CHAPTER 18

1K 58 1
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 18

SHEENA

I was only eighteen when I first met tita Hera. Hindi ko nga makakalimutan ang araw na 'yon dahil 'yon ang araw kung saan gusto ko nang tapusin ang buhay ko. That day, I just want to be vanished, I just want to forget whatever happened to me and to my family. I just want to be at peace. Wala na rin naman kasi ang lahat ng mahahalagang tao sa akin kaya bakit ko pa pag-aaksaya na mabuhay.

Sa eksaktong lugar kung saan nangyari ang lahat, doon ko siya nakita. Almost two years na kaming magkakilala. Siya na ang tumayong magulang ko and because of that pumayag ako sa lahat ng gusto niya.

Simula ng makilala ko siya naging tahimik ang buhay ko. Siya lagi ang tumutulong sa akin sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. She became my protector that is why I never had a problem with her, we never had a problem, before. Puro masasayang bagay ang pinapakita niya sa akin kaya naman sa abot ng makakaya ko ay ibabalik ko ang lahat ng mabuting ginagawa niya.

Sa halos dalawang taon ay naging open ako sa kanya. Lahat na yata ng nangyari sa akin ay alam niya including ng mga nangyayari tuwing madaling araw na parte ng nakaraan ko. Gano'n siguro talaga kapag naging sobrang tiwala ka na sa isang tao. Lahat na yata ng bagay na hindi naman dapat sabihin ay masasabi mo.

Pinagkatiwalaan ko siya ng sobra dahil alam kong maging ako ay wala ng tiwala sa sarili, noon. Hindi ko kayang pagkatiwalaan ang sarili ko dahil sa lahat ng bagay na sinasabi ng tao sa akin kahit na alam kong wala naman akong kinalaman.

Never akong nagsinungaling sa kanya- ngayon na lang siguro- dahil alam kong siya lang ang kasangga ko sa lahat at alam kong kahit kailan ay hindi siya magsisinungaling din. Hindi ko nga alam ang dapat maramdaman ngayon lalo pa hindi naman siya nagsinungaling, oo nga pala ibang tita Hera ang kaharap ko ngayon.

"Sheena, let's just stay here and be with Ethan before we leave this country."

If this is really tita Hera, she will never talk about leaving us this country. She knew that I hate it. Dati ko nang nasabi sa kanya na pumunta na kami sa pinakadulong na parte ng bansa ay okay lang sa akin huwag lang kaming umalis at mangibang bansa. I really hate it, simply because I had a terrible experience living in a different country. An experience that will always remain in my past. Ngayon, hindi ko alam kung sino itong kaharap ko.

Hindi naman ako tanga na pwedeng tama ang iniisip ko. I know, because of technology, anyone can copy the face that they want to, just like what this woman did. She copied the face of my tita Hera!

Napatigil lang kaming dalawa sa pag-uusap ng mapatingin kami sa nagbukas ng pinto. Nakita namin doon si Ethan at bakas sa mukha ang sobrang saya. Ito ang ekspresyon na madalas niyang pinapakita lalo na kapag may kasama kaming ibang tao kagaya ngayon.

"Kain muna tayo." sabi niya sa amin sabay ngiti. Para siyang endorser ng toothpaste sa paraan ng ngiti niya. Napangiti rin ako ng mapakla at napaisip kung sino ba talaga siya at ganito na lang niya ako paikutin.

"Thank you, Ethan, bababa na kami." tugon naman ni tita, I mean, the copycat, at napatingin sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at minasahe ito pagkatapos niyang sabihin na kakain na kami. I'm expecting na sasabihin niya ang madalas niyang paalala sa akin na, "Sheena, everything is going to be fine." pero natawa ako sa loob ko ng wala siyang sinabi. Hindi nga pala siya ang tita Hera ko.

Naging tahimik lang ako sa hapag kainan habang silang dalawa naman ni Ethan ay hindi matapos-tapos sa kwentuhan. Ngayon ko lang nakita ang side ni Ethan na ganito, sobra ang saya niya at umaapaw talaga.

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon