CHAPTER 14

1.2K 85 2
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 14

SHEENA

I stared him for how many minutes before I decided not to argue with him anymore. Ayokong kung saan pa humantong ang pag-uusap namin at maungkat pa ang mga bagay na dapat ay binaon ko na lang sa limot. Ramdam ko naman na alam na niya ang mga sikreto ko.

"Huwag mo nang alamin kung paano ko nalaman, malalaman mo rin naman sa tamang panahon." sabay upo niyang muli sa harapan ko.

I hate his presence!

"Siguro naman ay tutulungan mo na ako para makuha ang tita mo?" dagdag pa niya. Kung ganon ay alam din niya ang nangyayari ngayon kay tita Hera.

"Bakit ba ang dami mong alam? Sino ka ba talaga?!" hindi ko na naman napigilan ang bunganga. Masyado siyang maraming alam!

"Hindi ba sinabi ko na malalaman mo naman sa takdang panahon? Sa ngayon ay 'wag ka munang magtanong basta ang gawin mo ay makinig lang sa akin." sabay subo na naman niya sa akin ng hawak niyang kutsara ngunit hindi ko siya sinunod bagkus ay tinitigan ko na lang siya bagay na hindi ko na dapat pang ginawa.

"Fine! If that's what you want!" tugon ko sa kanya sabay irap at tumingin sa ibang gawi. I hate him and I also hate this feeling!

"Nagblush ka!" sabay tawa naman niya. Kung alam lang sana niya na gusto ko na siyang sakalin dahil sa sinabi niya.

"Asa ka! Kahit na katiting wala akong paghanga sayo." pagtatanggi ko naman kahit na sinasabi ng kabilang utak ko na... may nararamdaman ako sa kanya. Baka galit lang siguro o pagkairita.

"Talaga ba?" narinig ko na naman siyang napatawa kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na pagtaasan siya boses.

"Pwede ba! Umalis ka na sa harapan ko!"

"Huwag ka nang mahiya tayo lang naman dito, eh." napatingin ako sa kanya at nakita siyang nakangasi.

"Bastos!" kung hindi lang talaga ako nakatali ngayon ay baka nasampal ko na siya. Nakakainis na talaga ang presensya niya. Huwag lang talaga niya akong pakawalan dahil lalapat talaga sa kanya ang nangangati kong palad!

"Okay, tatanggalin ko na ang mga nakatali sa yo at pababayaang kumain ka basta ipangako mo na hindi ka gagawa ng ikakagalit ko." hindi ako kumibo dahil sa sinabi niya at tumingin na lang sa ibang direksyon.

Nang matapos niya akong tanggalin ay mabilis ko siyang sinampal. Kanina ko pa gustong gawin 'yon sa kanya. Nabigla pa siya sa ginawa ko. Napayuko siya at pero ilang sandali lang ay tumawa na naman siya na mas lalong ikinakulo ng dugo ko.

"I will take that as a thank you!" sabay tayo niya sa kanyang upuan. Bago pa naman niya ako tuluyang iwanan dito sa silid ay muli siyang tumingin sa akin dahilan para may kung ano naman sa sistema ng katawan ko ang hindi mapaliwanag.

"Huwag mo na akong iiwan ulit, hindi ko kaya." sabay tawa niya ng malakas.

Wala akong alam sa sinasabi niya at iiwanan ko siya!

-----

Muli akong napatingin sa kabuuan ng silid nang nakalabas si Ethan. Nagpapatawa ba siya? Bakit ko naman siya susundan? I can do whatever I want! Mabilis akong nagtungo sa may bintana, napatawa pa ako ng bahagya ng mabuksan ko ito pero panandalian lang pala lalo na nang makita ko kung gaano kataas ang kinalalagyan ko ngayon.

If I will jump then there is a big possibility na hindi na ako mabubuhay pagbagsak ko. The chances is very low. Katulad kung paano ko makukuha si tita Hera ngayon.

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon