CHAPTER 13

1.3K 80 6
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 13

SHEENA

"Wala ka ba talagang balak na ibaba 'yan?" hindi ko pa rin inalis ang hawak kong patalim. Laman pa rin kasi ng isip ko ang sinabi niya tungkol kay James. Isa pa ay ang posibleng madamay sa nangyayari ngayon, si Kiara.

Kahit na alam kong may importante akong kailangan gawin ngayon ay hindi ko magawa dahil wala akong tiwala sa kanya. Paano nga ba ako magtitiwala sa lalaking katulad niya na napaka misteryoso?

Bigla na lang siyang lulubog at lilitaw kung saan.

"Umalis ka na hanggang meron pa akong natitirang pagtitimpi." iyon na lamang ang naging tugon ko at hindi rin inalis ang pagtitig sa kanya. Ngayong nakatingin ako sa kanyang mapungay na mata ay may kung ano sa akin na hindi ko maipaliwanag.

"Sa ayaw at sa gusto mo aalis ka kasama ko!" pagdidiin niyang sabi at napahakbang papunta sa akin. Ako naman ay umatras. Huwag lang talaga siyang gagawa ng bagay na ikakapahamak niya dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na ibaon itong patalim sa katawan niya.

"Do not come near me or else ibabaon ko talaga itong hawak ko sa katawan mo!" pagbanta ko sa kanya.

"Sheena, wala na tayong oras kaya sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa akin!" tugon naman niya at muling lumapit sa akin kaya kaagad kong pitama ang patalim sa kanya. Sakto naman na tinamaan siya sa kanyang braso.

"I said do not come near me!" sigaw kong muli sa kanya at napatingin sa braso niyang dumudugo. Siya naman ay napahawak sa kanyang braso at muli na namang humakbang papalit sa akin. Talagang sinusubukan niya ako.

"Bakit ba ayaw mong sumasa akin?! Ikaw na nga itong tinutulungan ko ikaw pa itong galit!"

"Because I don't trust you!" wala talaga akong tiwala sa kanya. Gusto ko man pero kapag naiisip ko ang mga nangyari sa mga nagdaang araw ay hindi ko talaga magawang pagkatiwalaan siya. Right now, I will only trust my instinct.

"Hindi kita pwedeng iwan na mag-isa kahit na kailangan din ako ni James ngayon. Isa pa, bilin ka sa akin ni Hera!"

"Then, just leave me alone because I don't need your help. Get out!" sigaw ko sa kanya. Ayoko sa lahat ng sinusumbatan.

"No, I will not leave you, never. You're in danger at mas lalo akong papatayin ng konsensya ko kung pati ikaw ay may mangyaring masama!"

Muli na naman siyang lumapit sakin dahilan para gamitin ang patalim na hawak ko. Napatigil naman siya ng mapansin niyang wala na akong lugar para layuan siya. Nagtitigan pa kami ng ilang segundo. Ang akala ko ay lalapit pa siya sa akin pero iba ang ginawa niya.

"Sige, kung ayaw mong sumama hindi na kita pipilitin." nagtitigan pa kami ng ilang minuto at sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman kong muli ang bagay na naramdaman ko sa taong may kinalaman sa nakaraan ko na may pagkakahalintulad sa kanya.

"Aalis na ako, mag-ingat ka palagi." sabi pa niya at napatingin na lang ako sa ibang gawin dahil may kung ano sa akin ang gustong lumabas. Gusto kong tumugon sa kanya at sabihin na mag-ingat din siya pero hindi ko alam kung para saan.

Napabuntong hininga na lang ako ng malakas matapos kong makita na umalis na ang sasakyan niya. That was so close!

Nang tuluyan nang makaalis si Ethan ay nanatili pa ako ng ilang minuto sa pwesto ko at inalala ang mga sinabi niya. Patay na nga si James. Mas lalo akong nakaramdam ng galit sa sarili ko dahil kung totoo ang sinabi ni Ethan, wala nang ibang dapat sisihin sa pagkawala ng kaibigan niya kundi ako. Ako ang lahat ng may kasalanan. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko kanina.

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon