It was the talk of everyone. Kalat na kalat na sa buong campus ang sex video ni Lauren, at ang itinuturong nagpakalat niyon ay walang iba kundi si Zein. Sa kanya daw nagmula ang cellphone kung saan naka-save ang sex video.
And as if it was a virus, madali iyong kumalat at pinagpasa-pasahan. Ngayon, lahat na yata ng estudyante sa kanilang campus ay may kopya na ng sex video sa cellphone.
And for the third time, nasa principal's office na naman siya. Kaharap niya si Lauren at iyak ito nang iyak. Hindi niya naman alam kung ano ang kanyang gagawin. She felt sorry for Lauren pero bakit siya hihingi dito ng tawad gayong wala naman siyang kasalanan?
"Hija, ikaw ba talaga ang babae sa video?" Tanong ni Mr. Alejandro kay Lauren.
Umiling ito habang hikbi nang hikbi.
She saw the video. Kamukhang kamukha ni Lauren ang babae doon. Perhaps it was edited. Ngunit sino ang gagawa niyon?
"Ms. Zoleta, I can't believe that you can do this kind of mischief," madilim ang anyo na turan sa kanya ng kanilang principal.
Panic registered on her face. "Swear to God, hindi po sa akin nanggaling ang video."
"Pero sayo nagmula ang cellphone kung saan naka save ang video."
"Yes. Pero nakita ko lang po yun sa bag ko. I don't know kung kanino yun nanggaling, besides it looked so cheap kaya binigay ko na lang sa iba. I don't even know na may naka save doon or anything." Bumaling siya kay Lauren. "Swear, I'm telling the truth."
Lalo itong napaiyak. Naaawa siya dito. Oo nga't galit siya sa babae subalit alam niya pa rin kung gaano kasama ang sitwasyong kinasadlakan nito ngayon. A sex video at the age of fifteen? That's freaking too much.
Kung sino man ang gumawa at nagpakalat ng video na iyon ay kasumpa-sumpa. Lalo pa't sa kanya nababaling ang kasalanan. She's innocent. Ganoon man siya kagalit kay Lauren ay hindi niya kayang paabutin sa sukdulan ang lahat. Aaminin niyang maldita siya subalit hindi siya masama.
Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya sa magiging reaksyon ng Daddy niya oras na malaman nito ang eskandalong kinasasangkutan niya.
"We have to do a further investigation." Nasapo ni Mr. Alejandro ang noo nito. "This is a total shame for our school's image." Sunod ay bumuntong-hininga ito. "For the meantime, the two of you are suspended."
Hindi alam ni Zein kung paano siya uuwi sa kanila dala ang balitang iyon. Her Dad would surely be devastated.
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...