luha ko.
"Lord salamat po" ang bulong ko.
Agad akong lumabas para tawagin ang mga doktor. Dahil ako nalang at si renz ang nasa kwarto.
"Doc...!!!! Doc....!!!! Mga nurse!!!!" Sigaw ko.
"Rosh anong nangyayare sayo?" Malungkot na tanong ni tita.
"Nabuhay po ulit si rosh!" Ang masaya kong sabi.
Agad na nataranta si tito at nagtatakbo at sumisigaw para tumawag ng doktor.
Agad na pumunta ang mga doktor at mga nurse. Lahat sila ay nagulat dahil nabuhay daw muli si renz.
Sobra ang saya ko dahil buhay pa ang taong mahal ko. Maraming maraming salamat po panginoon. Salamat po dahil binigyang buhay mo pa po si renz. Lubos lubos ang pasasalamat ko sa iyo panginoon, salamat po dahil tunay ka pong dakila.
Please vote and comment☺
BINABASA MO ANG
The Unexpected Loving You(COMPLETED)
RandomAng story na ito ay gawa ng aking imagination at ang ilang bahagi sa story ay totoo na nanyare