KEEP YOUR SECRETS AT 3AM
CHAPTER 10
SHEENA
"Sino ka? Saan mo ako dadalhin?" I kept on asking him while he is busy driving this taxi. Napatingin ako sa rear-view mirror ng sasakyan para tingnan siya. Though kinakabahan ako, hindi ko nararamdaman ang panganib sa kanya. Maybe because he looks like a college student na kagaya ko.
But looks may be deceiving, sabi naman ng utak ko which is true. Marami sa tao ngayon ay akala natin na mala-anghel pero ang totoo ay hindi. Kabaliktaran pala ng alam o inaakala natin.
"Woah! Isa-isa lang, don't worry gusto lang kitang makausap." sabay tingin din niya sa rear-view mirror ng sasakyan. Nagkatinginan kami at ngayon ko lang napansin na parang nakita ko na siya. Hindi ko lang alam kung saan.
"Why do you need to talk to me? Sino ka ba?" muli kong tanong sa kanya at sinubukang buksan ang pinto ng sasakyan. I just can't help trusting him that easily.
"I'm James,"
James? Saan ko na nga ba narinig ang pangalan niya?
"Friend of Ethan."
"Ethan?!" napataas ang boses ko sa sinabi niya. Nawala sa isip ko ang alamin pa kung saan ko narinig ang pangalan niya. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung bakit niya kilala ang lalaking 'yon. Does it mean na alaga nga siya ng lalaking 'yon? Kung gano'n ay dapat pala akong lumayo sa kanya.
Muli kong sinubukang mag-isip ng gagawin para makaalis sa kanya habang siya naman ay pinagbawalan lang ako. Wala raw akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Wala naman daw siyang gagawing masama sa akin. Kailangan lang daw talaga niya akong makausap tungkol kay Ethan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakinig lang ako sa kanya. Para akong nahi hipnotismo sa mga sinasabi niya. Ang kanina kong nararamdaman na kaba ay nawala na lang bigla. Sa paraan ng pagsasalita niya ay ramdam kong gusto niya akong maging komportable bagay na nagawa naman niya.
"Wala ka bang balak magsalita? Kanina ka pa tahimik diyan, kung hindi lang ako masyadong GGSS ay iisipin ko talaga na love at first sight ka sa akin." hindi na naman ako umimik. Kung alam niya lang na sobrang GGSS talaga niya lalo sa mga pinagsasabi niya.
"You're a friend of Ethan, therefore you know where he is."
"Oo! At kailangan kitang dalhin sa kanya para magkausap kayo. May kailangan daw siyang sabihin sa'yong importanteng bagay." like what? Kung hindi lang panaginip ang nangyari kay Dane ay iisipin ko talaga na si Ethan ang may gawa no'n but it is still possible especially biglaan na lang naexpel si Dane.
"Why do I need to trust you, especially your friend?" I ask him again. This time, hindi ako umalis sa pagtitig sa kanya. Gusto kong makita ang reaksiyon niya.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala basta dapat maidala kita sa kanya." balik naman niyang sagot at napatingin muli sa daan. Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang siyang napasigaw.
What happened?
"Putek naman oh! Sabi ko na nga ba, may sumusunod sa atin!" sabay tingin niya sa side-mirror ng sasakyan. Napatingin na rin ako sa aking likuran at nakita ang ilang sasakyan na nakasunod sa amin.
"What?! Are you sure?! Paano mo nalaman na may sumusunod sa atin?!" sabay hawak ko sa bukasan ng sasakyan. Mas lalo pa akong napakamit ng bilisan ni James ang pagpapatakbo.
"Kanina ko pa sila napansin! Kung wala lang sigurong ibang sasakyan dito ay baka kung ano na ang ginawa nila sa atin!" ayoko ko sanang maniwala sa kanya pero nang muli akong napatingin sa likod ay nakita ko ang isang lalaki na nakabonnet ng itim na naglabas ng baril sa itim na sasakyan kasabay no'n ang isang malakas na putok ng baril na nagbigay takot sa aming lahat ngayon.
BINABASA MO ANG
KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETED
Mystery / ThrillerAng akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang itago ang mga sikreto ko. DATE STARTED: FEBRUARY 10, 2021 DATE FINISHED : JULY 04, 2021 All the pho...