Habang nag uusap kami ni rosh sa kwarto namin dito sa resort ay naisipan namin na lumabas muna upang maligo.
Pag bukas ko ng pinto ay bumungad saakin ay si riza. Halatang nagulat siya ng buksan ko ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" Mabilisang tanong ko.
"Ahh... eehh...." Ang tanging lumabas sa bibig niya. "Pag usapan na natin ang tungkol sa kasal" ang sabi niya.
"Pag katapos mo manganak tyaka ko na sasabihin kung kailan kayo ikakasal" ang inis kong sabi.
"Sige alis na ako" sabi niya at agad agad na lumakad ng mabilis papalayo.
Kinabahan ako bigla kung narinig niya ang usapan namin ni rosh?
RIZA POV
Agad agad akong tumawag sa kakuntsaba ko.
"Hello, gusto nilang ipa DNA test ang bata pag panganak ko. Gawan mo ng paraan para maging positive ang result." Ang inis kong sabi.
"Tanga tanga naman nito, bakit gusto nila ipa DNA? Hindi ka talaga marunong umarte. Tanga tanga ka talaga!!" Ang galit na galit niyang sabi saakin.
"Basta gawan mo ng paraan para maging akin si rosh" ang sabi ko.
"Oo gagawan ko ng paraan basta gumawa ka ng hakbang para mapaniwala ko sila at para bumalik ang mahal ko" sabi niya.
Agad ko ng pinatay ang tawag.
RENZ POV
Lumipas ang mahigit dalawang buwan ay nanganak na si riza. Kumuha ako ng mga DNA sample ng anak niya ng hindi niya nalalaman.
Agad na kami pumunta ni rosh sa may laboratory ng doctor na gagawa ng DNA. Mga isang linggo pa raw bago malaman.
Habang nasa gitna kami ng pag uusap ay may pumasok na lalake at si lance iyon.
"Uyy lance ano ginagawa mo dito?" Ang tanong ko.
"May itatanong lang ako ng dok" sabi niya. "Kayo ano ginagawa niyo dito? Magpapa DNA ba kayo?" Tanong niya.
"Ahh wala kinausap lang namin si dok tungkol sa gagawin naming medical mission. Diba dok?" Sabi ko.
"Oo hijo kinausap nila ako tungkol sa medical mission." Sabi ni dok.
"Ahhh ok" sabi niya.
"Sige dok aalis na po kami aasahan namin yung pag punta niyo po" sabi ko.
"Oo naman hijo makakaasa ka" sabi ni dok.
Buti nalang ay nakisakay nalang yung doktor sa pagsisiningaling ko. Agad na kami umalis ni rosh at pumunta na sa kwarto ni riza.
"Oh kamusta kana?" Tanong ko kay riza.
"OK naman" sabi niya.
"Gusto ko maging ninong ng anak ninyo ni rosh. Pwede ba?" Sabi ko.
"Oo naman" sabi niya "kailan nga ba gaganapin ang kasal?" Tanong niya. Takte naman tong babaeng ito atat na atat.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Loving You(COMPLETED)
RastgeleAng story na ito ay gawa ng aking imagination at ang ilang bahagi sa story ay totoo na nanyare