Chapter 5

18 1 0
                                    

"Yes, I did call her something that starts with letter 'B' and ends with letter 'H'," pag-amin ni Zein sa tanong ng kanilang principal na si Mr. Alejandro ukol sa pagtawag niya kay Lauren ng 'bitch'.

Hindi siya mahihiyang aminin iyon dahil totoo naman. At kahit pa sabihing napulot ni Ms. Azarcon na pakalat-kalat ang kanyang assignment sa hallway, malakas pa rin ang kutob niyang pakana iyon ni Lauren. What, ipu-ipo ba ang pumasok sa kanilang room para liparin nang ganoon ang assignment niyang nakaipit sa makapal na libro?

Bumuntong hininga si Mr. Alejandro. "Ms. Zoleta, this is the first time na naipatawag ka sa principal's office. Tell me hija, do you have something against Ms. Alfonso?"

I have everything against her. Hindi lang siya nagsalita, sa halip ay binigyang pansin niya ang floral ribbon na ipinag-alala niyang baka nakatabingi na sa kanyang magandang buhok.

"How about you, Ms. Alfonso, talaga bang wala kang kinalaman sa pagkawala ng assignmet niya?"

"Wala po. Hindi ko naman po yun gagawin kahit palagi niya akong pinagdidiskitahan eh."

Daig pa nito ang maamong tupa habang nagsasalita. Zein rolled her eyes and gritted her teeth in disgust.

Tila disappointed na bumaling sa kanya si Mr. Alejandro. "I want this thing to be settled. Walang kinalaman si Ms. Alfonso sa pagkawala ng assignment mo, Ms. Zoleta. Hindi ka dapat basta bastang nangbibintang. Now, tell her that you're sorry."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "What?"

"Tell her that you're sorry."

Gusto niyang magwala. Bakit ba lahat na lang ay inuutusan siyang humingi ng tawad kay Lauren? It was so unfair. Sa kanilang dalawa ay ito naman ang mas may kasalanan.

"I won't," mariin niyang saad. "I'll stand in my belief that she stole my assignment and perhaps, she threw it along the hallway."

"Hindi ko ginawa yon---"

"Ha! My foot-"

"Stop!" Napatayo si Mr. Alejandro. "Walang makakaalis sa inyo hangga't hindi ito naaayos."

Nanatili lang siya. Walang makakapilit sa kanyang mag-sorry kay Lauren.

"Okay." Muling naupo si Mr. Alejandro at may kinuhang logbook sa drawer ng mesa nito. Sunod ay akmang magda-dial ito sa telepono.

"Ano pong gagawin niyo?" Tanong niya.

"Tatawagan ko ang parents mo."

Natulala si Zein. Ayaw niyang malaman ng parents niya na napunta siya sa principal's office. Magagalit ang mga ito. Lalo pa't ngayon, sa kahit anong anggulong tingnan ay mukhang siya ang may kasalanan.

Tiningnan niya si Lauren na kung hindi niya pa alam ay lihim na nagdiriwang. Subalit nang tingnan niya si Mr. Alejandro ay mukhang desidido talaga itong tawagan ang parents niya. She felt helpless.

"Fine!" Sigaw niya.

Natigil si Mr. Alejandro sa ginagawa nito. "So?"

"I'm sorry, Lauren," labas sa ilong na saad niya.

"Very good, Ms. Zoleta. And what will you say, Ms. Alfonso?"

"I accept it, Zein." Nakakaloko ang ngiti nito.

"Great. You girls can go back to your class."

Sabay silang tumayo ni Lauren at humakbang palabas.

"Ah, Ms. Zoleta," pahabol ng kanilang principal. "You have to do a twelve-hour community service."

Muling nanlaki ang kanyang mga mata. "What? I mean...What?!"

"Okay, twenty-four hours of community service. You'll start tomorrow."

What the hell? Hindi na siya nagreklamo dahil baka madagdagan pa ang parusa niya. Mabigat ang loob na napatango na lang si Zein.

"You know what? Ako talaga ang kumuha ng assignment at nagtapon sa hallway," nakangising wika sa kanya ni Lauren pagkalabas na pagkalabas nila sa principal's office.

Tiningnan niya ito nang masama subalit nagkibit-balikat lang ito at saka siya inunahang makabalik sa kanilang classroom.

Arghhhh!

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now