Chapter 3

23 0 0
                                    

Nang dumating si Echizen ay nagkakasiyahan na ang mga tao sa bulwagan ng mansion ng mga Zoleta. Isang social gathering ang ginaganap doon ngayon at talaga namang naglalakihan at importanteng mga tao ang naroon. Patunay niyon ang mga nagkalat na press at nagkikislapang mga camera. Everyone and everything in the party seemed to shine in glamour.

Nasanay na siya sa mga ganoong uri ng pagtitipon dahil kasama ang kanyang pamilya sa listahan ng mga umiikot ang mundo sa karangyaan.

Inilibot niya ang kanyang paningin, saka siya lumapit sa mommy niya na kasama ang bestfriend nitong si Mommy Ella.

"Hey, Moms." Nilingon siya ng mga ito.

"Hijo! You look like a prince who jumped out of a fairytale book. You look dashing," ani Mommy Ella.

Ngumiti siya. How he loved Mommy Ella. Pamilya ang turing nito sa kanila at napakabait, pati na rin ng asawa nitong si Daddy Carl. Kaya nga't nakapagtataka kung paanong naging anak ng mga ito ang malditang si Zein.

"Thanks, Mommy Ella. You look great, too," sagot niya.

Sunod ay bumaling siya sa kanyang ina. "So are you, Mother."

Humagikhik ito. "I told you, mana sya sa Daddy niya," sabi nito sa bestfriend nito. "Sya nga pala, saan ka pa ba nanggaling at ngayon ka lang?" Tanong nito sa kanya.

"May inasikaso lang po akong school matter," pagsisinungaling niya.

"I see."

Nanggaling talaga siya kila Lauren upang sunduin ito. Gusto niya kasi sana itong makasama at nangako pa siyang hindi aalis sa tabi nito habang nasa party sila. Ngunit ayaw nitong sumama. Ang sabi ng babae, tama si Zein na hindi ito bagay sa mundong ginagalawan nila. Dinamdam nito ang lahat ng sinabi ni Zein.

Alam niyang spoiled brat ang kababata subalit hindi niya alam kung bakit pati si Lauren ay pinagdidiskitahan nito. Wala namang ginagawa si Lauren, sa katotohanan ay napakabait nito. Nakakahanga rin ang taglay nitong ganda at talino.

Oo, tagahanga siya nito. And he wanted her to be his girl, kahit pa noong una niya itong makita na nag-iisa noon sa library. Her angelic face was captivating. Hindi niya pinalampas ang unang araw na nakita niya ito nang hindi ito nakikilala.

He's in love with Lauren. Kaya nga hindi niya nagugustuhan sa tuwing inaaeay ito ni Zein.

"Oh, my princess..."

Bumaling ang kanyang atensyon sa tinitingnan ni Mommy Ella. Palapit sa kanila si Zein, at oo nga, mukha itong prinsesa sa napakagandang damit na suot nito. But she's still the obnoxious spoiled brat that he disliked ever since they were young.

"Hi!" Bati ng babae sa Mommy nito at sa kanyang ina.

"Hija, you look stunning."

"I know, Mommy Maica."

Isa pa iyon sa ipinagtataka ni Echizen, bakit ba gustong-gusto ito ng mommy  iya?

Tumalikod ito sa kanyang ina at kay Mommy Ella saka humarap sa kanya.

"Hi, Echizen!" Nagpaskil ito ng isang matamis na ngiti. Subalit kasunod niyon ay ang pagme-make face sa kanya.

He was itching to do the same. Iyon nga lang ay makikita siya ng mga mommy nila.

"Mommy Ellla, pwede ko po bang hiramin si Zein? May sasabihin lang po ako."

"Sure, hijo."

"Salamat po."

Hinawakan niya si Zein sa kamay at hinila. "Ouch! I'm wearing three-inch pointed heels so you should at least try to be compassionate."

Ngunit sa halip ay lalo niyang nilakasan ang paghila rito. Dinala niya ito sa isang panig ng garden kung saan walang ibang tao.

"Ano bang problema mo?" Tanong nito matapos bawiin ang kamay mula sa pagkakahawak niya.

"Gusto kitang kausapin tungkol kay Lauren."

She just rolled her eyes, three hundred and sixty degrees.

"Stop rolling your eyes, mukha kang sinasapian." Diretso niya itong tiningnan. "Gusto kong mag-sorry ka kay Lauren. Hindi mo sya dapat tinawag na social climber at less fortunate. Higit sa lahat, gusto kong tigilan mo na sya." Mababakas ang awtoridad sa kanyang tinig.

"Nagsabi lang naman ako ng totoo ah. If telling the truth always has to constitute with saying sorry, then, I'd rather be a liar. Besides, why don't you tell her na ako ang tigilan niya na?"

"Wala siyang ginagawa sayo."

"Yeah right, she's a saint."

Napabuntong hininga si Echizen. "Why do you hate her?"

Sandali na hindi sumagot at nakipagsukatan lang ng tingin sa kanya.

"Because I hate her," sa wakas ay tugon nito.

Naningkit ang kanyang mga mata, nakakapikon ito. "Bakit ba ganyan ka? Tell her you're sorry or--"

"Or what? Magsusumbong ka kay Mommy? Ohh...I'm scared." Umarte ito na para bang natatakot. Then, she did her habit, rolled her eyes. "Gusto mong mag-sorry ako sa Lauren mo? Bakit kaya hindi na lang ikaw ang gumawa non? Tutal ikaw naman ang may gusto. You are just the student council's president, not the king of the world, so don't make me do things against my will. It's inhumane."

Sukat niyon ay iniwan siya nito. The urge to strangle her neck crept into him. Siya pa ang pinagmukha nitong masama? Napabuga siya ng hangin.

She really is a self-centered, oozing with attitude, obnoxious brat.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now