Kabanata : 22 Ikaw ang pinipili ko

260 13 3
                                    

Hindi ko lubos akalain na madadala si lance sa salita ng papa. Hindi lang niya ako pinag laban. May part din sa puso ko na nakadama ng lungkot at pagkadismaya.

Labis na tuwa ang aking nadadama ko kay rosh dahil ipinag laban niya ako. Handa siyang lumaban kung sakaling ano man ang gawin ni papa. Ngunit wala namang mangyayare dahil plano lang namin yun upang malaman kung sino ang karapat dapat para saakin.

Nadismaya ang aking ama kay lance dahil sumuko kaagad. Wala naman akong magagawa dahil baka nirerespeto niya lang ang sinabi ni papa.

Tuesday ngayon at tinawagan ko si rosh at lance na magkita kami sa Rico's restaurant. Hindi ko na papalampasin ang oras dahil may napili na ako at ayaw ko na umasa ng patuloy ang hindi ko pipiliin kung papatagalin pa.

Nandito na kami ni lance at rosh sa restaurant.

"Bakit anong meron, bakit mo kami pinapunta dito?" Tanong ni lance.

"Oo diba araw natin to ngayon" sabi saakin ni rosh.

"Kaya ko kayo pinapunta dito para sabihin na may napili na ako sa inyo" ang sambit ko.

Tila nagulat ang dalawa sa narinig at ang pagka gulat ay napalitan ng kaba.

"Naalala niyo yung kinausap kayo ni papa kahapon?" Ang tanong ko.

"Oo" ang sabay nilang sabi.

"Ang mga salita ng papa ay hindi totoo at plano namin yun" ang sabi ko. "Ako yung kasama ni papa dito kahapon at lahat ng naging usapan niyo ay narinig ko." Nahinto ako saglit huminga ng malalim. "Ngayon ay nakapili na ako." Dugtong ko.

Bumalot ang labis na kaba sa dalawa tila pinag papawisan sila ng husto kahit malamig dito. Parang lalabas na ang kanilang puso sa tindi ng pag kabog nito.

Huminga ako ng sobrang lalim at nirelax ko ang aking sarili upang hindi kabahan. "Masakit man ito dahil hindi ako sanay na may nasasaktan na isa sa inyo." Pagsisimula ko. "Pero kailangan ko itong gawin upang wala ng umasa pa." Ang sabi ko. "Kung hindi man kita man kita mapili huwag mo sanang isipin na hindi kita mahal. Pareho ko kayong mahal ngunit mayroong taong naging mas lamang sayo sa puso ko." Ang dugtong sabi.

Nakayuko na ang dalawa at tila nangingilid na ang luha. "Sorry rosh dahil...." Pag putol ko. Nakita ko na bumuhos na ng husto ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

Mahal na mahal ko silang dalawa pero hindi naman pwede na piliin ko silang dalawa. Gusto ko na mananatiling kaibigan ko ang hindi ko mapipili.

"Dahil kailangan mo na panindigan yung pagmamahal mo saakin dahil ikaw ang pinipili ko" ang dugtong ko. Agad akong niyakap ni rosh dahil sa labis na kasiyahan dahil siya ang pinili ko.

Matapos na kumawala ako sa yakap ni rosh ay niyakap ko ng mahigpit si lance.

"Rosh pwede ba mag usap muna kaming dalawa lang ni lance?" Sabi ko.

"Oo ok lang maghihintay nalang ako sa labas" ang sabi ni rosh.

Agad na lumabas ng restaurant si rosh.

Nakayakap parin ako kay lance. "Sorry lance dahil hindi kita pinili pero sana maging bestfriend parin tayo." Ang sabi ko.

"Hindi wag ka mag sorry dahil sinunod mo lang ang puso mo." Ang sabi ni lance.

"Alam ko na makakahanap ka rin ng tamang tao para sayo at ang taong iyon ay napaka swerte dahil maalagain, sweet, gwapo at mabait ka. Malibog nga lang minsan." Ang sabi ko at tumawa naman siya. "Tingnan mo tigas nanaman si junjun mo kahit magkayakap lang tayo." Ang pagbibiro ko.

"Pwede ba may goodbye kiss diyan" sabi niya at natawa naman ako.

"Hahaha wala, pero ayaw ko ng salitang goodbye, remember magkikitan pa tayo dahil mag bestfriend tayo" ang sabi ko.

"Oo nga pala no" ang sabi niya.

Hinalikan ko siya sa pisnge at nakita ko ang pamumula niya. "Hoy bakit namumula yang pisnge mo friendly kiss lang yan" ang sabi ko.

Naging masaya ang usapan namin na para bang walang nangyare. Matapos mag usap ay umuwi na siya.

Kasama ko ngayon si rosh at nandito kami ngayon sa park. Nakaupo kami sa may simentong upuan na pahaba. Nakasandal ang ulo ko sa balikat ni rosh. Pinag uusapan namin ang mga masasayang alaala namin kung paano niya ako minahal.

Syempre alam ko naman na mahal na mahal niya ako. Ikaw ba naman na araw araw dinadalaw noong na comatose ako, pagka galing sa school o trabaho ay deretso kaagad sa hospital para bantayan ako. Siguro yun na yata ang malaking sakripisyo na ginawa niya. Mahal na mahal ko ang taong ito dahil siya na ang naging buhay ko. Sino ang magsasabi na siya ulit ang pipiliin ko matapos niya ako lokohin. Sino yung magsasabi na mahal ko parin pala siya kahit sinuko ko na siya.

Oo guys sinuko ko na siya sa mga panahong hindi ko na talaga kaya. Tila sinumpa ko na sa langit at lupa na hindi ko na siya mamahalin. Pero habang sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko siya iisipin ay mas lalo pang tumatakbo siya sa isip at tanging sinisigaw lagi ng puso ko ay mahalin ko parin si rosh kahit ayaw ko na. I think this is 'THE UNEXPECTED LOVING YOU' Rosh. Oo unexpected talaga dahil hindi ko akalain na nagmamahal ako ulit sayo rosh, kaya sana wag mo na ulit sayangin yung pagmamahal ko.

"I love you renz"

"I love you too rosh"

Hinalikan ako ng rosh sa labi pero smack lang syempre maraming tao dito sa park.

Someone's POV

Hindi ako papayag na maging kayo ulit ni rosh dahil akin siya.
Sisirain ko ang relasyon niyo at kukunin ko si rosh sayo renz.

Sisiguruhin ko na magiging sobrang sakit ang mararamdaman mo renz. "Hahaha" tawa niya na mala demonyo.

Secret person POV's

Hindi ako papayag na magiging kayo ni rosh. Hinding hindi!!!

Magiging masaya na ulit ang relasyon ni rosh at renz pero may dalawang tao ang mangugulo. Sino kaya sila?






The Unexpected Loving You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon