CHAPTER 11

1.5K 89 21
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 11

SHEENA

Isang malakas na kabog ang nagpagising sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggaling ito pero alam kong malapit lang sa kung nasaan ako ngayon. Dahan-dahan akong tumayo sa higaan ko at tiningnan ang buong paligid.

May isang malaking orasan na nakasabit sa kaliwang bahagi pati na rin ang malaking salamin sa gilid. Maging ang kulay ng mga pader, kisame, at tiles. Lahat ay kakulay ng silid ko. Akmang tatayo na sana ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Sheena?" tawag niya sa akin. Ako naman ay nakatingin sa pintuan kung saan nanggaling ang boses niya. Kinilabutan ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

Alam ko ay matagal na siyang patay kaya imposible na nandito siya ngayon sa tapat ng pinto ng silid ko.

Muli niya akong tinawag habang ako naman ay nakatitig lang sa may pintuan. Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayon. Maya-maya pa ay dahan-dahan bumukas ang pinto at pumasok siya.

"You're not real." bulong ko sa hangin. Hindi man kalakasan ang pagkakasabi ko ay alam kong narinig niya. Ilang sandali pa ay nagbago na lang ang ekspresyon ng kanyang mukha. Binuka niya ang kanyang bibig at lumabas ang malapot na dugo.

Napaatras ako sa hinihigaan ko kasabay ng paglukso ng puso ko. Mas masahol pa ang mukha niya sa isang multo na nakikita ko sa palabas. Ang kaninang maamo niyang mukha ay napalitan ng maraming sugat kung saan lumalabas ang mga insekto, uod at dugo na nagkulay ng itim.

"Kumusta ka na?" sabi niya sa akin habang hindi pa rin naalis ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa kaba. Parang may kung anong nakakatakot na bagay sa mga sinabi niya.

Panganib.

"Sheena?" muli ko na naman narinig ang isa pang boses at napatingin sa kabilang gilid ng hinihigaan ko at nakita na naman ang isang pamilyar na mukha. Duguan din siya at kagaya niya ay hindi na rin mamukhaan dahil sa dami ng sugat sa mukha.

But I knew them, I knew them for pete's sake!

"Sheena?" isang boses na naman ang tumawag sa akin na ngayon ay nasa harapan ko naman. Nadagdagan pa ng ilang boses mula sa tatlo naging apat, lima, anim hanggang sa hindi ko na mabilang ang mga boses na nandito sa silid ko at pilit akong tinatawag.

"Leave me alone!" napasigaw na lang ako at kaagad kong tinakpan ang aking mga tenga. I don't want to hear them. I don't want to see them. I don't want to remember them.

"Please, leave me alone!" tumutulo na rin ang aking mga luha dahil sa ayaw pa rin nilang umalis hanggang sa maramdaman ko na lang na hawak na nila ang kamay at braso ko't pilit nila akong pinapatingin sa kanila. Muli silang nagsalita. Sabay-sabay sila na nandito ngayon sa harapan ko.

"Bakit mo nagawa sa amin ito, Sheena? Bakit?" para silang echo na paulit-ulit na bumubulong sa akin. Naramdaman ko na lang din ang malapot na bagay sa braso't binti ko. Bakit ba ayaw nila akong tantanan?!

Nagpatuloy pa sila kaya sinabunutan ko na lang ang aking sarili at sumigaw ng napakalakas. Ayoko na! Gusto ko na lang umalis dito!

"Leave me alone!"

Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagdilim ng buong paligid. Para akong napunta sa ibang lugar, lugar na pamilyar sa akin. Doon ko muling nakita ang mga taong nakita ko kanina lang na wala ng buhay. Ang ilan sa kanila ay walang kamay, paa, at ulo.

Lahat sila ay nasa iisang lugar lang.

"Hindi!" sabay iling ko dahil sa mga nakikita ko. "I'm sorry, I'm sorry." napahagulgol na lang ako dahil sa eksenang pilit ko nang kinalimutan. Napaupo na lang din ako sa malamig na damuhan kasabay ng paulit-ulit kong paghingi ng tawad.

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon