Kabanata : 15 Yakap

289 18 2
                                    

RENZ

Kakatapos lang namin ni lance na mag linis ng buong bahay niya. Niyaya ako ni lance na kumain kami sa labas dahil tinatamad na kaming mag luto dahil pareho kaming pagod.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Maganda ang loob madaming ang kumakain at sa tingin ko ay sobrang sarap ng pagkain dito. Base palang sa reaction ng mga taong kumakain ay masasabi talagang masarap kumain sa lugar na ito. Masasabing mukhang elegante ang lugar na ito dahil sa mga mamahaling palamuti na desenyo dito at ang nakakatuwa ay affordable ang mga pagkain dito.

Maraming enorder ni lance may mechado, beefsteak, crispy pata, fresh lumpiya, fish fellet at yung drinks ay ice tea marami pa siyang enorder kaso hindi ko alam kung anong tawag dun.

"Grabe naman lance sobrang dami" sabi ko sa kanya.

"Ok lang yan basta mabusog tayo ng husto" sabi niya saakin.

"Hati tayo sa bayad para fair". Sabi ko.

"Hindi, dapat ako ang mag bayad dahil ako ang nag aya" agarang sagot niya.

"Hindi pwede dapat hati tayo sa bayad" pag pupumilit ko.

"Hindi nga, ako dapat magbayad" sabi niya.

"Hindi hati tayo sa bayad tapos" sabi ko.

"Kiss mo muna ako sa lips ako pumayag" sabi niya. Sheyt ano bang pinagsasabi niya parang nakakakilis haha ang babaw ko talaga.

"Sige na nga ikaw nalang ang mag bayad" agaran kong sagot.

Syempre ayaw ko makipag halikan sa kanya. Hindi ko naman siya jowa para makipag halikan sa kanya. Isa pa si rosh ang mahal ko. Wala ako magagawa ganun ang puso hindi basta basta sinusukoan yung taong minahal ng puso. Ganun kasi ako hindi basta basta nawawala yung feelings ko sa isang tao.

Grabe talaga to si lance inaasikaso pa rin ako. Haha nakakapagtaka kung bakit wala pa rin siyang girlfriend. Makikita mo na ang lahat kay lance. Mayaman, gwapo, maalaga at isa pa sa lahat mayroong respeto sa kapwa.

"Bakit wala ka pang girlfriend?" Tanong ko kay lance.

Tila nabulunan si lance sa aking tanong.

"May tao kasi akong inaantay na mahalin din ako" sabi niya saakin.

"Ang swerte naman nung taong yun" sabi ko sa kanya "sa tingin ko mamahalin ka din nun dahil sa sobrang maalaga mo na tao at napaka bait mo pa" sabi ko sa kanya.

"Sana nga" sabi niya.

Natapos din kaming kumain yung mga natira na pagkain ay inuwi namin syempre sayang naman.

Nandito na kami sa bahay ni lance. Sabi niya nood daw kamin ng horror movie. Pumayag din naman ako dahil matagal na din na hindi ako nakakapanood ng horror movie.

Todo yakap saakin ang loko. Haha ang lakas mag aya na manood kami kami ng horror movie tapos ngayon pag natakot todo yakap saakin.

"Ang lakas mag aya manood ng horror tapos ngayon todo yapos ka saakin" natatawa kong sabi.

"Haha ang sarap mo kasing yakapin" sagot niya. Takte naman tong si lance ohh. Kinikilig ba ako?

"Puro ka kalokohan" sabi ko sa kanya.

Tapos na kami manood ni movie kaya nag half bath muna ako at yung mokong gusto nanaman akong katabi. Matapos mag half bath ay nag bihis na ako at pumunta na ako sa kwarto ni lance. Nahiga na ako sa kama at hinihintay nalang si lance hindi pa tapos.

Maya maya pa ay lumabas si lance galing banyo. Tumambad saakin ang kanyang magandang katawan. Nakita ko ang kanyang matikas na dibdib at ang kanya makikisig na bisig syempre nakita ko rin ang kanyang tiyan na may abs. Hala ano ba itong nangyayare saakin. Tila napako nq ang tingin ko sa kanyang katawan. Ang lakas kasi ng dating nakakaakit.

"Gusto mong hawakan?" Natatawa niyang tanong na nag pabalik saaking katinoon.

"Sira" yun lang ang tangi kong nasabi at umiwas na ng tingin.

"Ang hot ko noh kaya ganyan ka nalang makatingin" pagbibiro niya "kung gusto mo sayong sayo lang ako" natatawa niyang sabi.

"Mag bihis ka na nga kung ano ano pang sinasabi mo" sabi ko sa kanya.

"Sayong sayo lang ito kong gusto mo" pang iinis niya.

"Pag hindi ka pa tumigil diyan hinding hindi na ako tatabi sayo" pag babanta ko sa kanya.

"Ito naman hindi mabiro" sabi niya.

Gumising ako ng maaga para mag luto dahil may pasok pa si lance mamayang 7am. Ala sinco palang kaya hinanda ko na yung mga gagamitin niya. Nag luto ako ng hotdog, bacon, itlog at sinangag. Mga 5:30am ay gumising na siya.

Bumaba siya ng inaantok pa kaya nagtimpla muna ako ng kape tapos pina upo na siya para kumain.

"I love you" ang sabi niya saakin na aking ikinabigla "este good morning pala, sorry" pag bawi niya ng salita. Sheyt parang kinilig ako sa i love you niyo. Naiinlove na ba ako? Nahuhulog na ba ako? Hindi ko alam nagugulohan ako.

"I love you too" ang nasambit bigla ng aking bunganga. Sheyt nakakahiya. Nakita ko ang kanyang mukha na nag aliwalas at ang laki ng kanyang ngite. "Este good morning din pala" sabi ko.

"Hindi pwede yun nasabi mo na ehhh" natatawa niyang sabi.

Nagtawanan nalang kaming dalawa. Pagkatapos kumain ay naligo na kami syempre sa kanya kanya naming kwarto wag kayong ano diyan. Inayos ko na ang mga susuotin niya tapos yung loko kinikilig pa yata, kong hindi ko lang bestfriend at sobrang close iisipin ko na may gusto siya. Oo alam ko pwede siya mag kagusto saakin pero sa tingin ko impossible yun mangyari.

Pag katapos ay inihatid ko na siya papunta sa school pag baba ko ng taxi nakita ko si mama at papa na malungkot parin. Pumasok na si lance pero hindi parin maalis ang mga mata ko saaking magulang.

"Renz, renz anak!" Ang sigaw ni mama na nakatingin saakin.

Nag lakad ako ng mabilis papalayo sa kanila. Ngunit nahabol ako ni mama at niyakap niya ako ng ubod higpit na tila parang ayaw niya na ako pakawalan.

"Anak miss na miss na kita" sabi saakin ni mama habang umiiyak.

Kumilos ako ng normal kahit ang totoo ay gustong gusto ko na siyang yakapin ng sobrang higpit ngunit kailangan ko pigilan ang sarili ko dahil hindi ko pa naayos ang aking sarili. Gusto ko saaking pagbabalik sa kanya ay yun yung maging best na araw sa kanya.

"Sorry po maam pero hindi po ako ang anak niyo" ang sabi ko sa kanya na parang stranger ako.

"Ako ang nanay mo, ako din ang nagluwal sayo kaya alam ko na ikaw yan anak" sabi niya saakin na todo iyak.

Lumapit din saakin si papa na tila gulat na gulat sa kanyang nakita. Na para bang nakakita ng multo.

"A... a anak ikaw ba yan" ang nasabi ni papa.

"Sorry po sir pero hindi ako yung anak niyo nagulat nalang po ako ng yakapin po ako nito ni maam" sabi ko kay papa at yung mama ko ay naka yakap parin saakin.

"Maam pasensya na po pero kailangan ko na pong umalis" sabi ko kay mama.

"Please pwede ba na sumama ka saamin sa bahay" sabi saakin ni mama.

"Wag na po" pag tanggi ko.

"Please kahit ngayon lang" pag mamakaawa saakin ni mama.

"Sorry po maam marami pa po akong gagawin sobrang busy po ako ngayon" pag sisinungaling ko.

Wala nang nagawa si mama kaya bumitaw na siya sa pag yakap saakin. Nag lakad na ako ng mabilis para makalayo na ako. Nang nakalayo na ako ay bumuhos na ang aking luha na pinilit kong wag bumuhos.







SORRY MAIKLI LANG

The Unexpected Loving You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon