Kabanata: 30 Final chapter

410 16 5
                                    

"Tita!!!! Please wag kang mawawala!!! Kailangan kapa ni renz!!! Hayop ka!!! Kalagan mo ako dito para mapatay kita!!! Tita please lumaban ka kailangan ka pa namin please!!!" Sigaw sa loob.

Maya maya lang ay nawala na ang ingay sa loob. Bigla nalang bumukas ang gate. Automatic pala ang gate na ito ehhh. Agad akong kumaripas ng takbo papuntang pintuan. Huminga muna ako ng malalim. "Humanda ka kung sino ka mang nanakit sa nanay ko" bulong ko saaking sarili.

Dahan dahan kong inilapat ang aking kamay sa may doorknob. Kinakabahan ako. Dahan dahan ko itong pinihit habang ginagawa ko yun ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Ang utak ko ay gulong gulo na, na para bang may isang batalyong tao na nag aaway na tila hindi ko alam ang dapat isipin.

Binuksan ko na ang pinto at bigla ako nagulantang saaking mga nakita.

"Surprise" sabay sabay na sigaw nilang lahat. Mga siraulo talaga to. Pinakaba pa ako ng husto. Halos mamatay na nga ako sa takot sa ginawa nila. Buti nalang at safe silang lahat. Surprise lang pala ito.

Agad na tumulo ang mga luha ko sa sobrang saya dahil may sa sorpresa pa talaga sila saakin.

"Mga loko loko kayo!!! Tinakot niyo ako ng husto. Akala ko kung ano na nangyare." Sabi ko habang tumutulo parin ang mga luha ko.

"Sorry na napag utosan lang kami at syempre sumama din kami sa plano." Paliwanag saakin ni mika.

Niyakap ko sila isa isa dahil sobrang miss ko na sila kahit na dumadalaw pa sila saakin sa hospital. Hinalikan ko sa labi si rosh at kinurot sa tagiliran.

"Aray mahal!" Pagrereklamo niyo na nag pout pa. Hahaha ang cute niya talaga pag nakaganyan siya.

"Alam ko ikaw may pakana nito. Baliw ka talaga tinakot mo ako ng husto, may pasigaw sigaw ka pang nalalaman kanina." Sabi ko rito.

Hindi niya ako sinagot, hahaha tampururot nanaman tong mahal ko. Grabe ang cute niya talaga kaya mahal na mahal ko ito ehhh.

Yinakap ko nalang siya ng mahigpit at hinalikan ko siya. "Sorry na" panunuyo ko rito. Pero nakasimangot parin. Hmmm... Ayaw mo akong pansinin ahhh.

"Sige ka pag hindi mo ako pinansin hindi na ako magpapabuntis sayo." Sabi ko rito na ikinagulat niya.

"Talaga! Sige ito na oh pinapansin na kita, kaya humanda kana dahil mag damag kitang bubuntisin mamaya." Sabi nito. Grabe napaka wild naman ng mahal ko.

"Ayon kapag kabastosan ang bilis" sabi ko sa kanya.

"Syempre gagawa tayo ng baby ehhh, kaya mag ready kana dahil sobra kang mapapagod mamaya." Sabi niya kaya napalunok ako ng laway.

Nag kasiyahan na kami. Kumain na muna kami at nagsisimula na ng kanya kanyang kwentohan. Kitang kita ko ang mga saya sa mukha ng kaibigan ko. Nakaka touch nang ginawa nila dahil yung iba sa kanila umuwi lang ng pilipinas para lang saakin kahit na may trabaho silang naiwan sa ibang bansa. Sila yung matatawag ko talagang kaibigan.
Kaya nga mahal na mahal ko silang lahat. Hindi pa pala nasabi na nandito ang mga buong pamilya naming lahat. Nandito din yung mga kasintahan nila.
Magkakaibigan din kasi yung mga magulang namin. Nakasya kami dito dahil napaka laki ng bahay ng pagmamay ari pala namin.

Halos hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayon. Nakakatawa dahil nakasama ko ulit yung mga malalapit na kaibigan ko.

Matapos kumain ay pumunta kami sa may garden at napakalawak nito. May mga lamesa at upuan para sa lahat. Ang pamilya ko at ang pamilya ni rosh ay magkasama.

Nakita ko si rosh at lance na papalapit saakin na nakaholding hands. Ano bang meron at bakit sila naka holding hands.

"Renz ikakasal na si rosh." Sabi saakin ni lance. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan.

The Unexpected Loving You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon