KEEP YOUR SECRETS AT 3AM
CHAPTER 15
SHEENA
I didn't move. My body is still shaking. Gusto kong magsalita pero parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa mga sinabi niya. Ayokong maniwala pero alam kong posible nga na nangyayari talaga lahat ng 'yon kay Dane. Now, everything makes sense! Kung totoo talaga ang mga sinabi ni Ethan, then nandoon nga ako sa lugar kung saan nangyari ang lahat kay Dane.
"Hindi mo pa sila pwedeng makita ngayon dahil alam kong may mga nagmamatyag sa mga galaw natin lalo na sa'yo kaya kailangan mong makipagtulungan sa akin." dagdag pa niya. Ako naman ay nanatiling nakatayo at gulo pa rin ang isip.
Kung talagang coma ngayon si Dane, nandoon nga ako ng madaling araw na 'yon. Lahat ng nasaksihan ko ay totoo. Hindi bangungot. Ang lalaking gumawa na lang no'n sa kanya ang pwedeng susi sa ibang mga tanong ko.
Alam ko, ramdam ko, posibleng kilala ko ang taong 'yon at siguardo rin ako na hindi ako sasaktan ng taong 'yon.
Muli kong naisip ang pinapagawa ng nakausap ko. Isang bagay ang pumasok sa isipan ko. Posibleng ang taong gumawa no'n kay Dane at ang nakausap ko ay iisa.
Gusto ko man makausap si Dane pero dahil sa nangyari sa kanya ay imposible. Ibig sabihin ay wala talagang paraan para makausap ko siya. I can't wait him lalo na walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising. Or maybe I can still do what that person wants. Ang patayin na lang siya.
Napapikit na lang ako sa mga iniisip ko. Alam ko na dumating sa point na iniisip kong patayin si Dane pero hindi ko talaga kaya. I don't want to do such immoral things again that's why I plan but these things happened.
Muli akong ntumingin kay Ethan. "Give.... give me my phone." nauutal kong tugon sa kanya. Ngayon na nagkakaroon ng linaw sa akin kahit papaano ang lahat ay kailangan kong gumawa ulit ng hakbang para alamin ang susunod kong pwedeng gawin. I was waiting him to ask me pero wala siyang tinanong.
"Ayan," tingin niya sa kama, "Kinuha ko na rin ang mga mahahalaga mo pang gamit sa inyo. Nasa baba na lahat." dagdag pa niya. Ngayon mas lalo akong hindi makapaniwala na nakapasok siya sa bahay namin. Nakakapagtaka na parang wala lang sa kanya ang pumasok sa amin at kunin ang mga bagay na sinasabi niya.
Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga iniisip ko at kaagad kong kinuha ang aking cellphone. Sa ngayon, mas importante na unahin ko muna si Tita Hera.
"Kung may gusto ka pang kunin sabihin mo lang. Kung meron ka rin gustong gawin, sabihin mo lang. Willing akong magpa-alila sa'yo." dagdag pa niya at nararamdaman ko na lang na iniwan na niya akong muli sa silid. Napakalaki ng kumpyansa niya na susunod ako sa kanya. Talaga pang kinuha niya ang mga damit ko. Balak ba niyang itira ako rito?
Hindi ko magawang isipin kung bakit wala siyang kasama rito sa bahay at kung bakit siya nag-iisa. Siya lang yata ang rito. Nasaan kaya ang pamilya niya? Napailing na lang ako sa mga samu't saring tanong na tumatakbo sa isipan ko. For now, mas maganda na magfocus na muna ako sa mga mahahalagang bagay.
Kaagad kong i-denial ang number ng may hawak kay tita Hera ngunit wala akong nakuha na tugon. Puro out of coverage area lang ang tumugon sa akin kaya hindi ko tuloy magawang matahimik. I was so scared lalo na baka kapag hindi ko magawa ang nais ng taong 'yon at may gawin siyang masama kay tita Hera.
Ilang beses pa akong sumubok pero wala talaga akong napala. Napa-upo na lang ulit ako sa kama ni Ethan ay malalim na nag-isip. Ngayong araw ko hindi makakasama si tita Hera at ang mas malala pa ay nasa bahay ako ng isang lalaki na hindi ko naman gaanong kilala. Ayokong isipin ng kung sino man na may namamagitan sa amin ni Ethan kahit gano'n naman ang gusto niya.
BINABASA MO ANG
KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETED
Mystery / ThrillerAng akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang itago ang mga sikreto ko. DATE STARTED: FEBRUARY 10, 2021 DATE FINISHED : JULY 04, 2021 All the pho...