Linggo na ngayon at mamayang alasais pa naman ng hapon ang trabaho ko. Ang aga nagising ni lance upang ipagluto ako ng agahan.
"Good morning" bati saakin ni lance pagkababa ko.
"Good morning din" bati ko rin sa kanya.
"Umupo ka na diyan tapos na ako magluto" sabi niya saakin sa boses sa sobrang sweet.
Sa tingin ko mas lalo siyang naging sweet saakin. Nakakatuwa din naman dahil may taong nag aalaga saakin kahit hindi ko naman hiniling.
"Lance may pasok ako mamaya kasi mothers day ngayon gusto ko sumama ka mamaya" sabi ko sa kanya.
"Oo naman sasamahan ko yung taong pinakamamahal ko" sabi niya. Syempre ako naman kinikilig sa mga banat niya.
Feeling ko namumula ako."Oh bakit ka namumula?"sabi niya. Kahit obvious naman na alam niya itatanong pa talaga.
"Ikaw kasi ehhh pinapakilig mo ako" sabi ko sa kanya.
"Masanay kana simula ngayon dahil araw araw kitang papakiligin" sabi niya.
Mahal na mahal talaga ako ng taong toh. Matapos namin kumain at magharutan naligo na muna kami syempre hindi kami sabay maligo.
Pagpatak ng 5:30pm ay umalis na kami ni lance upang pumunta sa resto bar.
Nandito na kami sa resto bar at naka upo si lance sa isa sa mga table. Napansin ko rin maraming mga nanay dito. Pumunta muna ako sa backstage para itono muna ang gitara. Matapos ay nag practice muna ako. Maya maya pa ay sumapit na ang oras upang mag pakita sa mga manonood saakin.
Pumunta sa ako sa maliit na stage dinala ang gitara at umupo na ako sa upuan. Huminto na sa usapan ang mga tao at ang kanilang atensyon ay napako saakin. Sanay na ako sa mga ibang costumer sa mga nagiging reaksyon nila sa tuwing makikita ako. Minsan naririnig ko na ako daw yung anak ng sikat na businessman pero umaakto lang ako na normal na para bang walang alam. Magsisimula na sana ako ngunit nasipat ng aking mata na nanonood sila mama, papa, Marcos at si rosh. Biglang bumalik saakin ang lungkot ko dahil sa lungkot na nagawa ko sa aking ina siguro oras na yata upang ibalik ang kasiyahan niya at walang iba kundi ako. Ito na yata ang tamang panahon upang malaman ng lahat ang katotohanan na hindi pa ako patay.
"Kamusta sa inyong lahat at happy mothers day itong kanta na ito ay para sa lahat ng nanay na nanonood ngayon. Inaalay ko rin ito sa aking ina na malungkot ngayon dahil sa aking kasalanan sa tingin ko ngayon na ang tamang oras para itama ang lahat" pagsisimula ko.
Ang mga mukha ng iba ay may bahad ng pagtataka kung ano ang aking itatama.
Bago ko simulan ang aking awitin nais ko lang mag alay ng tula para saaking mahal na ina.
Pasasalamat Sayo Ina
Mula ng isilang, ang ina koy tuwa
Sa sandaling hagkan, iyak koy nawala
Ang lungkot ng mukha tilay nawawala
BINABASA MO ANG
The Unexpected Loving You(COMPLETED)
RastgeleAng story na ito ay gawa ng aking imagination at ang ilang bahagi sa story ay totoo na nanyare