Chapter 11

261 6 0
                                    

“arrrggh ..”

 

“o anong nangyayari sayo?”

 

Tanong sakeni kua Harvey. Nandun kasi ako sa may kusina naming nagmumuni muni.

 

“kulang na lang alak e. Para ka ng nasa palabas. Yung mga nagpupunta sa bar? Tamang tama nandyan ka pa sa may bar counter natin. Dapat ng momonologue ka din.”

 

Tumawa siya sa sinabi niya. Tiningnan ko lang siya ng masama.

 

“bakit ba kase?”

 

“si casey.”

 

“o? Magkaaway kayo? Kaya pala hindi napunta dito. Nakita ko yun nung isang araw sa mall. Niyayaya kong pumunta dine aba tumanggi! Natuwa pa nga ako e.” J

 

(.--).. kuya ko ba talaga to?? Oo. Kami magkaugali nyan e.

 

“ewan ko dun. Dapat ako magalit sa kanya kasi ba naman lagi siyang nasama sa date naming ni damian.”

 

Kwento ko kay kuya.

 

“natural lang sumama yun bestfriend mo e.”

 

“sa lahat ng date?”

 

(O.O)“oh?!.. bat naman? Tatay mo?”

 

Napatawa ako sa sinabi ni kuya. Napatawa tuloy din siya.

 

“ewan ko nga din.”

 

“magusap  kayo. Baka nasa mall yun ngayon. Dun naman yun lagi nakatambay e. Sabihin mo nga dun na siya tumira. O kaya naman mag apply na lang siya na security guard dun total puro lalake naman tinitingnan niya. ”

 

Napailing na lang ako sa mga sinasabi ni kuya Harvey. Lakas trip talaga e. Bitter na bitter sa pagkabakla ni casey.

 

“ewan sayo kuya. Pupunta na nga lang ako sa mall at baka makahanap pa ako ng matinong kausap.”

 

“ANO?! Hindi ba ako matino huh?”

 

“mas matino ang sabi ko. Geh geh babye!”  (^_^)/

 

Umalis na ako sa bahay.  Sana naman magdilang anghel si kuya Harvey at makita ko ngayon si casey sa mall. Tamang tama wala si damian ngayon. Nagout of town sila ng family niya. Ang sabi niya saken e the day after tomorrow pa daw siya makakauwe. J  

Pagdating ko sa mall e medyo uunti lang ang tao. Weekdays kasi e. Ayan hindi ako masyado mahihirapan maghanap kay casey. San nga ba madalas magtatambay yun??... aahh first option ko.. sa spa. J mahilig magpamassage yun e.

Ang alam ko sa may 4th  floor ang spa dito e. Ayun buti na lang malapit na ako sa escalator. Saktong pagdating ko sa may 2nd foor  kakaliko ko pa lang may nakita ako pababa sa may escalator. Si casey!!! Sisigawan ko n asana kaso nagulat ako ng makita ko kasama niya... (O.O) hindi ko alam kung ano magiging reaction ko.. maiiyak..magagalit..magiiskandalo..o aalis na lang??... hindi ko alam hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa mawala na sa paningin ko silang dalawa. Nandun pa ren ako. Bakit sila magkasama?? May ginagawa ba sila na hindi ko alam o tintago nila talaga saken??... nagtatawanan pa sila..buti na lang kamo at hindi naman sila magkaholding hands basta sabay lang sila. Baka naman nagkita lang sila tapos nagusap na rin?.. e sabi sakin ni damian bukas pa siya uuwe aa..

Fuck.

MY GAY BESTFRIEND turn to be MY MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon