KEEP YOUR SECRETS AT 3AM
CHAPTER 17
SHEENA
Ilang beses pa silang tumawa ng nakakaloko habang ako naman ay pinatay na sila sa isipan ko. I've been asking myself for how many times kung sino ang may hawak kay tita Hera and now seeing these men ay parang may kung ano sa akin na gustong kumawala. I want to punch their faces! I want to kick their asses! And, I want them to suffer using my own hands.
"Good girl." bulong niyang muli sa akin habang ako naman ay nakatayo lang sa may gilid niya at naikuyom na lang ang mga kamao. May araw din sila sa akin!
Hindi ako gumalaw. Hinihintay ko lang ang susunod na mangyayari hanggang sa itulak ako ng isa sa kanila para sumunod sa tinawag nilang Ace. Muntik na akong mapa subsob sa lupa Mabuti na lang ay kaagad kong nai-balance ang katawan ko.
Sumunod lang ako sa kanila. Dumaan kami sa ibang lagusan kung saan ay walang mga estudyante na dumadaan. Masyadong liblib, puno ng puno at may mga classroom na sira na. Ngayon ko lang nalaman na mayroon pa lang lugar palabas dito.
Muli kong naisip si tita. Ayokong may mangyaring masama sa kanya at alam kong gusto ko na siyang makita. I really miss her so much! Kaya gagawin ko ang lahat kahit na ikapahamak ko.
Hindi pa naman kami nakakalayo ay nakita namin ang isang bulto ng tao sa harapan namin. Nakatayo siya ng ilang layo sa amin at nakangisi rin.
"Ethan," sabay pakawala ko ng buntong hininga. Huwag lang siyang gagawa ng bagay para hindi ko makita si tita Hera ngayon.
"Mga brad, baka gusto niyong bitawan 'yang girlfriend ko?" napangiti ako ng mapakla sa sinabi niya. Siya naman ay lumakad papunta sa amin. Nang malapit na siya sa amin ay huminto siya at nagkasukatan sila ng titig ni Ace.
"Huwag kang makialam dito kung ayaw mong mamatay." pagbabanta ni Ace kay Ethan ngunit tumawa lang siya na para bang may narinig siyang nakakatawa.
"Nagpapatawa ba kayo? Kayo ang huwag makialam kung ayaw niyong mamatay. Balita ko nga nalagas na kayo ngayong araw." napatingin na lang ako sa braso ko ng mahigpit ang kapit ng dalawang kasama ni Ace sa akin. Mababali na yata ang buto ko sa paraan ng hawak nila.
Ilang sandali pa ay inilabas ni Ace ang hawak na baril at itinutok ito kay Ethan. Hindi naman nagpatinag si Ethan at nakangisi pa rin.
"Mukhang kilala mo ang pumatay sa barkada namin. Dapat lang siguro na mamatay ka muna bago namin dalhin ang babaeng 'to" May gigil sa bawat salita ni Ace. Ang dalawa naman na kasamahan niya ay nakangisi na rin at tumawa na parang baliw.
Akmang ikakasa na ni Ace ang gantilyo ng biglang may tumunog. Kaagad naman akong napatingin sa kaliwang kamay ni Ace na hawak na ngayon ang kanyang cellphone na nakatapat na sa kanyang tenga. Mayamaya pa ay binaba na niya ito.
"May araw ka rin sa amin. Tara na." yun lang ang sinabi ni Ace matapos makausap ang kung sino mang nasa kabilang linya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung sino ang kanyang nakausap at ganito na lang ang in-akto niya.
Ilang sandali lang naman ay naramdaman ko na lang ang pagbitaw sa aking braso ng dalawang kasama ni Ace at umalis, and for the nth time ay napa-tanong ako kung sino ba talaga ang lalaking kaharap ko at gano'n na lang niya napasunod ang mga lalaking 'yon.
May kinalaman talaga siya!
"Stop!" I shouted Ace. Hindi siya pwedeng makaalis sa akin. Sinabi niya kanina na nasa kanila si tita Hera.
I kept on calling Ace's name while I'm running. Lumiko sila at dumaan ngayon sa mga maraming estudyante. Napahinto lang ako ng may humawak sa wrist ko.
BINABASA MO ANG
KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETED
Mystery / ThrillerAng akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang itago ang mga sikreto ko. DATE STARTED: FEBRUARY 10, 2021 DATE FINISHED : JULY 04, 2021 All the pho...