Umiling lang si papa. "Siguro kailangan mo na malaman ang totoo" sabi ni papa.
"Ano ang totoo pa?" Sabi ko na may bahid ng pagtataka kung ano ba talaga ang totoo.
"Anak" sabi ni papa. "Anak matagal ko ng alam na buntis si riza at kilala ko rin kung sino ang ama" sabi ni papa.
"Ano po ba ang ibig niyong sabihin?" Sabi na tila nagugulohan ang aking isipan. "Sino po ba talaga ang ama?" Tanong ko.
"Nang pumunta tayo sa Rico's restaurant para makipag kita kay, lahat ng banta ko sa kanya ay totoo." Sabi ni papa.
"Nalilito na po ako please pa sino po ba talaga ang ama ng bata?" Sabi ko.
"Si lance siya ang ama ng bata, simula nung nalaman ko na nanliligaw siya sayo ay kumuha ako ng private investigator para ma background check siya. Mayroong nalaman ang investigator na may nangyare sa kanila riza bago may mangyare kay rosh at riza." Sabi ni papa.
"Paano po naging positive ang result ng DNA?" Tanong ko kay papa.
"Lahat ng ginagawa mo ay alam ng investigator dahil sinusundan ka niya, nung umalis kayo sa hospital napag alaman na dinoktor ang result sa katunayan ang lumabas talaga sa result ay negative." Paglalahad ng katotohanan ni papa.
"Lahat talaga pa alam niya?" Tanong ko. Syempre nakakahiya dahil kung ano anong kalaswaan ang ginagawa namin ni rosh.
"Maliban sa mga private na ginagawa ng magkasintahan." Sabi ni papa. Hay salamat nakahinga na ng maluwag. "Pero anak nakuha naba ni rosh ang verginity mo?" Tanong ni papa. Shit ano ba ang pinagtatanong ni papa.
"Papa naman ehh kung ano ano nalang tinatanong." Sabi ko na nahihiya.
"Sagutin mo ang tanong ko" seryosong tanong ni papa.
Tumango nalang ako. "Opo" sagot ko.
"May nabuo ba?" Sabi ni papa.
"Ano ba yan pa hindi po ako babae para mabuntis" sabi ko kay papa.
Agad na akong pumunta sa hospital dahil ang alam ko ay nandoon pa si rosh.
Hindi nga ako nagkakamali dahil nandoon siya. Niyakap ko kaagad si rosh at siniil ng halik. Mga isang minuto lang at bumitaw na ako.
"Bakit anong meron at tuwang tuwa ka?" Tanong ni rosh na malungkot parin.
"Huwag mo na panindigan ang bata at ako nalang panindigan mo." Sabi ko kay rosh.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni rosh na nagugulohan.
"Sabi ni papa negative daw ang result ng DNA, kumuha siya ng private investigator at napag alaman na si lance ang ama ng bata." Sabi ko kay rosh.
Agad na lumapad ang ngite ni rosh. Sa sobrang tuwa niya ay hinalik halikan niya ako sa labi pero smack lang.
"Tara mahal gala muna tayo sa park." Sabi ni rosh.
"Sige basta walang kalaswaan munang Gawain mayroon kasing sumusunod saakin dahil sa utos ni papa." Sabi ko kay rosh.
"Punta muna tayo kay riza para sabihin na hindi tuloy ang kasal." Sabi ni rosh.
Pumayag naman ako. Pumunta na kami sa kwarto ni riza.
"Hindi na matutuloy ang kasal ninyo ni rosh." Sabi ko kay riza.
"Kailangan niya akong pakasalan dahil may anak na kami" sabi ni riza.
"Anak ninyo ni lance" diniin ko ang pagsabi ng pangalan ni lance.
"Diba positive ang result ng DNA test." Ang pag giit niya.
"Paano mo nalaman wala naman kaming sinabi sayo na nag pa DNA test ahh" ang matapang kong sabi. Huli ka balbon. Hahaha siraulo nahuli din siya sa sarili niyang bunganga.
Umalis na kaagad kami ni rosh ng hospital. Syempre nagbalikan kami ulit. Bwesit na riza to panira lagi ng relasyon naming dalawa ni rosh.
Pumunta kami ni rosh sa Rico's restaurant dahil simula ng ipunta ako ni papa doon na natikman ang mga pagkain nila doon ay nasarapan ako.
Pumasok na kami ni rosh sa restaurant at umorder na siya. Pag balik niya sa pwesto namin ay kapa siya ng kapa sa bulsa niya.
"Anong problema?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko mahanap ang wallet ko" sabi niya.
"Baka naiwan mo sa kotse" sabi ko.
"Baka nga, labas muna ako para kunin wallet ko" sabi niya.
"Wag na ako na kukuha ng wallet mo, ito kunin mo muna ang wallet ko bayaran mo muna ang pagkain natin. Ako na ang maghahanap ng wallet mo." Sabi ko.
"Kunin mo nadin yung cellphone ko nakalimutan ko" sabi niya, sabay abot ng susi ng sasakyan.
Tinungo ko na ang parking lot. Habang naglalakad ay may sumusunod saakin. Kinabahan naman ako. Pero inisip ko nalang na baka Tauhan iyon ni papa dahil sinabi niya saakin dahil sabi niya ay pinapasundan niya ako.
Maya maya lang ay may humarang saakin na itim van. Bumukas ito at bumaba ang limang lalake. Tatakbo na sana ako ng may tumutok saakin ng baril sa likod. Iyon ang lalakeng sumusunod sa akin kanina. Buti nalang at may alam ako kaunti sa self defence.
Tinabig ko ng malakas yung kamay niya upang tumalsik yung baril at nag tagumpay naman ako. Kinuha ko ang kamay niya at binali ang hinliliit na daliri, sabay sapak sa mukha niya. Sinipa ko ng malakas ang tuhod niya para tuloyang matumba siya.
Maya maya lang ay may narinig akong putok ng baril. Hindi ko namalayan na sa braso ko na pala bumaon ang bala. Umagos nalang kaagad ang mga dugo.
Pinukpok ng lalake ang ulo ko ng baril ng malakas halos nahilo na ako ngunit nanlaban parin ako. Hindi ko na namalayan na may tumakip nalang sa ilong ko at nahihilo na ako ng husto.
Sinakay nila ako sa sasakyan.
"Renz!!!!" Ang huling salita na narinig ko bago ako nawalan ng malay.
Nagising na ako ngunit wala akong makita na kahit ano, sa tingin ko ay may nakatakip sa mga mata ko. Masakit ang dalawa kong kamay dahil nakatali ito ng mahigpit. Masakit din ang noo ko dahil naalala pinukpok ng baril ang noo ko.
"Nasaan ako?!!!! Pakawalan niyo ako!!!!!!" Sigaw ko.
"Boss gising na po siya" ang narinig kong salita.
"Sino kayo?!!!!!! Pakawalan niyo ako!!!!!!! Please pakawalan niyo ako!!!!!" Ang sigaw ko na nag mamakaawa.
"Hahahahaha" ang narinig kong tawa na mala demonyo.
Paano na yan nasa panganib ang buhay ng ating bida.
Makakaligtas kaya siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/218404443-288-k444885.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unexpected Loving You(COMPLETED)
RandomAng story na ito ay gawa ng aking imagination at ang ilang bahagi sa story ay totoo na nanyare