RENZ
P
umunta kami ni rosh sa resort kung saan kami nasumpaan ng aming pagmamahalan. Bumalik saakin ang mga alaalang bumabalot sa lugar na ito na naging saksi ang mga taong nandirito sa aming pagmamahalan. Hindi namin ikinahihiya kung ano man ang relasyon namim. Hindi kami natakot na husgahan ng ibang tao dahil mas kilala namin ang aming sarili.
Sana ay wala nang humadlang sa aming pagmamahalan. Ipaglalaban ko siya kung kailangan at handa akong sumuko kung kailangan. Ganun katindi ang pagmamahal ko sa kanya. Na kahit sobrang sakit ay gagawin ko ang magpakumbaba para sa kasiyahan niya.
Labis ako na nagpapasalamat dahil muli kaming pinag balik ng tadhana. Ang sarap sa pakiramdam na yung taong minsay sinuko ko dahil sa panloloko niya ay aking makakatuloyang muli.
Sana ay wala ng hadlang dahil masakit para saakin na mawalay muli sa piling niya. Hindi ko yata kakayanin ang sakit kung muli kaming paghiwalayin ng tadhana.
Ganun naman talaga diba kapag sobrang mahal mo ang tao ay parang hindi mo na kaya pang mabuhay sa mundo kung wala siya.
Mas masakit dahil kung nasanay ka na lagi siyang nandiyan ay iiwan ka rin pala. Pero sa pagkakataong ito ay susulitin ko ang pagmamahalin naming dalawa.
I want to prove na mali ang ibang tao na walang patutungohan ang relasyon ng dalawang lalake.
Wala akong pakialam kung sabihan man nila ako na bakla.
Wala namang pinipiling kasarian ang pagmamahal, dahil kusa nalang titibok ang puso mo sa di mo inaasahang pagkakataon.
Hindi mo pwedeng dayain ang puso, dahil once na may isang taong itinitibok nito ay wala kang magagawa. Maaari mong dayain ang isip ngunit kapag ginawa mo yun ay niloloko mo lang ang iyong sarili. Follow your heart pero samahan mo ng utak dahil hindi lahat ng itinitibok ng iyong puso ay tama. Minsan may asawa na o di kaya ay may papakasalan na. Matuto kang tumimbang ng mali at tama. Hindi masama ang mag mahal ngunit mali kung hindi na puwede ang mamahalin mo.
Dapat matuto tayong tanggapin ang katotohanan. Minsan kailangan mong maging wise sa pagpili dahil hindi lahat ng magpapasaya sayo at manliligaw sayo ay pagmamahal ang habol.
Mahirap ang kalagayan ng mga gay, lesbian, bisexual at iba pa. May taong darating sa buhay nila na ipapadama na mahal sila kahit ang totoo ay iba ang pakay. Hindi mo rin sila masisisi dahil nabulag lang sila ng pagmamahal. Kaya dapat ay maging wise sa mga taong pipiliin natin pumasok sa puso natin.
Sabi nga nila may taong magpapakita sayo ng motibo at kapag nahulog ka sasabihin sayo na kaibigan lang ang turing niya sayo. Minsan kapag nagmamahal ka ay huwag mo ibuhos ang buong pagmamahal mo. Dahil dapat mayroon itong baitang na dapat gawin.
Lagi kong sinasabi ko sa kaibigan ko na kapag may manligaw sa kanya at kahit may gusto siya doon ay huwag niya basta sagutin. Kung may manliligaw sa iyo dapat kaya niya maghintay ng matagal kaya niya magtiis kahit ilang buwan o taon man. Dahil makikita mo sa tao kung seryoso siya o hindi. Ang tanging tunay na nagmamahal lamang ang kayang maghintay ng matagal na panahon para sa kanyang iniirog.
Huwag basta bibigay sa matatamis na salita. Maaari kang kiligin pero bawal ka bumigay.
Proud ako kay rosh dahil sa loob ng limang taon ay hindi siya sumuko upang hintayin ang pagmamahal ko.
Di ba matuto kang lumabag kung karapat dapat lumaban. Kagaya sa pagmamahal dapat mong ipaglaban kung karapat dapat ilaban o kung worth it siya ipaglaban. Sa pag ibig ay mga taong hahadlang at susubukin kung hanggang saan mo kaya.
Sabi nga ng iba huwag kang bibitaw hanggat may kumakapit pang isa. Pero hindi mo rin masasabi yan kung yung taong nanatiling kumakapit ay mapagod din.
"Ang lalim ng iniisip mo ah" ang sabi ni rosh habang kasalukuyan kaming naglalakad sa tabi ng dagat.
"Ahh wala, naaalala ko lang yung mga alaalang nabuo natin sa lugar na ito." Sabi ko.
Ang akala kong wala ng hahadlang ngunit mayroon pa pala.
Habang naglalakad sa tabing dagat ay nakaalubong namin si riza na malaki ang tiyan sa palagay ko ay mahigit anim o pitong buwan na siyang buntis.
Nagulat siya makita kami dali dali siyang naglakad ng mabilis papalayo saamin ngunit bago pa siya makaalis ay pinigilan ko siya.
o
"Sino ang ama ng dinadala mo?" Ang tanong ko kay riza habang kumakabog ng malakas ang aking dibdib.
Hindi siya sumagot at yumuko lang siya na parang isang paslit na nagmamakaawa na huwag pagalitan.
"Sino ang ama ng dinadala mo?" Ang madiin kong sabi.
Hindi parin siya sumagot at doon na nag init ang aking ulo.
"Sino ang ama ng dinadala mo?!!!" Ang sigaw ko sa kanya.
"Si rosh!" Ang sigaw niya sabay humagulgol.
Parang may sibat na tumusok saaking dibdib dahil sa sagot niya.
"Ilang buwan na yan?" Ang tanong ko.
"Mag pipitong buwan na" ang sabi.
Doon ako nanlumo ngunit wala akong ibang magagawq kundi tanggapin ang katotohan at bitawan muli si rosh dahil ayaw ko lumaki ang bata ng walang ama.
Nakita ko sa mukha ni rosh na labis na pagkabigla ni rosh.
"Papanagutan ni rosh ang bata at papakasalan ka niya. Ako ang magdedesisyon kung kailan at wala kayong magagawa." Ang sabi ko kahit labag saakin.
Nagulat ako sa reaksyon ni riza dahil parang hindi diya naawa saakin at ang kanyang mukha ay sobrang saya. Tila nagkukunwaring malungkot.
Sa nakita kong reaksyon niya ay may parang bumabagabag lalo sa aking isip. Bakit ganun ang reaksyon niya? Diba dapat maging malungkot siya dahil masisira kami ni rosh? Diba dapat nag so-sorry siya dahil sa naganap?
Matapos mag usap ay bumalik kami ng kwarto ni rosh na tila nagtataka kung bakit siya nabuntis.
"Ano yung iniisip mo rosh?" Ang tanong ko.
"Nagtataka ako kung paano siya nabuntis. Nag suot naman ako ng condom at pinainom ng gamot para hindi siya mabuntis. Isa pa sa pinagtatako, paano nangyare yun ehh hindi pa ako nilalabasan nun dahil nga nahuli mo kami." Sabi niya.
"Ganun ang bumabagabag saakin dahil sa reaksyon niya" sabi ko.
"Dapat paglabas na paglabas ng bata ay ipapa DNAa test natin ng hindi niya sinasabi. Sa tingin ko ay niloloki niya tao." Sabi niya.
"Sige susuportahan kita" sagot ko.
Syempre kailangan naming maging sigurado bago kami magpadalos dalos. Kaya gumawa kami ng malaking plano upang kunan ng palihim ng DNA sample ang bata paglabas. Mananatiling sikreto ito hanggang sa malinawan kami.
Into na guys isa siya sa mga mangugulo upang hindi maging masaya ng relasyon ni renz at rosh. Pero ang hindi alam ni riza ay pinaghihinalaan siyang manloloko.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Loving You(COMPLETED)
RandomAng story na ito ay gawa ng aking imagination at ang ilang bahagi sa story ay totoo na nanyare