KEEP YOUR SECRETS AT 3AM
CHAPTER 12
SHEENA
I still haven't taken my gaze away from the message sent to me. I don't understand why these things happen! Gusto kong magmura, gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero para saan pa? Walang magbabago. HIndi rin ako nakasisiguro na kahit gawin ko ang ipapagawa niya ay makakasama ko pa si tita Hera.
But, I have to do it. I have no choice but to try it. Kahit na labag man sa loob ko ang ipapagawa niya.
"Follow my orders or else, you will never see your dear auntie."
I don't know who sent this to me. Masyado ng marami ang mga taong involve ngayon. Masyado na ring marami ang mga tanong na hindi ko pa nakukuha ang sagot.
Katulad ngayon, paano ako napunta dito gayong alam kong magkasama kami ni James na nahulog sa tulay. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Kung buhay pa ba siya at kung sino ang tumulong sa akin papunta rito.
Napabuntong hininga na lang ako sabay bato ko sa cellphone sa higaan. Nakakagigil na talaga ang mga nangyayari. Pati si tita Hera ay nadamay na sa mga nangyayari ngayon. She did nothing but to protect me. I never felt that I am alone because of her presence, ngayon lang na wala siya.
Kaya pala tahimik nang magising ako kanina ay nawawala na pala siya at nasa kamay na pala ng sino mang walang pusong gumawa nito sa kanya.
"Tita," now I am crying like a baby. Hindi ko alam ang gagawin ngayon lalo na wala na si tita sa tabi ko. I can't live without her. For many years, siya na ang tumayong ina at ama ko. Siya rin ang tumayong kaibigan ko noong hindi ko pa nakilala si Kiara. because of tita Hera, I never felt that I have an incomplete family.
Muling tumunog ang cellphone ko at nakita na naman ang number na nagpadala sa akin ng mensahe. Mabilis ko itong sinagot at nagbabakasakali na ang boses ni tita ang marinig ko. But, I was wrong. Isang malalim na boses ang nagsalita.
"You have one week to kill everyone who is involved in your nightmare, especially Dane Francisco. Give me his head and I will make sure that I will return to you your beloved auntie."
"Mamatay ka na!" napasigaw na lang ako dahil sa mga sinabi niya. Kung nandito lang siya sa harapan ko ay baka sa kanya ko nagawa ang pinapagawa niya,
Narinig ko siyang tumawa dahil sa sinabi ko. Mas lalo kong narinig ang malalim niyang boses kaya hindi ko malaman kung lalaki ba siya o babae.
"You make me laugh, my dear." muli niyang sabi at kahit wala siya sa harapan ko ay ramdam ko ang nakakaloko niyang ngisi.
"I will kill you!" determinado kong sinabi sa kanya. Once na malaman ko kung sino siya ay hindi ako magdadalawang isip na patayin siya.
"If you kill me, you will never see your dear auntie."
"Who are you? Why are you doing this to me?"
"I am your nightmare." nakaikuyom ko na lang ang mga kamao ko dahil sa walang kwenta niyang sagot. Huwag niya lang talagang gagalawin si tita dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para maging bangungot din niya.
"I will follow your orders just make sure that she will be safe." tugon ko na lang para matapos na ang usapan namin kahit hindi ko alam kung magagawa ko nga ba talaga. Sakto naman na narinig ko ang boses ni tita na sumigaw kaya hindi ko napigilang manginig at mapaluha.
"Sheena, don't follow h-" hindi ko na narinig pa ang boses ni tita maliban lang sa isang malakas na pag-impit niya. Para siyang sinampal o pinalo ng isang bagay.
BINABASA MO ANG
KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETED
Mystery / ThrillerAng akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang itago ang mga sikreto ko. DATE STARTED: FEBRUARY 10, 2021 DATE FINISHED : JULY 04, 2021 All the pho...