KEEP YOUR SECRETS AT 3AM
CHAPTER 8
SHEENA
"Hi, baby girl." napatingin ako sa lalaking nakatayo sa may gilid ko at nakatitig sa akin. Nakasuot siya ng hapit na kulay puting longsleeve at black pants na may katulad ng logo ng uniform na suot ko.
Siguro ay nag-aaral din siya rito.
"Baby?" muli niyang sabi habang nakatingin sa akin kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon.
I hate his seductive voice. I hate his annoying face. Kahit na may itsura siya ay ayoko sa presensya niya. Siguro nung nagpaulan ng hangin ay naisalo lahat niya.
Bakit kasi ngayon pa nag-absent ang bruhang 'yon para sana ay may katapat siya?
Muli ko siyang narinig na nagsalita pero hindi ko siya pinansin. I don't even know him kaya bakit ko siya papansinin? I don't want to assume lalo pa 'yon ang motto namin ni Kiara, even though it is obvious na ako ang kinakausap niya.
"I like that!" muli na naman niyang sabi sabay tawa kaya umusog ako ng kaunti dito sa maliit na espayong tinatayuan namin ngayon, sa waiting shed malapit sa aming paaralan. Hindi ba niya nararamdaman na ayoko sa kanya?
Muli ko naman naramdaman ang paglapit niya sa akin pero bigla din siyang napahinto nang marinig namin ang isang boses.
Thanks for saving me!
"Dane!" sigaw ng isang babae kaya napatingin ako sa kanya at nakita siyang naglalakad sa pwesto namin. Huli ka ngayon lalaki ka!
"You're not replying to my text and you're not even answering my calls!" pasigaw ng babae nang mapalapit sa amin. I don't want to look at them pero dahil sa agaw pansin na suot ng babaeng ito ay hindi ko magawa.
Bakit hindi niya pa nilabas pati kaluluwa niya?
Ganyan ba ang gusto ng lalaking ito? How cheap! Itong babae namang 'to, hindi ba niya alam ang salitang respeto? At itong lalaking ito, hindi ba niya alam ang salitang karma?
If you want to be respected, you should respect yourself first. Hindi ka talaga tra tratuhin na isang mahalagang bagay niyang lalaking kausap mo kung ganyan ang itsura mo. At ang lalaki naman ito, wala ba siyang kapatid na babae at ganito na lang ang ginagawa niya sa babaeng ito?
I just rolled my eyes because of that thought. Nakakainis!
"Who are you, I don't even know you!" dinig ko naman tugon ng lalaking ito kaya muli akong napatingin sa kanila. Wow! At dito pa talaga sila gumawa ng eksena! I can't believe it!
Muli na lang akong umusog para mabigyan sila ng spotlight. Ayokong isipin ng babaeng ito na may kinalaman ako sa lalaking kausap niya.
"You're kidding me, right? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo na ako pinapansin ngayon?!"
Ako ba ang sinabi niya? What the! kakasabi ko lang!
"Hoy, tumingin ka nga sa aking babae ka?" hindi ko siya pinansin pero dahil bigla niya akong hinawakan sa may braso ay napatingin ako sa kanya.
I can't take it anymore!
"Excuse me Miss, I don't know you, pati na rin yang kausap mo kaya tigilan mo ako kung ayaw mong tumawag ako ng pulis dahil nakakasira ka ng puri. Look, pinagtitinginan na tayo ng mga tao." paliwanag ko sa kanya habang ang lalaki naman na kausap niya ay napatawa na lang.
BINABASA MO ANG
KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETED
Mystery / ThrillerAng akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang itago ang mga sikreto ko. DATE STARTED: FEBRUARY 10, 2021 DATE FINISHED : JULY 04, 2021 All the pho...