"Mommy, hindi mo ba ako nami-miss?"
Kausap ni Zein ang kanyang ina sa telepono nang gabing iyon. Nagbabakasakali siyang makumbinsi niya itong pauwiin na siya dahil isang malaking kabaliwan ang patirahin siya sa bahay na kasama si Echizen.
Maaaring konsolasyon ang pagpasok pa rin nito sa opisina sa kabila ng nakakapangsira ng ulo nilang sitwasyon ngayon. At least, hindi niya kailangang buong araw na magtiis sa nakakairita nitong ugali at pagmumukha.
At oo nga kumpleto sa gamit at supplies ang bahay na tinitirahan nila. May internet connection at cable, nakakapanood pa rin siya ng mga K-Drama. Pero iba pa rin kapag may laman ang credit cards niya at nakakagala siya.
Para siyang nakakulong. At sa kulungang iyon ay may kasama siyang kampon ng kadiliman. Kaya nga ngayon ay heto siya at gumagawa ng paraan. Alam niyang mahihirapan siyang kausapin ang Daddy niya dahil mukhang ito naman talaga ang pinakapromotor ng lahat. Ito naman ang may kailangan kay Echizen upang pamahalaan ang Stalwart Mart. Sa Mommy niya na lang siya makakahingi ng tulong. Hinding-hindi siya nito matitiis.
"Of course, hija, I miss you. Nang makauwi ka galing Amerika, ilang araw lang kitang nakasama dito sa bahay."
Nabuhayan siya. "E di pauwiin niyo na po ako." Hindi pa man ayg nakikita niya na ang liwanag.
"Pero di ba kayong dalawa naman ni Echizen ang nagsabing willing na kayong pagbigyan kami sa gusto namin na magbati na kayo at kilalanin nang maigi ang isa't isa? We gave you the best way to know each other."
She rolled her eyes. Masyadong agresibo ang pamamaraan ng mga ito. At talaga namang tuwang tuwa pa ang mga ito, na para bang ikinatutuwa din nila ni Echizen ang lahat. Perhaps, she should put all the blame to stupid Echizen ang lahat. Kung hindi sa idea nito ay hindi na sana lumala ang problema nila. Siguro naman, kung hinayaan na lang nilang naka-close ang accounts nila sa halip na sakyan ang kalokohan ng mga magulang nila ay maibabalik pa rin sa dati ang lahat. Sana ay ipinakita na lang nila na imposibleng mangyari ang hinahangad ng mga ito.
But then, they fueled up their parent's false hope and the result was tragic.
Narinig niya ang pagtawa ng Mommy niya. "So, how is it going, princess?"
So far, so bad. Sa loob ng apat na araw nilang paninirahan nang magkasama ni Echizen ay napatunayan lang nila na hindi talaga sila maaaring magkasundo. Para silang aso at pusa. Lahat na lang ay pinag-aawayan nila. Mula sa remote ng TV hanggang sa paglilinis ng bahay. Sinasabihan siya nitong makalat pero sa totoo lang ay hindi rin naman ito marunong maglinis. Gawain nitong ibintang ang kalat nito sa kanya. Herodes talaga.
Pati mga pinapanood niya sa TV ay pinapakialaman nito. Tama ba namang sabihin nitong baduy ang mga K-Darama na pinapanood niya. Wala kasi itong ibang alam na panoorin kundi basketball at balita. Ah, oo nga pala, nanonood din ito ng cartoons sa Cartoon Network. Tuwang-tuwa ito kay Johnny Bravo.
Sa kanilang dalawa ay ito ang baduy.
Hindi niya na ito matagalan. Mahirap makasama sa iisang bahay ang taong buong buhay niya na yatang kinaiinisan.
"Everything is fine, Mom," pagsisinungaling niya. "Pero pauwiin niyo na po ako. Please."
"If everything is fine, then bakit kita pauuwiin? Besides, princess, Daddy mo ang magde-decide kung kailan ka uuwi."
Unti-unting naglaho ang liwanag na naaninag niya kanina.
"Mommy..." Paani niya ba sasabihin na kaya lang nila nasabing willing na silang pagbigyan ang mga ito ay dahil inakala nila ni Echizen na iyon ang pinakamadaling paraan upang maibalik ang accounts nila? Napabuntong-hininga siya. "Perhaps, I can have my accounts back?"
Kung active pa rin sana ang accounts niya ay sa hotel siya titira. Hindi naman siya makahingi ng saklolo sa mga kaibigan niya dahil hindi pa alam ng mga ito ang sitwasyon niya.
"Daddy mo rin ang magde-decide kung kailan maibabalik ang accounts mo."
She was about to say a 'damn'. But she took all of her power to rein her mouth. "Fine."
Hindi pa natapos ang tawag dahil kinamusta pa siya ng Mommy niya. Pilit siyang nagpakahinahon kahit pa nang mga oras na iyon ay gustong-gusto na niyang magwala.
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...