KEEP YOUR SECRETS AT 3AM
CHAPTER 1
SHEENA
"Bruh, have you heard the news?" napatigil ako sa ginagawa kong poster dahil sa tanong ng kaibigan kong si Kiara. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya at nakitang abala siya sa paglilinis at pagpapaganda ng kanyang mga kuko sa kamay na madalas at paborito niyang gawin.
"News... about?" tanong ko at muling ibinalik ang atensyon sa aking ginagawa. Wala akong ideya kung saan ang balitang sasabihin niya. Paiba-iba kasi ang mga topic na naiseshare niya sa akin. Maliban na lang kung tungkol na naman ito sa schoolmate namin na nawawala.
"Dane!" may tono niyang sigaw. Inulit ko pa ito para masiguro na hindi mura ang sinabi niya pero tama nga ang aking narinig. Si Dane nga.
Kung gano'n ay tama pala ako ng iniisip. Hanggang ngayon pala ay siya pa rin ang laman ng balita dito sa aming paaralan. If I am not mistaken, two-weeks na magmula ng lumabas ang balita sa kanya.
I know who Dane is. Besides he's famous kaya siguro hanggang ngayon ay siya ang pinag-uusapan. Maraming sabi-sabi ang tungkol sa nangyari sa kanya pero ang mas tumatak sa lahat ay pinatay daw siya ng babaeng nakarelasyon na ginawa lang niyang parausan. Sa galit daw ay nabaliw ang babae kaya niya nagawang patayin si Dane.
Dagdag pa nila ay dito raw siya pinatay sa loob ng aming eskwelahan. Ngunit lahat ng iyon ay walang nakapagpatunay dahil hanggang ngayon ay wala pa rin makitang ebidensya at kasagutan kung saan na nga ba siya ngayon. Up until now his body cannot be found just like the rumors that says his family were also missing.
"Anong meron?" tanong ko. Hindi naman sa nagiging marites ako pero gusto ko rin malaman kung may bagong balita na ba sa kanya. Isa pa ay kami lang dalawa ngayon dito sa likod ng aming university gymnasium, our safe place. Kung saan kami madalas umupo sa mga upuan na gawa sa bato sa gitna rin ng mesang gawa sa bato.
Kung saan namin inilalabas ang mga galit namin sa mundo. Dito kami madalas gumawa ng mga project and all stuff. Dito rin kami madalas mag kwentuhan ng kung anu-ano dahil walang pumupunta na ibang tao kagaya ngayon.
"Did you know that someone said they saw him with a girl inside the campus?" balik tanong niya at tinakpan ang bibig matapos luminga sa paligid. I rolled my eyes. As if naman ay may makakarinig sa amin ngayon.
"Walang makakarinig sa atin kaya ituloy mo na ang chismis mo." tugon ko na lang habang ang atensyon ko pa rin ay sa ginagawang poster. Napatawa naman siya sa isinagot ko at kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong hinawi niya ang kanyang bangs na tumatakip sa bilugan niyang mukha. Madalas niya itong ginagawa lalo na kapag may gusto siyang importanteng sasabihin katulad ngayon.
"I didn't know that you could do that." may lamig sa boses niya. Muli akong napatigil. Kasing bilis ng kidlat ang pagpasok sa aking tenga ang mga salitang sinabi niya. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko kasabay no'n ang paghulog ng poster kong hawak sa damuhan.
For a moment, napatingin ako pababa sa nahulog kong poster at nakita na wala na ang ganda, kulay at linis nito. Hindi ko alam na sa isang iglap lang pala ay mawawala na ang lahat na meron dito kanina. Napaka careless ko talaga!
"What are you talking about? Hindi ko alam ang sinasabi mo." tugon ko sa kanya. Wala akong kinalaman sa sinasabi niya lalo na sa lalaking 'yon. Wala. Kinuha ko na lang ang poster kong nahulog at muling inilagay ang atensiyon doon para linisin ito.
"Kiara, hindi nakakatuwa ang biro mo." dagdag ko pa. It's not funny lalo na kung ganoong sensitibong topic ang pinag-uusapan namin ngayon. Buti na lang walang tao ngayon at walang nakarinig sa sinabi niya dahil kung meron ay baka maging suspect pa ako sa pagkawala ng lalaking 'yon.
BINABASA MO ANG
KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETED
Mystery / ThrillerAng akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang itago ang mga sikreto ko. DATE STARTED: FEBRUARY 10, 2021 DATE FINISHED : JULY 04, 2021 All the pho...