CHAPTER 3

4.1K 186 81
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 3

SHEENA

"Mang Julio," naisatinig ko na lang ng makita ang kalunos-lunos niyang kalagayan. Nakaupo siya sa damuhan habang nakaangat ang kanang kamay na animo ay hinaharang ang sarili sa ano mang bagay ang tatama sa kanya. Kapansin-pansin din ang damit niyang kahit kulay berde ay makikita pa rin ang bahid ng dugo. May iilang butas o hiwa sa damit niya. May dugo rin na lumalabas sa bibig niya.

He looks so helpless. He looks like he takes a bath in a tub of blood.

"Wag! Parang awa mo na... Wag mo kong patayin!" I was caught off guard because of what he said. Ano bang sinasabi niya? Sa akin ba siya nakatingin? Bakit ko naman siya papatayin?

Ang daming tanong ang tumatakbo ngayon sa isipan ko. I don't know what's happening. I don't why we are here, and I don't know what he is saying.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko gayong panaginip lang ito. Bakit parang totoo ang lahat?

"Mang Julio," for the second time, I called his name. Dahan-dahan din ang paglapit ko sa kanya. Kahit na hindi dapat ay kusang gumagalaw ang mga paa ko. Muli naman tumama ang isang malakas na kidlat kasabay no'n ang walang humpay niyang pagmamakaawa sa akin.

Ilang sandali pa ay bumuhos na ang napakalakas na ulan. Napaangat ang mukha ko sa kalangitan at napapikit. Isang alaala ang lumitaw sa isip ko. Ganitong-ganito 'yon kung paano nagbago ang lahat, ang buhay ko.

"Sheena! Bakit?"

"No, nagkakamali kayo. Hindi ako! Hindi ako ang may gawa no'n!"

"Sheena, malinaw ang ebidensya laban sa'yo. It's too late. It's done."

"Parang awa mo na. Huwag mo akong patayin alang-alang sa pamilya ko." Bumalik lang ako sa sarili ng marinig muli ang boses ni mang Julio. Napatingin ako sa kanya. Nanginginig man ako sa lamig ay mas nangingibabaw pa rin ang determinasyon ko na mapalapit sa kanya at makaalis sa lugar na ito.

"Huwag! Huwag kang lumapit!" patuloy lang siya sa pagsigaw. Kasabay ng paggapang niya papalayo sa akin. Sa ikalawang pagkakataon ay muli akong napatigil sa sinabi niya. Lahat yata ng takot na nararamdaman ko ay biglang nawala. Hindi ko siya papatayin.

If I did that "thing' before, I promised to myself that I will never do that again, never.

I don't know how many minutes we stared at each other. Base sa nakikita ko ay ibang -iba na siya sa mang Julio na lagi kong nakikita. He is a different person right know. Wala sa mukha niya ang kakaibang ekspresyon na lagi niyang pinapakita sa akin.

Hindi ba dapat ay masaya ako ngayon?

Muli akong napailing sa mga iniisip ko kasabay ng biglang pagkawala ni mang Julio sa pwesto niya. May mga narinig na lang ako na yapak ng mga paa na sigurado akong galing sa kanya. Naging tulong din sa akin ang ulan dahil rinig ko ng malinaw kung saan siya papunta dahil sa mga tunog ng pinaghalong paa at basang lupa.

"Sandali!" sigaw ko dito at tumakbo habang patuloy na iniisip ang mga nangyayari. Bakit ako nandito? Bakit nandito si Mang Julio? Bakit sinabi niyang papatayin ko siya? Ang gulo! Naguguluhan ako!

Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Ilang beses pa akong muntikan madapa dahil sa sobrang lambot ng lupa.

Mas lalo ko pang binilisan. Hindi ko alam kung bakit ko nga ba ginagawa ito. Ang alam ko lang ay kailangan ko siyang makausap. Hindi man maganda ang nararamdaman ko sa presensya niya lagi ay kailangan ko siyang tulungan.

That's a promise I sealed to myself. Kasama 'yon sa pagbabagong ginawa ko.

"Wag!" muli ko na naman narinig ang sigaw niya. Hindi ko na namalayan na kahit takot ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo papunta sa kanya. Hindi ko na alintana kung gaano kadelikado at kung ano ang kahihinatnan kung makalapit sa kanya.

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo at sa hindi sinasadya ay napatid ang paa ko sa isang nakausling ugat ng puno. Napapikit na lang ako nang tumama ang katawan ko lalo na ang noo ko sa lupa. Napahawak ako sa aking ulo dahil parang umiikot ang mga paningin ko.

Ilang sandali pa ay isang malakas na kulog at matalim na kidlat tumama ilang metro mula sa harapan ko. Isang kidlat na naging dahilan din para mas lalo kong makita ng malinaw kung nasaan ako. Ilang sandali pa ay tuluyan na ngang nanghina ang buo kong katawan kasabay ng pagdilim ng mga paningin ko.

-----

"Sheena! Sheena!" bigla akong napatayo sa hinihigaan ko matapos kong marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Nasa langit na ba ako o ito na ang impyerno?

Ayokong buksan ang mga mata ko dahil sa tunog na 'yon ngunit dahil sa pamilyar ang boses na narinig ko ay napagdesiyunan kong imulat ang mga mata ko.

"Sheena, you're having a nightmare again." it was not a question. It was a sentence telling how many times I am having a bad dream. A nightmare.

"tita?" sabay tingin ko sa kanya. Tinignan ko rin ang buong paligid at nakita ngang nasa kwarto na ako. Napatingin din ako sa study table ko at nakita ang nakapatong kong cellphone.

Panaginip lang ba talaga ang nangyari?

"Alam mo bang kanina ka pa sumisigaw?" dagdag pa ni tita. Nasa silid na nga ako pero paano nangyari 'yon? Alam ko kanina lang nasa gubat ako. May sumisigaw, may isang pamilyar na tao at ang lugar na 'yon. Hindi! Hindi maaari iyon!

"Tita, anong oras na po?" pag iiba ko ng usapan.

"It's already eight in the morning, Sheena, are you really, okay?" muling tanong ni tita Hera pero hindi ako nakasagot kaagad sa kanya. Parang may bumara sa lalamunan ko dahil ang totoo ay maging ako hindi ko alam kung ayos pa ba ako.

"Yes tita. It's nothing, maybe because I felt tired yesterday."

"Is that so? Mukhang ilang beses ng nangyari 'yan."

"Yes tita. Don't worry, I'm okay." pagsisinungaling ko sa kanya.

"Okay then maghanda ka ng sarili mo at bumaba na para mag almusal."

"Yes, po tita."

Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko. Muli akong napahiga at napatingin sa putting kisame. Ano bang nangyari sa akin?

Ilang minuto pa ako sa pwesto ko ng mapansin ko ang suot kong damit. Kasing bilis ng kidlat akong tumayo sa hinihigaan ko at tumapat sa salamin. Napatakip na lang ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa repleksyon ko, sa suot kong damit.

Paano nangyari 'yon? Sigurado ako na hindi ito ang sinuot kong damit bago matulog!

"Tita?"

"Sheena?"

Sabay pa naming narinig ang aming mga boses. Agad naman akong bumaba para puntahan siya. Bakit ganito? Iba ang nararamdaman ko.

"Sheena! Come here. Faster!" muling sigaw ni tita sakin na agad ko namang pinuntahan.

Pagbaba ko ay nadatnan ko si tita na mukhang nabigla at natakot sa nasasaksihan sa palabas. Ano ba kasi ang pinapanood niya?

"Sheena, you know him, don't you?" bigla akong nakaramdam ng kaba at takot sa narinig ko lalo na nang mapatingin sa malaking screen ng tv namin.

This is not real.

"He is Kiara's driver, Am I right?"

Mas lalo akong nabigla sa narinig ko kay tita. Ramdam ko tuloy ang kakaibang lamig na bumalot sa buong katawan ko.

I was about to respond her nang magsalita ulit siya bagay na nagpatayo ng mga balahibo sa katawan ko.

"He's dead."

Hindi maari ito! Hindi! Akala ko panaginip lang ang lahat. Paano nangyari 'yon? Paano?

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon