KEEP YOUR SECRETS AT 3AM
CHAPTER 6
SHEENA
We run as fast as we can in order to see who's inside our house. We knew there was someone inside and he might be the same person I saw a while ago.
Habang papalapit kami ay mas lalong lumalakas ang pagkabog ng puso ko. I don't know if it is because of the adrenaline rush or maybe because I know that there is something wrong that might gonna happen.
Muli namin narinig ang mga kalabog and this time ay sigurado na kaming nagmula ito sa bahay. Ang layo kasi ng pagitan ng bawat bahay dito kaya sigurado na kami.
"Stay close, Sheena." bulong sa akin ni tita na ngayon ay nasa harapan ko. She's back again being my protector. Tumingin ako sa kanya at muling inisip ang sasabihin sa kanya pagkatapos nito.
What alibi will I tell her this time?
It took me a minute before I responded to her and while we're walking towards the gate of our house, I felt the beating of my heart so fast. Parang gusto nitong tumalon at umalis sa pwesto.
"Tita?" sabi ko rito at napahawak sa kanyang balikat. I can also feel that she's not ready to what's happening right now. Sino ba naman kasing magiging ready lalo na at medyo late na rin ng gabi at posibleng may masamang tao ang nasa loob sa'min ngayon?
"Maybe you need to stay here." muli na naman sabi ni tita. Ilang beses ko rin sinabi na sasamahan ko siya sa loob pero sa huli ay siya pa rin ang nagtagumpay. Lagi naman siyang ganito, she's always my protector ever since we saw each other that day.
"Please be safe." at hindi pa rin inaalis ang kamay sa braso niya. I don't want to see her in pain. I don't want her to be in danger. Ikamamatay ko kung mangyari 'yon sa kanya.
"Sheena," then she looks at me. From this point I know what she wants. Gusto ko man muling magprotesta at mag-isip ng ibang paraan ay hindi na siya pumayag pa.
Hindi naman kami makatawag sa mga pulis o sa mga kapitbahay namin dahil nasa loob ang aming mga telepono. Isa pa, ayokong ma-involve ang mga tao dito kung ano man ang meron sa pamilya namin.
Time runs so fast, hanggang sa nakarinig na lang ako ng mga kalabog sa loob ng bahay. Mas lalo akong hindi mapakali dahil sa samu't saring bagay na pumapasok sa isipan ko.
What happened to her? Tutunganga na lang ba ako rito at hihintayin siyang lumabas? Paano kung may masama ng nangyayari sa kanya?
Ayokong suwayin si tita sa napag-usapan namin pero iba na kasi ang nararamdaman ko. Kung hindi ako gagawa ng bagay ay baka may mangyari sa kanya at pagsisihan ko.
It took me a lot of courage before I enter our house and when I got inside, I saw tita Hera looking at something. Napatingin din ako roon bagay na dapat ay hindi ko na dapat ginawa.
It was my picture in a frame. Broken with a lot of blood on it.
-----
"Bruh, lutang ka na naman!" It's been 2 days noong nangyari ang incident sa bahay naming pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang ginawa ng taong 'yon. Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano siya nakapasok sa bahay namin. Isa pa, anong ibig sabihin ng pagbasag niya sa larawan ko at mag-iwan pa ng maraming dugo?
Ngayon na nakapasok siya sa bahay namin, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng takot na bigla na lang siyang magpapakita at kung may anong gawin sa akin.
Ayokong isipin pero posibleng ako na ang isusunod niya.
BINABASA MO ANG
KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETED
Mystery / ThrillerAng akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang itago ang mga sikreto ko. DATE STARTED: FEBRUARY 10, 2021 DATE FINISHED : JULY 04, 2021 All the pho...