Chapter 28

11 2 0
                                    

It was the second Sunday of May so, it's Mother's Day. Tuwing sumasapit ang araw na iyon ay nakaugalian na ni Echizen ang magbigay ng bulaklak sa dalawang magagandang babae sa buhay niya, ang Mommy niya at si Mommy Ella. Oo nga't gumawa ang mga ito ng isang gulo ngayon sa buhay niya subalit nananatili pa rin ang katotohanang mahal niya ang mga ito. They've always been so wonderful.

Dahil naka-freeze ang accounts niya at wala siyang pera ay kinonsyensya niya ang Daddy niya na pautangin muna siya. He did loan him.

Nang makarating na siya sa flower shop ay isang matamis na ngiti ang isinalubong sa kanya ng ginang na siyang nasa service counter. Kilala na siya nito dahil doon siya laging bumibili ng mga bulaklak sa tuwing may okasyon o kaya naman ay kung minsang may naisipan lang siyang bigyan.

"Para ba ngayong Mother's Day?" Magiliw na tanong nito sa kanya.

"Opo. Every year, roses ang ibinibigay ko. Ngayon, gusto ko pong maiba."

Tumangu-tango ito. "May idea ka na ba kung anong gusto mong ibigay ngayong taon?"

"Carnation in pink and calla lily."

He knew women to be fond of details so he had the heart to search for certain flowers and their meanings. The simplicity and grace of carnation in tender pink describes her mother. While calla lily speaks of beauty and regal elegance. Bagay kay Mommy Ella.

"Eksakto, hijo, bagong deliver ang mga bulaklak ngayon. Arrangements ba, ika-cut o as is?"

"Arrangements. Kayo na lang po ang bahala kung anong bulaklak ang magandang isama sa kanila."

Tumango ito at nagsimulang gawin ang dalawang arrangements. Nilibang niya naman ang kanyang sarili sa pagtingin sa magagandang bulaklak sa loob ng shop. Meron ding mga paso ng malulusog na halaman. Sa isang panig ng shop ay nakapwesto ang ilang paso ng bonsai habang katabi ng mga iyon ang isang rack kung saan nakapatong ang maliit na paso ng mga cactus. Sa ibaba non ay ang matitinik na euphorbia, buhay na buhay ang nagpupulahang mga bulaklak niyon.

Subalit kung meron mang nakaagaw ng atensyon niya, iyon ay ang bungkos ng isang bulaklak na nakalagay sa isang hamper. Oo at magaganda ang mga katabing bulaklak nito subalit sadyang angat na angat ito.

It was gorgeous from its rich blue vibrance down to its deep cut leaves. And if this flower were a woman, she would have all the license to be bold and confident about her beauty. And Zein's face crossed his mind.

"Delphinium." Mula sa kanyang likuran ay nagsalita ang ginang na tapos na palang gawin ang dalawang arrangements na inorder niya.

"Yun po ba ang pangalan ng bulaklak na ito?"

Tumango ito. "Ang ganda niya, di ba? Bibihira ang mga bulaklak na blue ang kulay kaya espesyal sila."

Muli niyang tiningnan ang bungkos ng delphinium. His heart was beating weirdly as he saw Zein's face in his mind.

Bullshit!

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now