"Get out of my way," nakakunot-noong saad ni Zein sa dalawang security guards na papasukan niyang bar.
Bakit sa halip na papasukin siya ng mga ito ay hinaharangan pa ng mga ito ang daraanan niya?
"Are you deaf? I said get out of my way."
Naiirita na siya dahil ngayong gabi na nga lang siya muling nakalabas ay mukha yatang abnormal pa ang nga security guards ng bar na iyon. What, ayaw ba ng mga ito ng customer?
Kanina, matapos niyang kausapin ang Mommy niya ay na-realize niyang hindi rin siya nito matutulungan. Gustong gusto nga rin pala nito ang mga pangyayari. Ginugol niya na lang ang kanyang oras sa pagliligpit ng kanyang mga gamit at maswerteng may nakita siyang one thousand bill sa isa niyang mga bag. Pakiwari niya ay hulog iyon ng langit dahil gustong-gusto niyang lumabas upang makalimutan niya kahit sandali ang kanyang kinalalagyan.
Nagbihis siya at nag-taxi patungo sa pinakamalapit na bar. Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan makakarating ang one thousand niya. Kung normal na sirkumstansya kasi ay hindi talaga iyon kakasya para sa night out ng isang Zein Antoinette Zoleta. Subalit kahit ano pa man ay gusto niya lang namang makalabas.
At ngayon ay pipigilan pa siya ng dalawang malaking bulas na security guards na ito. Hindi siya business-oriented pero alam niyang hindi iyon ang tamang pagtrato sa mga customers.
"Ma'am, napag-utusan lang po kami. Hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob," sabi ng isa sa mga guards.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "What are you talking about? Hindi niyo ba ako kilala? My father is the number one taxpayer in this country at kayang kaya kong bilhin ang bar na to. Even the two of you!" Pinandilatan niya ang mga ito.
Perhaps they doubted all that she blurted out. Paano kung malaman ng mga ito na one thousand lang ang pera niya sa bulsa? Less the taxi fare?
"Ma'am, pasensya na po pero-"
"Sino ba'ng nag utos na hindi ako pwedeng pumasok?"
"Ako."
Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang nakahalukipkip na si Echizen. Humakbang ito palapit at saka tinanguan ang dalawang guards.
"Tell Ryan that I'm thankful for the favor."
"Sige, Sir."
"Who the hell is Ryan?" Tanong niya.
Tiningnan siya ng masama ni Echizen. "He's my friend and the owner of this bar. Nagpaasibo ako na huwag na huwag kang papapasukin dito." Hinawakan siya nito sa braso. "Let's go."
Hindi siya tuminag sa kanyang kinatatayuan kaya't hinila siya nito.
"Why are you doing this?" Naiinis na tanong niya habang hila-hila nito. Dammit, bakit ba pati paglabas niya ay pinapakialaman nito?
"Ano na lang ang iisipin nila Mommy Ella kapag nalaman nilang hinahayaan kitang magliwaliw at umuwi ng dis oras ng gabi? Right now, responsibilidad kita and though I hate it, I have to keep my eyes on you. Kung wild ka sa Amerika, hindi mo pwedeng gawin yon dito. Not when you're with me."
Binawi niya ang kanyang braso mula rito at sarkastiko siyang ngumiti. "I knew it. You're always after your good image."
Noon pa man ay ganoon na ito. Palibhasa ay pasikat ito. Through the years ay walang nagbago dito, he remained as the feeling perfect know-it-all.
"I said let's go," muli siya nitong hinawakan sa braso at hinila. Subalit muli niya ring inalis ang kamay nito.
"I can't stand another moment with you Echizen." Hinawi niya kanyang buhok. "Our situation is a total mess. I can't live my life like this."
Tinalikuran niya ito at saka pinara ang unang taxi na dumaan. Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya subalit hindi niya ito pinansin. How dare him! Sa lahat ng ayaw niya ay iyong pinapakialaman siya. Wala itong karapatan na pagbawalan siyang gawin kung ano ang gusto niyang gawin. It was insulting that he banned her from coming to that bar. Ano siya, freak?
"Ma'am, saan po tayo?"
Ilang sandaling pinag-isipan niya ang kanyang isasagot. Hanggang sa napabuntong-hininga siya. Sa pagkakataong iyon ay wala siyang ibang maaaring uwian kundi ang bahay nila ni Echizen.
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...