KEEP YOUR SECRETS AT 3AM
CHAPTER 19
SHEENA
Hindi ako kaagad nakagalaw nang hatakin ako kung saan ng taong ito. Ilang beses pa akong nagsisigaw at humingi ng tulong ngunit wala pa ring gustong tumulong sa akin. Hindi mahirap tumulong sa iba pero sadyang makasarili sila. Hindi na nga tama ang nakikita nila pero hinahayaan lang nila!
"Leave me alone! Please help me!" pinabigat ko ang katawan ko at pilit na lumalayo sa kanya habang siya naman ay parang wala lang sa kanya ang ginagawa sa akin. Nakapokus lang ito sa kung saan niya ako dadalhin.
Gusto ko man tanggalin ang maskara niya ay hindi ko magawa. Masyadong mahigpit ang kapit niya sa dalawa kong kamay. Nasubukan ko na rin siyang sipain pero wala pa ring epekto. Para siyang bato na walang nararamdaman.
"Saan mo ako dadalhin?" muli kong tanong sa kanya nang makita ang sasakyan niyang nakaparada. Muli niyang hinatak ang kamay ko dahilan para mapangiwi ako sa sobrang sakit.
"Sa lugar na 'yon. Tanda mo pa rin ba ang nangyari noon?" balik naman niyang tanong sa akin na mas lalong ikinagulat ko. Parang bigla akong binalot sa yelo dahil sa lamig ng katawan ko. Maging ang pawis ko ay malamig na rin dahil sa sobrang takot na nadarama ko.
"I don't know what you are talking about!"
"Kung hindi mo na matandaan, puwes ipapaalala ko." pagpapatuloy niya at agad na tinakpan ng panyo ang ilong ko hanggang sa unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko dahil sa kakaibang amoy.
"Hindi ba ang sabi ko ay hintayin mo muna ang sasabihin ko bago ka gumawa ng hakbang?!"
Bigla akong nagising matapos kong marinig ang isang pamilyar na boses.
"Hindi ka talaga nag-iisip!" pagpapatuloy pa nito kaya agad akong napamulagat at doon napansin kung nasaan ako. Madilim, tanging ang ilaw lang na galing sa liwanag ng buwan na lumalabas sa mga butas ng lumang bubong na ito and meron.
Isang bahay, hindi, isa palang bodega na sobrang luma na. Agad din naman akong napatingin sa kabuuan ng silid na ito at napansin na walang gamit. Tanging ang isang lumang pinto lang ang nandito at ang matigas kong higaan. Muli naman akong bumalik sa huwisyo matapos kong marinig muli ang mga boses na gumising sa akin. Mga boses na kanina ko pa naririnig na tila nag-aaway.
"Pwede bang manahimik ka na lang?!" muli na namang sabi ng isang boses. Hindi na ito katulad ng kanina. Ibang boses na ito. Ibig bang sabihin ay dalawa talaga ang taong nasa likod ng lahat ng mga nangyayaring ito?
Agad akong napatayo sa matigas na higaan ko at pumunta sa may pintuan at pinakinggan pa lalo ang pag-aaway nila. Kailangan kong malaman kung sino sila bago ako makaalis sa lugar na ito. Pero, paano nga ba ako makakaalis dito?
"Anong balak mo?"
"Katulad ng plano natin. Basta 'wag kang gagawa ng ikakapahamak niya."
"O, anong gagawin ko tutunganga lang?! Putang-ina naman ayoko ng gano'n. Walang saya!"
"Bayad 'yan sa ginawa mo ngayon"
"Tsk."
Ngayong tapos ko na silang pakinggan sa kanilang pag-uusap ay mas lalo akong nabigla at naguluhan. Why does he is protecting me from that devil? Sino ba siya at ano ang dahilan niya? Posible kayang kasama niya ngayon si Ethan?
"Puntahan mo na siya at aalis na ako." bigla akong naalarma dahil sa narinig ko. Anong gagawin ko?
Ilang minuto lang din ay parang naging tahimik. Umalis na ba siya? Yung lalaking dumukot sa akin papunta na ba siya? Hindi naman ako nabigo sa mga tanong ko dahil sa mga narinig kong yapak na sa tingin ko ay pumunta na sa kinaroroonan ko. Agad naman akong umalis sa may pinto at muling humiga sa matigas na higaan at nagpanggap na natutulog. Ito lang ang kaya kong gawin ngayon. Mamaya na ako gagawa ng hakbang pagkatapos kong makaalis dito.
BINABASA MO ANG
KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETED
Mystery / ThrillerAng akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang itago ang mga sikreto ko. DATE STARTED: FEBRUARY 10, 2021 DATE FINISHED : JULY 04, 2021 All the pho...