6:37 AM. Maaga pa ang oras na iyon para pumasok sa school kaya't naupo muna si Zein sa kanilang salas upang magbasa ng latest issue ng Marie Claire.
Alas otso pa ang simula ng klase niya at isa pa, hindi niya na kailangang pumasok nang maaga dahil sa wakas ay tapos na siya sa kanyang pagku-community service.
And another thing, nakaganti na siya kay Lauren. Kahapon ay nakakatawa ang itsura nito habang basang-basa at nanlilimahid sa juice. She paid someone to do it, kaya simula kahapon, tuwing breaktime, ay may magtatapon ng juice kay Lauren. Everyday of her breaktime would be a disastrous mess. Hindi niya ito titigilan hangga't hindi ito lumalapit sa kanya para humingi ng tawad sa lahat ng ginawa nito.
Habang nagbabasa ng magazine ay nakaramdam siya ng paghanga sa lahat ng mga designers na featured ngayong season sa Marie Claire. They were all awesome. She's in love with fashion. Ngayon pa lang ay alam niya na kung anong course ang kukunin niya sa college, Fine Arts, Ultimate dream niya ang maihanay sa mga sikat na designers... Donatella Versace, Alexander McQueen, Rachel Zoe. At alam niya, balang araw ay matutupad niya ang kanyang pangarap. Wala siyang pakialam kahit pa sinabihan siya ni Echizen na mukhang naglalakad na regalo, palibhasa ay wala itong fashion sense.
"Hindi ba't exam niyo ngayon? Bakit imbes na nag-aaral ka eh fashion magazine yang hawak mo? Put it down, hija."
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang kanyang Daddy. Intimidating ang aura nito, bagay naman dahil sa napakaistrikto nito. Subalit kaya niya itong daanin sa lambing.
"Dad, nag-review na po ako." Yumakap siya dito. "And let's have a deal, kapag ako ang highest sa exam, bibilhan mo na ako ng car. I like it pink."
"Not yet, princess, masyado ka pang bata. And let's go back to this trash." Dinampot nito ang magazine na inilapag niya kanina sa center table. "Hindi dapat ganito ang binabasa mo. You should be reading about business."
She rolled her eyes. "Not yet, Dad, masyado pa akong bata."
A hearty laugh came out from her father. "You!" Bumuntong hininga ito. "But I want you to take it seriously, princess. Dapat ngayon pa lang ay interesado ka na sa negosyo. After all, you're the heiress of Stalwart Mart."
Daddy niya ang founder ng Stalwart Mart. Chain iyon ng malls na mayroon sa bawat sulok ng Pilipinas. His Dad's business is a success, walang hindi nakakaalam at hindi tumatangkilik sa Stalwart. At dati pa ay inuukilkil na nito sa kanya na siya ang susunod na magpapatakbo sa sinimulan nitong negosyo. Pero wala siyang interes sa kahit anong bagay na may kinalaman doon, her heart belongs to fashion.
"Let's just go, Dad. Malelate na ako sa school." Ayaw niya nang sabihin dito ang nasa isip niya. It would be an endless argument.
Ito na nga ang naghatid sa kanya sa school. She's just on time. Naka-set na ang kanilang room para sa second periodical exam at kumpleto na rin sila. Math ang una nilang ie-exam, confident naman siya dahil favorite subject niya iyon.
Nilinga niya si Lauren na nasa gawing kanan, nakatingin din pala ito sa kanya. She rolled her eyes on her.
Lauren just smiled.
"Okay, I don't want to see anything on your desk other than your pen and your answer sheet."
Nang masiguro ng kanilang Math teacher na si Ms. Tan na handa na ang lahat para sa exam ay idinistribute na nito ang questionnaires.
"This is so easy," bulong niya kay Portia.
Sa hudyat ni Ms. Tan ay nag-umpisa na sila sa pagsusulit. Sisiw na sisiw sa kanya ang mga tanong. Perhaps she can take the exam blindfolded.
"Give me your paper, Ms. Zoleta," narinig niyang sabi ni Ms. Tan.
Ikinagulat niya iyon. "Miss? I know that I'm smart and this exam is so easy but it's only been three minutes. I'm just halfway there..."
Pumunta ito sa kanyang upuan mula sa ilalim ng kanyang desk ay nakuha nito ang isang mahabang sheet ng papel. Mathematics III Correction Paper-iyon ang nakasulat doon. A leakage!
"What is the meaning of this?" Galit na tanong ni Ms. Tan.
Sobra-sobrang kaba naman ang sumalakay sa kanya. "I don't know where that came from, Miss. Swear." Itinaas niya pa ang kanyang kanang kamay.
Subalit tila hindi ito naniniwala at kinuha ang kanyang answer sheet.
Mataman siya nitong tiningnan. "I'll see you at the principal's office Ms. Zoleta."
For the second time?
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...