Chapter 13

14 3 0
                                    

At present...

"Whatever happens, I won't marry him." Zein rolled her eyes. "Like ever."

Kung alam niya lang ay hindi na sana siya umuwi mula sa Amerika. Yes, she missed the Philippines but no, she can't marry the man that she ever hated. Maaari ngang walong taon na ang lumipas subalit nananatili ang masamang impresyon niya kay Echizen. That feeling-perfect bastard. At pupusta siya, ang tingin pa rin nito sa kanya ay brattinela. It was just alright. Wala naman siyang pakialam kung ano man ang tingin nito sa kanya.

"I don't think na may dapat kang ipag-alala. Kapag nalaman ni Echizen, tututol din naman siya. Right?"

Tama si Jecelle. Wala sa kanilang dalawa ang may gusto ng kasal na iyon kaya anong magagawa ng mga magulang nila?

She smiled. "You're right, Jecelle."

"But I still think that it's funny if the two of you will really get married," singit ni Portia.

Inirapan niya ito, "Let's change the topic."

"Okay, hmm... What motif would you like for your upcoming wedding?"

Muling tumawa sina Briana at Jecelle sa tanong na iyon ni Portia. They really were making fun of her situation. Sa halip na mainis ay nakitawa na rin si Zein.

Oh, hoe she missed her girl friends. Sa loob ng ilang taon ay walang nagbago sa kanilang pagkakaibigan. Kahit nasa Amerika siya ay wala siyang hindi nalaman tungkol sa mga pangyayari sa buhay ng mga ito. Ganoon din naman sa kanya. They kept in touch and never lose the bond of their friendship.

Alam ng mga ito na hindi naging masaya ang buhay niya sa Amerika. Mga katulong lang ang kasama niya roon at pakiramdam niya, walang kabuhay-buhay ang kanyang buhay. Ipinatapon siya doon ng Daddy niya dahil ang alam nito ay puro lang kahihiyan ang dala niya. Masakit isiping hindi magawang paniwalaan ng Daddy niya na wala siyang kasalanan sa mga eskandalo at kahihiyan na nagyari noon. He, of all people.

Pakiramdam niya rin ay hindi niya na hawak ang kanyang buhay. Noong tumuntong siya ng college ay ipinagpilitan sa kanya ng Daddy niya na Business Management ang kunin niyang kurso. Ever since she's young, she had been wanting to take Fine Arts, subalit wala rin siyang nagawa.

So she took up Business Management. Subalit dahil talagang wala siyang interes sa kursong iyon ay pulos mabababang grades ang nakukuha niya. She even failed three subjects. Hindi niya na sinubukan pang pag-igihin ang kanyang pag-aaral. What hell would be the sense if she didn't even like what she's doing? She dropped out of college.

Natural na ma-disappoint ang Daddy niya sa kanya. Subalit binigo din siya nito nang muli niyang subukan na makiusap ditong payagan siyang kunin ang kursong gusto niya. Masama ang loob niya sa ama. She used to adore her Dad so much. Subalit ngayon ay nakikita niyang wala nang mas iba pang mahalaga dito kundi ang Stalwart Mart.

At ngayon, gusto nitong pakasalan niya si Echizen upang makasiguro ito na sa pagdating ng panahon ay magiging maayos pa rin ang pinakamamahal nitong korporasyon.

It was unfair, sa totoo lang ay hindi dapat siya naipatapon sa Amerika. Dapat ay nakuha niya ang kursong gusto niya, dapat ay ginagawa niya kung ano man ang gusto niyang gawin. Marahil ay sapat na ang walong taon na pinagbayaran niya para sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Maybe it was time to be Zein Antoinette Zoleta again. Certainly it's time to live her life.

Wala nang makakapilit sa kanyang gawin ang mga bagay na hindi niya gusto.

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo. "Come on, girls, let's go have some fun. I miss the Philippines and you three will be my tour guides."

Tumayo na rin ang kanyang mga kaibigan. They all seemed excited. Subalit sasakay pa lang sila sa kanyang kotse nang tumunog ang kanyang cellphone. May text message siya mula sa kanyang Mommy.

Be early for dinner, princess.

She rolled her eyes. Kung magsalita ito ay para bang hindi siya nag-walkout kanina nang ibalita nitong balak ng mga ito na ipakasal siya kay Echizen. Muli niyang isinilid ang kanyang cellphone sa bag. She reminded herself to be late for dinner.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now