CHAPTER 5

2.8K 136 25
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 5

SHEENA

"Is there something wrong?" napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin kay tita Hera. Hindi man niya sabihin sa akin pero alam kong nag-aalala siya. Bakas ito sa mga mata niya na sinasabing nandito lang siya sa tabi ko at magiging ayos din ang lahat.

If I just can remove what she feels towards me ay gagawin ko but then again, I can't. Alam kong iniisip niya ako at apektado na rin siya sa mga nangyayari pero hindi ko pa rin pwedeng sabihin sa kanya ang mga alam ko at nagpapabagabag sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang mga sagot sa tanong ko.

Umiling na lang ako at ngumiti ng bahagya.

I did not expect that things will become more complicated. Una ang pagkawala ni Dane na alam kong buhay pa pagkatapos ang pagkawala ni Mang Julio na nakita raw ni Ashley na buhay rin at kasama ni Kiara.

There are missing bodies na hindi mahanap-hanap dahil posibleng buhay pa.

Nanatili ang pagtitig sa akin ni tita. Alam kong gusto niyang malaman ang lahat, gaya ko.

"Tita, I'm okay. Wala lang po akong ganang kumain." sagot ko na lang at pagkatapos ay binalik ang atensyon sa pagkain na kanina ko pa hindi maubos-ubos. Hindi ko na nga mamukhaan ang kinakain ko dahil sa kalagayan nito.

"Sheena, I know that there is something wrong. Just tell me para matulungan kita." muli naman akong nakatingin kay tita. Gusto ko man sabihin sa kanya na meron ngang problema ay hindi ko magawa.

Natatakot ako. Natatakot ako at ayokong mauwi lang sa wala ang pagbabagong ginawa ko dahil lang sa mga bagay na iniisip ko na walang kasiguraduhan.

"I'm sorry tita. Maybe pagod lang ako sa byahe." tugon ko na lang. Partly ay totoo naman ang sinabi ko sa kanya lalo na at malayo ang bahay nina Kiara.

After kasi namin mag-usap ni Kiara kanina ay nagpaalam akong pumunta sa kanila. Nakakapagtaka nga na hindi na siya nagtanong kung bakit at mabilis na lang sinabi na pwede na akong pumunta sa kanila.

Natatandaan ko pa kung ano ang mga napag-usapan namin.

"Bruh, Mang Julio's body is missing."

"Paano nangyari 'yon?"

"We really don't know. They just informed us, the police."

"That's impossible bruh unless may kumuha sa katawan niya na kasama ng mga pulis."

"That is also what we're thinking. Bruh, diba patay na talaga si Mang Julio?"

"Why are you asking me that question?"

"Because I am just thinking na paano kung buhay pa pala si Mang Julio at kasama na niya ang pamilya niya?"

"What are you talking about Kiara?"

"Bruh, Mang Julio's family is also missing."

Lalo tuloy akong napaisip sa mga sinabi ni Kiara maging ni Ashley kanina. Ayokong isipin na meron sa kanila ang hindi nagsasabi ng totoo lalo na malapit si Kiara sa'kin at si Ashley 'yon. Hindi pa nagsinungaling si Kiara sa akin at kilalang maasahan at mapagkakatiwalaan naman si Ashley dahil sa reputasyon na meron siya sa university namin. Wala talaga akong makitang dahilan para magsinungaling sila.

Isa lang ang sigurado ako sa ngayon, kailangan kong malaman kaagad kung nasaan si Mang Julio at si Dane dahil kung makikita ko sila ay malaki ang posibilidad na masagot lahat ng mga tanong ko.

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon