"Are you sure you know how to use that machine?" Naiiritang tanong ni Zein sa saleslady ng pinasukan niyang boutique. Paano kasi, pangatlo na iyon sa binigay niyang credit card dito subalit palagi nitong ibinabalik iyon sa kanya para lang sabihing failed to process daw.
Mukha namang hindi nito dinibdib ang tanong niya. "Naku, Ma'am, failed to process po talaga eh. Baka po may iba pa kayong credit card?"
Napabuntong-hininga siya at sa ikaapat na pagkakataon, humugot siya ng isa pang credit card sa kanyang wallet.
"That's my last one," sabi niya.
Inabot nito iyon at saka nag-swipe. "Naka-freeze po ang account ninyo, Ma'am," sabi nito matapos ang ilang minuto.
Nagulat siya. "What?"
"Yung tatlo pong credit cards kanina, closed accounts na at ito pong panghuli ay naka-freeze."
"Are you sure?"
"Yee, Ma'am."
She went frantic. What the hell was happening?
"Are you really sure?"
Tumango ito.
Darn it, walang ibang maaaring gumawa niyon kundi ang Mommy at Daddy niya. Palibhasa ay galing sa mga ito ang pera niya. Ni wala siyang personal account. In the first place, paano siyang magkakapera kung wala siyang trabaho?
So, iyon ba ang paraan ng mga magulang niya para ipilit sa kanya ang kalokohan ng mga ito? Ang akala niya pa naman ay maayos na ang lahat. Sinubukan siyang kausapin ng mga ito. Humingi ng dispensa ang mga ito dahil baka nga daw masyadong mabilis kung kasal agad ang hihingin ng mga ito. They said that she and Echizen should give it a try and get to know each other more, at least. Siyempre hindi siya pumayag, tiyak niyang ganoon din si Echizen.
At ngayon, naka-close na ang tatlong accounts niya samantalang naka-freeze naman ang isa? Hindi iyon makatao.
Kinuha niya ang mga credit cards niyang wala na rin naman palang kuwenta at iritableng lumabas ng boutique na iyon. God, ni wala siyang dalang cash. Nainis siya sa riyalisasyon na talaga ngang sa edad niyang twenty-three ay hindi niya kontrolado ang kanyang buhay.
Padabog siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Mabuti na lang pala at nakapagpagasolina na siya bago pa mai-close ang accounts niya, kung hindi ay baka pati pag-uwi ay hindi niya magawa.
"Arghhh! I freaking hate this." Nahampas niya ang kanyang manibela.
Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan. She would confront her Mom and Dad. Nagpa-practice na siya ng kanyang sasabihin sa parents niya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Inis na inabot iyon ni Zein mula sa katabing passenger seat. Hindi naka-register ang numero sa cellphone niya kaya napakunot-noo siya. But then, she picked up.
"Who's this?"
"Echizen. We need to talk."
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...