"Oh, my gosh! Are you blind?" Bulalas ni Zein.
Inuna niya munang ayusin mula sa pagkakatabingi ang malaking pink ribbon sa kanyang buhok bago pagtuunan ng pansin ang taong bumunggo sa kanya. At nang makita niya kung sino iyon ay kusang tumaas ang isa niyang kilay. It was Lauren her ultimate enemy.
The Zein life may be the finest. Ngunit may isang gaya ni Lauren na laging sinisira ang araw niya. Last year lang ito nag transfer sa kanilang school subalit mabilis itong nakagawa ng pangalan at nakilala. Bukod sa maganda ay napakatalino nito. Nang dumating ito ay nagkaroon siya ng kakumpetensya sa halos lahat ng bagay. Kung noon ay nag-iisa siyang top one sa kanilang klase, ngayon ay dalawa na sila. At dahil Alfonso ang apelyido nito at Zoleta ang sa kanya ay ito ang nauuna sa listahan kahit pa pareho lang sila ng average. It was hellish. Lalo pa't lagi nito iyong ipinamumukha sa kanya.
At sa totoo lang ay ito naman ang nag-umpisa ng kanilang away. Kahit pa noon pa mang una niya itong makita ay naiirita na siya rito, pinili niya pa ring magpaka-good girl. She set aside her attitude.
Subalit nang kumandidata rin ito sa pagiging campus queen at sa halip ay siya muli ang kinoronahan, may nagpakalat ng balitang dinaya ang resulta ng contest. Sa unang pagkakataon ay kinuwestyon ang kanyang pagkakapanalo. She did not like that feeling. Lalo pa't hindi totoong nandaya siya. At nang malaman niyang si Lauren mismo ang nagpakalat ng balitang iyon ay kinagalitan niya ito.
In the first place, hindi niya ito ka-level para siraan siya nito nang ganoon. She's nothing but a trying hard social climber.
"I'm not blind, Zein, tatanga-tanga kalang kasi."
Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang hilain ang buhok nito. Ganoon ito, pinagsasalitaan siya kapag silang dalawa lang. Pero siya, ipinapakita niya sa lahat kung gaano siya kagalit dito. She would say mean things about her simply because it was all true. Tuloy ay nagmumukha siyang masama at ito ang kawawa. Pero wala siyang pakialam dahil hindi alam ng lahat ang tunay na kulay ni Lauren. She was so sly. And even much more disgusting than the ampalaya shake that her Mom had always forced her to take.
"Funny how you call me stupid when I've got A plus on all of our exams while you've got all but B, as in average. At ngayong taon, I am telling you na ako na ulit ang magta-top sa klase, regardless of surnames arranged alphabetically."
"First grading pa lang. See how you'll bite the dust in the end," kampante nitong pahayag.
Ngumiti pa ito na animo ay walang tensyon na namamagitan sa kanila. Sa malayo ay para nga silang kaswal na nag-uuap. Subalit sa katotohanan ay masyado nang kumukulo ang kanyang dugo rito.
But she had to maintain her poise. She was raised by a queen. Hinding-hindi siya magpapatalo rito.
"You will bite the dust, Lauren." Nagpaskil siya ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi. "And anyway, my Mom will throw a party this weekend."
"So?"
"All of our classmates are invited. Except you."
"Do you think may pakialam ako?"
"Come on, alam ng lahat kung gaano ka-big deal ang Zoleta gatherings. If you're not invited, you're not in. And you will never be, Lauren. Ever."
Hindi ito nakapagsalita. For her, it was victory. Exclusive ang kanilang school para sa mga kilalang pamilya. It was a society of rich kids, those who belong to the cream of the crop. At hindi kabilang doon si Lauren, ni hindi kilala ang pamilya nito. She was just one of those strives who want to be in the scene of elites.
Ngunit kahit kailan ay hinding-hindi makakabilang ang gaya nito sa kanilang mundo.
"Then, I will personally invite her."
Sabay silang napalingon ni Lauren sa nagsalita.
Echizen! She rolled her eyes.
Kapantay ito ni Lauren sa hate list niya. Parehong top one. Bata palang ay hindi na sila magkasundo nito, to think na sabay silang lumaki dahil sa iisang subdivison lang sila nakatira at higit sa lahat ay bestfriends ang mommy niya at ang Mommy Maica nito. Subalit sa tuwing magkikita sila ay lagi silang nag-aaway.
Sa kung anong dahilan ay sadyang kinaiinisan niya ito at ganoon din ito sa kanya. Noong bata pa sila ay ito ang nagsusumbong sa Mommy niya sa tuwing tumatakas siya sa kanyang afternoon nap. Siya naman ang unang nag susumbong kay Mommy Maica sa tuwing may ginagawa itong kalokohan.
Minsan niya nang naitanong kung bakit hindi na lang ito maging kasing bait ng Mommy nito. Gustong gusto niya si Mommy Maica dahil bukod sa napakabait nito sa kanya ay lagi pa siya nitong ipinagbebake ng paborito niyang tart. Pati ang Daddy Richard nito ay mabait sa kanya.
Sa kabilang banda ay gustong-gusto rin ng Mommy at Daddy niya si Echizen. Bilib na bilib ang mga ito sa lalaki, palibhasa ay pakitang gilas ito. Kahit sa kanilang campus ay undisputed ang reputasyon nito. He's the student council's president and undoubtedly, his batch's valedictorian. Kaya nga punong puno ito ng ere.
His Dad would often say, "If I were to have a son, I'd want him to be exactly like Echizen."
It was as if he's the only one who can do what he's doing.
Talagang naiinis siya rito. Kung alam lang ng parents nila kung paano sila mag away sa likod ng mga ito. Hanggang sa tumuntong sila sa high school ay hindi nawala ang inis nila sa isa't isa. Bagkus ay lalo pa iyong nadadagdagan dahil kay Lauren.
Hindi lingid sa kanya na gusto nito ang babae kahit pa noong una. Isa ito sa mga nalilinlang ni Lauren at napapabilib. Kaya't palagi itong nandoon para ipagtanggol ang babae at awayin siya. Kay hilig talaga nitong umeksena at magpasikat.
"You shouldn't be here," saad niya dito.
Higher ito sa kanila ng isang taon kaya wala itong dahilan upang mapadpad sa building ng mga third year.
Hindi nito pinapansin ang sinabi niya. "What are you doing, Zein? Bakit ba lagi mo na lang pinagdidiskitahan si Lauren?"
"I hate her," simpleng tugon niya. "At ikaw din. And you can't invite her to the party."
"It's just a simple favor that I have to ask to Daddy Carl and Mommy Ella," tukoy nito sa parents niya. Kampante ito dahil alam ng lalaki na madali itong mapagbibigyan.
That fact annoyed the hell out of her.
"Echizen, wag na. Okay lang naman eh," parang santa naman na sabi ni Lauren.
There she goes, ipinapakita na naman nitong ito ang kawawa.
"She's right, Echizen, wag na. She doesn't belong there. Saka ko na lang siya ii-invite kapag nag-organize si Mommy ng charitable party for the less fortunates na social climber."
"Zein, ano ba?!"
Hindi niya pinansin si Echizen at sa halip ay iniwan niya ang mga ito. Nang muli niyang lingunin ang mga ito ay nakita niya kung paanong hinawakan ng lalaki ang kamay ni Lauren at masuyong pinisil iyon. She rolled her eyes.
They both looked stupid.
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...