Kabanata : 8 Apartment

375 13 0
                                    

R e n z

"Wow ang ganda" ang biglang lumabas saaking bunganga sa sobrang mangha sa kagandahan ng isla agad na bubungad sayo ang malalaking puno ng niyog at makikita mo rin ang malaking kahoy na may nakaukit na pangalan ng isla "PARADISO ISLA" may mga naliligo na at ang iba ay naglalaro sa buhangin at iba pa.

"Renz tara na may sasabihin daw si maam Flores" ang sigaw saakin ni lance habang itoy nasa malayo na.

Agad na akong tumakbo papunta sa mga taong nag tipon tipon

"Pls.. Quite" ang sigaw ni maam saaming lahat kaya lahat ay nanahimik.

"Bukas ang first day natin dito sa isla may mga tent diyan na maaari niyong gamitin so ano pa hinihintay niyo pumunta na kayo sa mga tent at makakatabi niyo rin ang partner niyo sa pag tulog kaya sige kilos na" ang seryosong sabi ni maam.

Agad kami pumunta sa mga tent ni lance pero grabe sobrang daming tent

"Renz ito nalang yung tent natin" ang sabi ni lance na mukhang exited.

"Sige diyan nalang tayo" ang sagot ko sa kanya agad na naming binuksan ang tent maliit lang ang tent agad na binaba namin ni lance ang mga gamit namin sa loob ng tent"

"Renz may dala ka bang camera?" Tanong saakin ni lance.

"Oo meron akong dala kaso isa lang ang dala ko" ang sagot ko kay lance.

"Ikaw may dala ka bang camera?" ang tanong ko kay lance.

"Oo meron akong dala" ang sagot nito.

Agad na kumuha kami ng mga pictures at syempre meron naming kanya kanyang selfie pang dp sa social media.

"Renz picture naman tayong dalawa kanina pa tayo kuha ng kuha ng picture kaso wala pa tayong pictures" sabi ni Lance.

Nakakapagod ang araw na ito halos libutin na namin ang buong isla ngayon nandito kami sa loob ng tent dahil umaambon at hindi natuloy ang bonfire. Habang ako ay nag tatranfer ng picture sa laptop na galing sa mga camera namin ay si Lance ay sobra ang himbing sa pagtulog. Pagkatapos ko mag transfer ng mga photos ay humiga na ako at tumagilid nakasuot ako ngayon ng jacket dahil sobrang lamig. Habang nilalamig ay naisipan ko magbukas ng fb account ko kung may mga messages ba ako pero wala akong natanggap kaya natulog nalang ako.

Paggising ko ng umaga parang masama na ang panahon kaya naisipan kung manood ng news sa phone at sabi sa news ay mayroon daw bagyo na maglalandfall bukas.

"Attention everyone magligpit na kayo ng mga gamit niyo dahil uuwi na tayo ngayon dahil bukas ay maglalandfall ang bagyo dito sa bansa natin kaya habang may oras pa tayo na makaalis sa isla ay samantalain na natin" ang sigaw ni maam gamit ang megaphone .

Agad ko nang inayos ang mga gamit ko at ganun din ang lahat pero nakakalungkot dahil sayang din ang pagkakataon na manatili dito ng ilang araw pa ngunit wala ako magagawa.

Ngayon nandito na kami sa bus bumabyahe na papunta sa school nalulungkot man na uuwi na pero kailangan para din sa kaligtasan naming lahat. Matapos ang byahe ay nandito na kami sa school binaba at kanya kanya kaming uwi saaming mga tahanan. Dahil pagod ako sa byahe ay naisipan ko muna magkape dito sa coffee shop habang papasok ako sa loob ay may biglang tumawag sa pangalan ko at agad ko itong nilingon.

"Renz!!" Ang sigaw saakin ni shaine.

"Ohh shaine ikaw pala, musta na?" Tanong ko sa kanya.

"Ok lang naman ikaw musta na at bakit hindi mo kasama si rosh?" Tanong niya saakin na nagpalungkot sa akin ngunit hindi ko ito ipinahalata.

"Pasok muna tayo sa loob para mag usap" pag aya ko sa kanya.

Nag order ako ng dalawang white coffee at pumunta na ako sa table na napili ni shaine sa katunayan ang ganda dito sa coffee shop nato ang lamig ng hangin na bagay sa pagkakape.

"Ahh kaya hindi ko kasama si rosh dahil may business trip siya sa london" sa sambit ko kay shaine habang nalulungkot, hindi na napigilan ang lungkot ehhh.

"Ahh ganun ba , kaya kita tinawag dahil para sa susi na ito nalaglag yan ni rosh nung nakaraang linggo kaso hindi ko na naibigay dahil agad na siyang nakaalis. Matagal ko na dapat binigay yan sa kanya kaso busy din ako sa work wala akong time kaya nung nakita kita ay naalala ko itong susi" mahabang litanya ni shaine.

"Susi to ng ano?" Pagtataka ko.

"Susi yan ng apartment niya malapit sa kanyang work place kasi narinig ko yung kasama niyang babae na ang ganda daw ng apartment ni rosh kaya yun nalaman ko." Paliwanag niya saakin.

Pagkatapos ay umuwi na kami.
Bakit walang nasabi saakin si rosh? Hays nakakapanibago talaga si rosh simula ng nag aral ako ulit dahil wala na kaming masyadong time pero kahit wala kaming masyadong time sa isat isa ay mahal ko pa rin siya ng lubos dahil yun ang susubok sa iyo kung gaano ka magiging faithful sa partner mo kahit wala na kayong time.

Bakit kaya hindi niya sinabi saakin ang tungkol sa apartment? Baka siguro may tinatago siya? Niloloko niya na ba ako? May iba na ba siya? Hindi niya na ba ako mahal? Hays kalma lang self baka may dahilan bakit hindi niya nasabi malay mo nakalimutan lang.

Pero bakit ganito parang ang bigat sa pakiramdam? Malalaman ko rin kung ano ba talaga ang totoo.

Nandito ako sa kwarto ko nakatingin sa kisami at malalim ang iniisip, hindi kasi maalis sa utak ko yung apartment. Bakit siya kumuha ng apartment? Hays matutulog na ngalang ako baka ma stress lang ako kakaisip.

Paggising ko ng umaga ay sobrang lakas ulan at halos mabaha na ang daan halos wala ka nang halos marinig kundi patak na lamang ng ulan sanhi ng malakas na bagyo, buti nalang ay sa monday na ang magiging klase naming sanhi ng bagyong dumating sa ating bansa.

Habang akoy nag muni muni sa gitna ng kawalan ay nag vibrate ang phone ko at agad ko itong tiningnan si lance nag text

From: Lance

Good morning renz :)

Received : 8:15 am

Ang weird talaga ni lance, siguro friendly lang yata. Hindi ako nag reply sa kanya ewan ko ba pero parang wala ako sa mood.

Hmmm...... Grabe ang lamig





Authors note:

Sorry guys natagalan sa pag update kasi tinatamad ako at magulo lang yung isip ko ngayon pero  babawi ako sa next chapter promise

.......

The Unexpected Loving You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon