CHAPTER 4

3.5K 164 40
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 4

SHEENA

"Are you okay, Sheena?" napatingin ako kay tita na abala sa minamaneho niyang sasakyan. Nawala sa isip kong kasama ko nga pala siya ngayon. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko naisip na may pasok nga pala kami.

"I'm fine tita." tugon ko naman sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. I don't want to conclude but because of what happened to Mang Julio, I know that there is a huge possibility that everything happened in that 3AM were true.

"You're thinking him, am I right?" muli akong napatingin kay tita. Hindi man siya nakatingin sa akin ay alam kong pinapakiramdaman niya ang bawat kilos at tugon ko.

"Yes tita, I was just shocked po hearing that news. Parang kahapon lang po kasi ay nakita ko po siyang kasama si Kiara." pagdadahilan ko sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya.

Hindi ko talaga maisip kung ano ang sumunod na nangyari bago ako mawalan ng malay. Maliban kasi sa nasaksihan ko siya na nakatayo malapit sa bangin na 'yon ay wala na akong maalala. Maging ang rason din kung bakit ako nandoon ay hindi ko alam.

"Kumusta na ang bestfriend mo? Tumawag na ba siya? Tawagan mo na kaya siya?" tita's right. Kailangan kong tawagan si Kiara. Kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko si mang Julio ay alam kong malapit pa siya sa bestfriend ko.

I was about to do it when suddenly my phone ring. Napatingin ako sa screen nito at nakita ang pangalan ni Kiara.

"Bruh," hinintay siyang magsalita.

"Did you hear the news bruh? Patay na si Mang Julio!" I am right. She already saw the news. Napalayo pa ako ng kaunti sa cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya. Parang masisira yata ang eardrum ko.

"What happened to him? Hindi ba kasama niyo siya sa bahay niyo?" tanong ko naman na parang walang alam at napatingin sa gilid ko at nakita si tita na nakatingin sa akin.

"Yes. Bruh, we really don't know why that happened to him. Wala kaming makita o maalala man lang na taong may motibo para gawin ang bagay na yon." tama si Kiara, maging ako ay hindi ko naisip na mangayayari 'yon sa kanya.

I just can't believe na hindi ako ang napahamak ngayon or worst ay namatay. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa kakaisip kung ano nga ba talaga ang nangyari.

"Bruh, no one will pick me up anymore." I came to my senses again after hearing what Kiara said. She is right. Wala nang maghahatid sundo sa kanya.

Naramdaman ko na lang si Kira na humihikbi. Importante nga si mang Julio sa kanya, sa kanila. Hindi naman kasi iiyak si Kiara kung hindi. Sa pagkakatanda ko ay mahigit dalawang dekada nila itong driver.

"Kiara let's just pray for the soul of mang Julio." pagpapagaan ko naman sa kanya ng kalooban kahit na alam kong may kinalaman ako sa nangyari sa driver nila.

I was with mang Julio the day he died.

"I just can't believe bruh. What happened to him was sudden." Kiara's right again. Parang biglaan nga ang nangyari, ang mga pangyayari. Kahapon lang ay kausap pa namin si mang Julio at ngayon ay wala na siya.

Is this because of Dane? Meron ba siyang kinalaman sa mga nangyayari ngayon?

Iwinaksi ko na lang sa isipan ko ang bagay na 'yon at nagfocus sa pagpapagaan sa kalooban ni Kiara. She needs me right now and I need to do something for her.

"Bruh, alam kong gasgas na itong sasabihin ko pero everything happens for a reason. Anong balak niyo niyan?"

"Mag-aabsent muna ako ng ilang araw ayokong makita nila akong namumugto ang mga mata."

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon