Lumipas ang ilang araw ay ganun ang naging kagawian ng dalawa susunduin ang ng maaga at dadalhin ako sa mga ibat ibang lugar.
Si rosh ay dinadala ako sa mga lugar na naging memorable saaming dalawa at si lance naman ay dinadala ako sa mga romantic place. Habang tumatagal ang sitwasyon namin ay mas lalo lang akong nalilito kung sino ba sa dalawa pipiliin ko.
Lunes ngayon at siguro ngayong araw na dapat gawin ang big move ko pero hindi ko pa alam. Mahal ko silang dalawa ngunit dapat makita ko kung sino ba ang kayang ipag laban ako at kung sino ang kayang rumespeto.
Nagsuot ako ng black pants at naka hoodie. Malalaman niyo rin guys kung ano ba talaga ang plano ko.
ROSH POV
Maaga pa ngayon at nandito ako sa bahay naglilinis ng kwarto ng may biglang nag text. Unknown number.
Unknown number
Magkita tayo sa Rico's restaurant mamayang 12:20pm wag ka mag alala hijo at hindi ako masamang Tao.
Received: 11:40 am
Sino kaya yun, siguro important yung tao na yun? Agad akong naligo at nagbihis. Papatak ng 12:00 pm ay agad na akong umalis ng bahay dahil mahigit 15minutes din ang byahe papunta doon.
May kumay saakin na tanda na siya yung makikipag kita saakin nandoon siya sa isang kwarto na gawa sa salamin mayroon din siyang kasama doon na kumakain.
Pumasok na ako sa kwartong iyon na kabadong kabado. Tila nagugulohan kung bakit ako pinapunta dito.
"Maupo ka hijo" sabi niya
"Salamat po" yung lang ang tanging sagot ko.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Mahal mo ang anak ko?" Ang tanong ni Tito Leonardo ang ama ni renz.
"Opo Tito mahal na maha ko po si renz." Ang sagot ko.
"Kung mahal mo ang anak ko bakit mo siya niloko?" Sabi ni Tito.
"Nagawa ko iyon dahil naging mahina po ako pero pinagsisihan ko na po ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko kay renz." Sabi ko.
"Kung mahal mo talaga siya layuan mo siya." Ang napaka seryosong sabi ni Tito.
"Tito hindi ko po kayang layuan si renz kasi mahal na mahal ko po siya at hindi ko po kayang mawala siya sa tabi ko." Ang sinserong sabi ko.
"Hindi ka ba natatakot? Kayang kaya kita ipatumba kung gugustohin ko. Kaya layuan mo ang anak ko." Ang nakakatakot na sabi ni tito.
"OK lang po kahit ipatumba niyo ako handa po ako sa kung ano ang mangyayare dahil mahal ko po si renz." Sabi ko na tila nag crack ang boses ko.
"Yun lang pwede ka ng umalis" sabi ni tito. Ano ba nangyayare ang gulo.
"Huh? Hindi ko po kayo maintindihan, kanina po gusto niyo ako lumayo sa anak niyo tapos ngayon papaalisin niyo ako kaagad?" Sabi ko kay tito.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Loving You(COMPLETED)
RandomAng story na ito ay gawa ng aking imagination at ang ilang bahagi sa story ay totoo na nanyare