"This is totally insane!"
Napapapadyak si Zein dahil sa pinaghalong inis at frustration. Inis dahil unang-una, hindi naresolba ang problema niya ukol sa kanyang mga credit cards. At frustration dahil hindi effective ang plano ni Echizen. Sa halip ay pinalala lang nito ang kanilang sitwasyon. Dammit, kahit kailan talaga ay panira ito.
Ginawa nila ang plano nitong sabihin sa parents nila na willing na silang kahit papaano ay bigyan ng chance na lalo pang kilalanin ang isa't isa. Ang inaasahan nilang resulta ay ibabalik na ng mga ito ang accounts nila. Subalit kahindik hindik ang nangyari. Hindi na nga naibalik ang accounts nila, ngayon ay napilitan pa silang tumira sa iisang bahay. Masyadong nagatungan ang pag-asa ng mga ito sa kanilang dalawa ni Echizen. At sa sobrang tuwa ng mga ito ay umabot pa sa pinakamataas na lebel ang kabaliwan ng mga ito. Ang sabi ng mga ito, mas makakabuti kung sa iisang bahay muna sila tumira ni Echizen. Iyon daw ang pinakamagandang paraan upang makilala pa nila ang isa't isa. Di yata't masyadong agresibo ang mga ito at nagmamadali.
Ni hindi niya na nagawang tumanggi sa desisyon ng mga ito dahil bukod sa sapilitan nang inempake ang mga damit niya ay sapilitan din siyang inihatid sa bahay na titirhan nila ni Echizen.
And to top it all, wala pa ring nagbago sa accounts nila. Wala sa kanilang may ideya kung kailan babalik sa dati ang mga iyon.
"Will you please stop what you are doing?"
Tumigil siya sa pagpapapadyak at inis na nilingon ang inis din na si Echizen. Pagdating niya ay naroon na rin ito.
"So what do you want me to do? Magtatalon dahil sa tuwa na titira tayo sa iisang bahay?"
"Silence. That's all I'm asking."
She rolled her eyes. "You know what? Kasalanan mo to eh. Hindi ko alam kung anong klaseng ideya yung naiisip mo. Now, look at what-"
"Gusto mo bang ipaalala ko sayo kung paano mo sinabi noong isang araw na perfect yung idea na naisip ko?" Tonong pikon na ito.
Yeah right. Sumang-ayon siya sa ideya nito. Pero kahit na, kasalanan pa rin nito kung bakit ngayon ay mapipilitan silang tumira sa iisang bahay.
Inirapan niya ito. At saka niya sinamsam ang malaking maleta na naglalaman ng mga gamit niya. Dire-diretso siyang pumasok sa isang silid. Sa totoo lang, hindi niya alam kung tatagal ba siya sa bahay na iyon. Hindi kasi iyon ang tipikal na bahay na nakasanayan niya. Oo nga't mukha naman iyong kumpleto sa gamit, subalit naliliitan siya. Ni wala nga iyong second floor at sa palagay niya ay kasinlaki lang ng kwarto niya sa mansyon nila ang bahay na iyon.
Gusot ang mukhang naupo siya sa kama ng kwartong iyon. Hindi niya na nga gusto ang bahay na iyon ay makakasama niya pa roon si Echizen. Hellish, was all she could ever think of.
Mayamaya ay may narinig siyang mga katok mula sa labas ng silid.
"What?" Sigaw niya.
Hindi tumigil ang pagkatok at narindi siya kaya tumayo na siya upang buksan ang pinto.
"I said what?" Sabi niya kay Echizen.
"Iisa lang ang kwarto sa bahay na ito," seryosong pahayag nito.
"What about that door?" Turo niya sa may isa pang pinto.
"Bathroom," sagot nito.
"What?"
"I said bathroom."
"Oo, narinig ko." Ang punto de vista lang naman kaya siya napa-"What?" Ay dahil hindi niya mapaniwalaan na iisa lang ang kwarto sa bahay na iyon. Maaaring makatagal siya sa bahay na kasama si Echizen, subalit sa iisang kwarto? No freaking way.
"Sa salas ka na lang. Look at that lovely couch." Itinuro niya ang kulay itim na couch na nasa likuran nito.
"Hindi ako kasya."
Well, oo nga. Kung bakit naman kasi sa loob ng walong taon ay malaki ang itinangkad nito. Bukod doon ay kitang kita rin ang naging magandang pagkakahubog ng katawan nito. Hindi man ito ma-muscle ay lalaking-lalaki pa rin ang tindig nito. Lean and sexy.
She cursed herself. Bakit ba kung ano ano ang naiisip niya?
Bumuntong hininga siya. "Do you think that I would care kung hindi ka kasya sa couch?"
Sa halip na sumagot ay nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa couch.
"I think that you and that couch fits perfectly," sabi nito.
She glared at him. "Caveman!" Sinasabi niya na nga ba't hindi nito alam ang salitang 'gentleman'. Mabuti nalang ay naunahan niya itong makapasok sa nag-iisang kwarto sa bahay na iyon.
Umakma siyang sasarhan na ito ng pinto subalit pinigil nito iyon.
"Fine. Kung ayaw mo sa couch, share na lang tayo sa kwarto," sabi nito.
"No way." Binigyang-diin niya ang dalawang salitang iyon.
Sunod ay tatawa-tawa niyang sinarhan ito ng pinto. He would have no choice but to settle in that lovely couch.
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...