Kabanata : 18 Nalilito

315 19 12
                                    

Matapos ang nangyare kahapon ay bumalik na ako sa tunay kong tahanan ngunit mamimiss ko ang aking kwarto sa bahay ni lance syempre pati din si lance ay mamimiss ko.

Mamimiss ko yung pag aalaga niya saakin yung mga paalala niya lahat mamimiss ko. Ayos na ang problema ko ngunit ang problema ko nalang ay si lance at rosh nagugulohan na talaga ako kung sino sa kanila dahil simula kahapon ay ayaw na akong tigilan ni rosh dahil gusto niya makipag balikan. Inaamin ko gusto ko rin makipag balikan sa kanya pero napamahal narin ako kay lance. Pumayag ako na ligawan ako ulit ni rosh pero natatakot ako na baka pag naging kami ulit ay lolokohin nanaman niya ako. Oo inaamin ko na masakit parin dahil sa tuwing nakikita ko siya ay bumabalik yung alaala kung paano niya ako niloko. Hindi ko pa napapalaya yung alaala ng kahapon dahil hindi ko pa kayang pakawalan. May mga sugat sa puso ko na hindi  tuloyang naghilom dahil hindi ko pa kayang pakawalan ang nakaraan dahil hanggang ngayon ay mahal ko parin ang taong unang bumihag sa puso ko.

Minsan hindi ko rin maintindihan ang puso kasi niloloko na nga siya ng taong pinili niyang mahalin pero ayaw niya paring sukoan. Siguro ganun nalang niya minahal ng husto yung taong yun kaya hindi mapalaya pero bakit kahit ayaw niya sukoan yung taong yun bakit nagmahal ulit siya ng iba. Dalawa yung pinili niyang mahalin pero isa lang ang pwede na piliin. Mahirap magdesisyon dahil nakakatakot magkamali.

Isang puso na nagmamahal para sa dalawang puso na saakin ay nagmamahal. Masakit makasakit ng iba ngunit kahit hindi natin intension na makasakit ay makakasakit parin tayo. Ganun talaga ang love dahil sa oras na na nagmamahal ka maaari kang masaktan maaari ka ring hindi piliin.

Masakit ang makasakit lalo na yung taong masasaktan ay yung taong minahal mo rin.

Parang feeling ko ay sasabog ang puso at isip ko sa pagpili kung sino ba ang dapat kong mahalin. Siguro mahabang oras ang kailangan ko para makita kung sino ba talaga ang dapat kong piliin. Kailangan nilang patunayan na karapat dapat sila sa aking pagmamahal. Siguro kailangan ko gumawa ng malaking hakbang upang makita sa kanila kung sino ba talaga ang karapat dapat saaking pagmamahal.

"Anak bumaba ka na dito may mga bisita ka!" sigaw ni mama sa baba.

"Opo ma baba na po!" sigaw ko

Agad na akong naligo at nagsipilyo. Matapos ay nabihis na ako at nag ayos syempre kailang pogi ako lagi. Matapos mag ayos ay bumaba na ako. Nakita ko sa baba si lance at rosh na nasa sala.

Parang ang awkward naman yung dalawang manliligaw ay nandito upang makuha ang puso. Haha syempre kasama ako nais nila makuha baka mamatay ako pa puso yung kukunin nila hahaha. Dalawang matitikas at napaka gwapong lalaki ay naririto sa aking pamamahay upang mabihag ako.

Tumabi ako sa dalawa sa kanan ko ay si lance at sa kaliwa naman ay si rosh.

"Anong atin?" Tanong ko sa dalawa.

"Gusto ko sana makipag date sayo" sabi ni lance.

"Ako rin gusto ko makipag date sayo" sabi ni rosh

"Eh paano yan dalawa kami?" Sabi lance.

"Ganito nalang since monday ngayon siguro time ko muna sa pamilya ko ngayon" sabi ko sa kanila. "Tuwing Tuesday, Thursday at Saturday ang araw  namin ni rosh. Tapos tuwing Wednesday, Friday at Sunday ang araw naman namin ni lance. Okay ba sainyo gun?" Sabi ko sa kanila.

"Oo okay yun saakin" sabi ni rosh.

"Oo okay yun saakin para fair kami" sabi ni lance.

"Eh paano yung tuwing Monday?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Ang Monday ang time ko para sa sarili ko at para narin sa pamilya ko" sabi ko sa kanila.

Pumayag naman ang dalawa at umuwi narin sila upang bigyan ako ng time para sa family ko dahil matagal tagal narin kaming hindi nagbobonding. Ngayong araw pupunta muna kami ng family sa mall para gumala gala at mag grocery.

Alam na nga pala ng pamilya ko yung tungkol sa ginawa ni rosh pero sabi nila na hindi sila makikialam dahil problema ko raw yun.

"Anak tara na aalis na tayo" sabi saakin ni papa.

Sumunod naman ako at binuhat ko si marcos dahil matagal na rin akong hindi nakakabonding ang mahal na kapatid ko.

Sumakay na kami ng kotse at si papa ang nagdrive. Ayaw na muna nila ako magdrive ng kotse hanggat wala akong mga bodyguards dahil ayaw na bila mangyare ulit ang naganap saakin noon.

Agad na kami nakarating sa mall. Ngayon ko lang napuntahan itong mall na ito sa tingin ko bago lang ito. Sobrang ganda ang mall na ito sobrang lawak at sobrang laki. Pumunta muna kami sa isang mamahaling restaurant na kakaunti lang ang tao.

Maraming inorder si papa. Nagkwentohan lang kami ng aking pamilya at nakwento ko ang tungkol sa mga nangyare saakin at nakwento ko rin na si lance yung nag alaga saakin lahat kwenento ko sa kanila. Tuwang tuwa sila kay lance dahil inalagaan ako nito ng mabuti. Sinabi ko rin sa kanila tungkol sa panliligaw saakin ni lance at rosh. Busog na busog kami sa sarap ba naman ng pagkain syempre mabubusog ka talaga.


Matapos kumain ay nanood kami ng sine. Pinanood namin yung movie ni Liza at Enrique na "my ex and whys. Tumatak saakin ang kinyang "panget ba ako, kapalit palit ba ako" tagos sa puso ko ang linyang iyan dahil naging kapalit palit ako kay rosh noon dahil lang sa nawawalan ako ng time sa kanya. Sabi ng ni shernan "Oo may pagkukulang din ako at may pagkukulang din siya pero yung pagkukulang na yun ay hindi ko hinanap sa iba" (tama ba?) Masakit man isipin na nagawa niya akong ipag palit pero naging masyado lang siyang marupok dahil nag padala siya sa tukso.

Naging saksi ang mga nagamit kong unan kung paano ko siya iyakan. Halos basang basa ang mga unan ko dahil sa mga luha ko na ayaw mag paawat sa pag agos. Ngayon kailangan niya ulit ako kumbinsihin na mahalin ko siya ulit. Mahal ko siya ngunit mayroon na siyang kahati sa puso ko.

Siguro kailangan ko lang malinawagan upang makita ko kung sino ba talaga ang mas sinisigaw ng aking puso.


Kaninong team kayo?

Team lance

Or

Team rosh

Please comment your answer

















The Unexpected Loving You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon